HOME     ABOUT US     COMMUNITY     MY EMAIL     DIRECTORY     CONTACT US     HELP

  • Contributor account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

    Be a TAMBayan Contributor. Upload your essays, short stories, announcements, and other works here! To apply as a contributor, click here

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.  
  • Home > Personals > TRESE
  • Love ko Piyu 2012: Post Contest

    Site news
    Madali lang ang mga gagawin. Sagutin lamang ang katanungang ito (English, Tagalog, o Taglish basta maiintindihan ng karamihan): “Bakit mo mahal ang FEU?” Gamit ang iyong Facebook account.. Read more..
  • Paano yumaman (agad)?

    Featured essay
    Paano nga ba yumaman? Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging.. Read more..
  • FEU returns to NCC 2012, ranks 2nd in the qualifiers

    Sports news
    The FEU Cheering Squad ranked 2nd in the National Cheerleading Championship last February 5, 2012 at the SM Mall of Asia. Last time they joined at 2009, they ranked 6th.

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:


  • Personals Sentimentals

    TRESE

    April 17th, 2009 by

    “Ire! Ire! Iire mo anak.”

    Ito ang mga salitang pilit na binabanggit ng aking CI sa loob ng delivery room ng isang hospital na di kalayuan sa aking paaralan.

    “Masakit, masakit”

    Ito naman ang pilit na isinasagot ng isang batang tila ba wala pang alam sa mundo.

    Itago na lang natin siya sa pangalang “MARIA”.

    Si Maria ay dinala sa ospital 6 oras bago niya iluwal ang isa na namang biyaya ng Diyos sa kanya — sapat na upang malaman ko ang kwento ng buhay niya.

    Marahil ay nakarinig at nakakita na tayo ng menor de edad na nagbigay buhay sa isang bigay ng Maykapal. Sa halos isang taon kong pagiging isang student nurse, labing anim na taong gulang na babae ang pibakabatang nagnganak na aking narinig.

    Ngunit si Maria ay labing tatlong taong gulang pa lamang — isang taon pa lamang ang nakaklipas magmula noong siya ay naging ganap na dalaga.

    Iniwan siya ng kaniyang mga magulang ng siya’y isang munting supling pa lamang. Hindi niya nakita o naramdaman man lamang ang kalinga ng isang magulang. Ngunit salamat sa kaniyang lola na nag-alaga at patuloy na nag-aaruga sa kanya.

    Labing tatlong taon ng kasa-kasama ni Maria ang kaniyang lola. Halos labing-tatlong taon ng iniahon ng lola ni Maria ang kanilang buhay sa pagtanggap ng labada, labing-tatlong taong pagtitiis sa hirap ng buhay.

    Siyam na taong gulang pa lamang noon si Maria ng tumigil ang kaniyang lola sa pagtanggap ng labada dahil na rin sa pagod na idinudulot nito sa kaniya. Kung kaya sa halip na mawalan sila ng pagkain sa araw-araw ay ibinugaw ni lola si Maria sa edad na siyam.

    Isang malungkot na pangyayari. Mararamdam mo sa kaniyang mga salita ang pait ng kahapon na gusto na niyang kalimutan..

    Ngayon, hindi lang sil lola ang kailangang buhayin ni Maria, mayroon ng isang supling na dapat pakainin at arugain. Marahil ang makakaya ng buhayin ni Maria ang kaniyang lola at anak sa mabuting paraan at sa tulong na rin ng pamahalaan.

    Ngunit isang katotohanan ang pilit na gugulo hindi lang sa isipan ni Maria ngunit pati na rin ng kanyang anak. Isang katotohanan na pilit na maghahanap ng kasagutan: Sino nga ba ang AMA ng ANAK ni MARIA?

     
    April 17th, 2009 by  I am a fourth year nursing student of Far Eastern University. He is part of one of the University wide organization in his school. He has the passion on writing. I'm from Mindoro, the land of the Tamaraws :)



  • Book Review: The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

    Entertainment news
    Though I usually begin with a general feel of the novel, this time, I opted not to. Because this book’s outstanding quality, which practically made it a classic, is its subjectivity. Read more..
  • TamBayan Poll: 54% expect DLSU to win the 74th UAAP women’s volleyball tournament

    From a total of 255 online votes at the Tamaraw Bayan community poll from site visitors (not necessarily registered users) initiated last December 1, 2011, a total of 97 votes were ast that they think.. Read more..
  • TAMBayan Book Club

    Entertainment news
    To all bookworms and 'dog-earing' addicts out there: What do you think of having a TamBayan book club? My broad idea of a book club is members share their thoughts about a certain book.. Discuss..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    Best Website for Community & Portal at the 12th Philippine Web Awards.