Tanong para sa mga matatalino
October 30th, 2009 by andoymanMatalino ba ang isang tao kung puro “mga kamalian” at “mga kabahuan” lang ng isang tao ang palaging alam, pinag-uusapan, at isinusulat ng dila? Alin ang mas bobo, ang nanghuhusga sa iba base sa mga nakalap niyang baho at dumi ng isang tao…o isang taong mas nakikita ang kabutihan ng iba gaano man ito kaliit?
Nakakairita na ‘yung sa tuwing may mga tatakbo para sa presidente o sa anumang position, ang mas inaalam (siguro) ng karamihan, kasama ako, ay ang mga mali at baho ng mga ito. Wala na akong nabasa, narinig, o nakita na ang tinitignan ng karamihan ay ang mga mabubuting nagawa nito. Sa tingin ko, madalas tayong nagpapakontrol sa inis, at asar natin sa “tumatakbo” na ‘yon kaya madali nating nahuhusgahan ang mga ito. Palagi tayong apektado sa nakaraan, at madalas, sa mga maling nagawa nito. (Maaaring tama o mali ako sa mga sinabi ko) Lahat naman ng tao, at naging presidente, depektibo. Pero sapat at tama bang ipagkumpara kung alin sa kanila ang mas depektibo?
Pakiramdam ko, mapanghusga ang halos lahat sa atin. At palagay ko, hindi na tama ‘yon; nararapat na sigurong wag na tayong magpakontrol sa ganoon. Hindi porke’t nakagawa ka ng kabutihan, e masama na ang tingin mo sa iba. At hindi porke’t nakagawa ng kamalian ang isang tao, e habambuhay na siyang masama.










