HOME     ABOUT US     COMMUNITY     MY EMAIL     DIRECTORY     CONTACT US     HELP

  • Contributor account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

    Be a TAMBayan Contributor. Upload your essays, short stories, announcements, and other works here! To apply as a contributor, click here

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.  
  • Home > Sentimentals > Takip Silim
  • Love ko Piyu 2012: Post Contest

    Site news
    Madali lang ang mga gagawin. Sagutin lamang ang katanungang ito (English, Tagalog, o Taglish basta maiintindihan ng karamihan): “Bakit mo mahal ang FEU?” Gamit ang iyong Facebook account.. Read more..
  • Paano yumaman (agad)?

    Featured essay
    Paano nga ba yumaman? Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging.. Read more..
  • FEU returns to NCC 2012, ranks 2nd in the qualifiers

    Sports news
    The FEU Cheering Squad ranked 2nd in the National Cheerleading Championship last February 5, 2012 at the SM Mall of Asia. Last time they joined at 2009, they ranked 6th.
  • Feedburner

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:


  • Sentimentals

    Takip Silim

    November 10th, 2008 by

    Marami talagang gumugulo sa isipan ko nitong mga nakakaraang araw… isa na dito ang taong mahal ko pero hindi naman ako mahal, yung taong mahal ako pero hindi ko naman mahal at yung taong gusto ko na may gusto ding iba. Diba kung susumahin napakagulo talaga ng buhay ko ngayon… emosyon palang malalaman mo na.

    Patulog na sana ako ng naulinigan ko na may kumakatok sa pintuan ng apartment ko, “Ren! Nandyan ka ba?! Pakibukas naman…” mahina ang tinig nya di ko alam kung bakit. Dali dali akong nagbihis at bumaba upang buksan ang pintuan, tanong ko “Sino yan?” sagot naman nya “Ako toh…” (sa totoo lang kilala ko na kung sino sya nag maang maangan lang akong di ko nakilala ang tinig nya). Tumambad sya sa aking harapan pagkabukas ko ng pintuan, basa ang damit at parang wala sa sarili. Pinapasok ko sya sa apartment ko dahil sa awa ko, sabi ko sa sarili ko “Ay nako… alam ko na toh…”. Pinatuloy ko sya sa aking sala at ipinagtimpla ng maiinom na kape dahil alam kong nilalamig sya pagkatapos noon ay pumanik ako sa kwarto ko upang maghanap ng ipapasuot sa kanya. “Ahh! Eto haha! Ang paborito nyang baboy na shirt” wika ko, bumaba ako at inimbita syang magpalit ng damit “Oh! Eto! Magpalit ka ng damit! Basang basa ka mamaya magkasakit ka pa!”. Tinitigan nya lang ako na parang batang sobrang lungkot. (Ang totoo kase nyan takbuhan ako ng mga taong naaapi!! Pero siya ang pinaka kakaiba sa lahat…)

    “Salamat talaga ha? Pag pasensyahan mo na ako. Naabala na naman kita” sabi nya sa akin, “Hay! May magagawa pa ba ako?! Alanga namang palayasin kita ng ganitong oras?! Mamaya may mangyari pa sayong masama!”… banat nya “Uyyyy… nag aalala sakin si Ren! Nakakatuwa naman”. Napatigil ako sandali at nag isip… medyo nagdrama at tinanong ko sa aking sarili “Buti nga ako… marunong mag alala sayo… ikaw kaya inaalala mo ako?…” pero kahit ayun ang tumatakbo sa isip ko ay nakangiti parin ako sa kanya. Ang apartment ko kase ay dalawang palapag , sa taas ang kwarto ko kung saan ako natutulog, sa baba ang sala, kusina at banyo kung tutuusin maliit lang talaga ito kumpara sa mga inuupahang condo at apartment ng mga kabarkada ko. 1:22am ng sabihin nya sakin “Uy! Ren! Tabi tayo matulog ha?!” laking gulat ko sa sinabi nya… sabi ko naman “Malikot akong matulog hmm… ganito nalang ikaw ang matulog sa kwarto ko, sa sala na lang ako…” tinignan nya ako na para bang BATANG inagawan ng laruan… nanahimik sya… “Galit ka na nyan?” tanong ko sa kanya “Kaw kasi.. anu ba masama sa hinihiling ko? Gusto ko lang namang magtabi tayo…” sa sinabi nya hindi ko alam kung dapat ko ba syang pagbigyan o ano… basta para na naman akong timang na kinausap ang sarili ko “Ano na naman ba ito! Nasa panaginip ko sya noon! Ngayon eto nasa harapan ko at gusto pang tumabi sa pagtulog ko?! Sakit naman sa ulo!!!”.



