Uniform
March 18th, 2009 by blackorchid“Uniform”
Gradweyt na ako ng Piyu at masasabi kong proud ako. Hanggang ngayon, malinaw na malinaw pa rin sa aking alaala ang masasaya, nakakatawa, malungkot at halo-halong pakiramdam ng mga karanasan ko sa Piyu…kahit sa labas nito.
Uumspisahan ko sa aming Uniform. Pag sinabing uniform, ibig sabihin ay pare-pareho. Sa mas malawak na depinisyon ayon kay Wikipidia, a uniform is a set of standard clothing worn by members of an organization while participating in that organization‘s activity. ‘Clothing’, ‘Members’ and ‘Organization’. ‘Clothing’. Para sa mga babae, palda na checkered (green and kaunting yellow at black)-lampas tuhod, blouse na puti na may collar, may ribbon na manipis na kakulay ng palda, patch sa kaliwang dibdib at black shoes (flat or may heels). Sa mga lalake, puting polo na may patch sa bulsa, green na pantalon, white or black socks at black shoes. Para sa akin, classic na ang mga ito. ‘Members’-mga taga Piyu’. ‘Organization’- FEU. Iyan ang sinasabing standard.
Mayroon bang tinatawag na multiform? Meron. Ayon sa Merriam Webster online, a multiform is having many forms or appearances. Ang multiform ba ay applicable sa uniform? Pwede.
Sa palagay ko ay year 2000 iyon nang patungo ako sa Fairveiw galing ng Piyu. Pagsakay ko ng bus, napansin kong madilim at naisip kong buksan ang bintana. Multiform # 1: (taran!) Ang kurtina ng bintana… ang aming uniform. Yung nga lang walang blouse. Yung palda namin nagkaroon ng raffles. Naramdaman kong nahiya ako ng kaunti pero sa bandang huli’y napangiti na lamang ako.
Multiform # 2: Naalala ko pa nun sa labas ng Piyu, sa bandang Morayta may iskulmeyt kaming nagtitinda ng mais. Hanga kami sa kanya dahil habang nag-aaral ay nagtratrabaho pa. Yun nga lang…mukhang iskulmeyt din namin ang nanay nya. Multiform # 2: Ang apron ni nanay. Wala ding blouse, tatlo naman ang bulsa ng palda na naging apron. Mga bulsa kung saan unti-unting iniipon ang perang pang tuition ng aming iskulmeyt.
Multiform # 3: Sa karinderia. Dito na yata laging nakikita ang aming uniform. Sa lamesa ng mga carinderia. Mantil o table cloth kung tawagin at pagka minsan terno din sa apron ng mga serbidora. Ayos lang, pag-upo mo, parang blouse lang ang suot mo dahil naghahalo na ang palda at ang mahabang mantil ng mesa. Ayos lang. proud pa rin.
Multiform # 4: Sa opisina. Ang pantalon ni kuya. Parang sa klasmeyt ko lang.
Sa aking pag gradweyt, pag nagkakaroon ng usapan about schools talagang tatak sa utak ng mga kausap ko kung ano ang aking uniform. At madalas, yung multiform # 3 ang nangunguna sa listahan. Hindi ako nahihiya kapag napapag-usapan yun. Sumasabay na lang ako sa tawanan pagka minsang ginagawang joke. Ayos lang. Proud ako dahil galing ako ng Piyu.
Madalas sa Makati, marami akong iskulmeyt na nakikita. May mga Koreans pa. Mukhang di na uniform ang aming uniform. Iba-iba na ang yari. May mga paldang maiksi, kulang ang plitz, body fit ang blouse, may medyas na puti at minsan ay itim. Nag-iba na nga ang panahon. Pati PE uniform iba na rin. Mas maganda ngayon. Cotton na yata yung jogging pants di tulad noon, yung madulas na tela ang gamit sa jogging pants with matching kung-fu shoes pa. Meron pa ba nun?
Sa tuwing nakakakita ako ng mga taga Piyu suot ang uniform or multiform, parang laging gusto kong lapitan, tapikin sa balikat at sabihing.’Kaya mo yan, kid!’, ‘Proud ako sa ‘yo’, or ‘Maging proud ka ha at ikaw ay taga Piyu’.
Lumipas man ang mahabang panahon at ang uniform ay maging mas multiform… at ang uniform ay d i lamang makikita sa isang organisasyon gaya ng sabi ni Wiki at makita ito sa iba’t-ibang lugar. Mananatiling IISA ang mga taga Piyu. Malalaman at malalaman mo. Ang pangarap naaabot, ang mahirap ay napapadali at ang Piyu binabalikan sa alaala at sa dala-dala ang natutunan kahit saan man magpunta.