    Tinanong nya ako uli.. “Ano? ayaw mo ba ako tabihan? Ayus lang naman sa akin eh…” , “Hindi naman sa ayaw kitang tabihan… hindi lang kase ako sanay na may katabi ako… hmm Sige na! Oo na! Payag na ako!” sa mga salitang binitawan ko ay ngumiti sya at kinurot ang malaman kong pisngi at sinabi “Thank you Ren! Una na ako sa taas!” (Nakakatawa diba? Para bang bahay nya yun?! Sya pa ang naunang pumanik sa kwarto ko… Hindi naman sa nagdadamdam ako… sa totoo lang… gusto ko na talaga sya burahin sa sistema ko… pero ang totoo ay hindi ko kaya… mahirap… imposible… mentras na gusto ko syang kalimutan dun ko pa sya naaalala… mentras na gusto ko syang layuan… dun pa ako lalo napapalapit sa kanya… naman!!! Anu na naman kaya ang mangyayari?!) Pagkatapos kong mag muni muni… umakyat na ako, nakita ko sya na nakahiga na sa kama at nakatingin sakin. “Oh bakit ganyan ang tingin mo?” tanong ko sa kanya “Wala lang! Masama bang tumingin?” saba’y tawa.

    Pumuwesto na ako sa kama sa tabi nya, inalis nya ang unan nya sa ulo nya at inakap ito at nahiga sa aking tiyan “Oh! Ano yan!” (kunwari nagulat ako sa ginawa nya haha) sabi nya naman “Hmm namiss ko kasi ang mala teddy bear mong katawan” saba’y tawa. Sa paghiga nya sa aking tiyan ay napangiti ako… at kinausap na naman ang sarili “Haay! Sana ganito lagi noh?! Ito ang gusto kong maging panaginip! Na kung saan di na ako magigising haay! Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal!”. “Hoy! Ano na naman yang iniisip mo” tanong nya, “Wala naman…” sabi ko. Nagkwentuhan kami ng mahigit 2 oras hanggang sa magluha ang mata nya… “Ren! Inaantok na ako! Namiss ko tong t-shirt na baboy nato! Official shirt ko na to sa bahay mo ha?! hahaha!” , “Oo nga eh! Kung baga sa bisita ikaw ang nawili! Balik ng balik” sa loob loob ko “Sana wag kana umalis… dito ka nalang sa tabi ko…”. Winika nya “Sige tulog na ako ahh? Sarap talaga mahiga sa tiyan mo!” sabay banat ng ngiting mokong yung ganito (^_^). Nakatulog sya sa akin tiyan at ako naman nakatingin lang sa kanya.. Naiilawan kami ng buwan na kay ganda… Para bang ayaw kong pakawalan ang sandaling iyon gusto ko syang yakapin… halikan… ngunit nangibabaw padin ang pagmamahal ko sakanya na kung saan respeto ang nauuna.

    Siguro ang pag-ibig ko sa kanya ay pang mundo ko lang… kung baga maari itong maikumpara sa Buwan na lumalabas kapag sasapit ang gabi at ang madaling araw… Marahil mawawala ang pagmamahal ko sa kanya kapag di ko sya makikita… ngunit… manunumbalik bigla kapag sya’y nakasalamuha… Talaga nga namang napaka imposibleng kalimutan sya… Dahil iniisip ko palang di ko na makaya…

    Kahit ako ang takbuhan nya pag may problema sya… ay di ko magawang magalit… kahit paulit ulit nya akong iniistorbo sa gabi… di ako naiinis… siguro dahil ito sa PAGMAMAHAL ko sa kanya… Alam nya kaya yun? Ramdam nya kaya yun? … gaya ng sinabi ko kanina… sa pag iisip ko ng lubusan sa kanya… sumagi ba sa isip nya si Ren? Ang nararamdaman ni Ren? Sana kahit papaano oo…

    Sa sobrang pag iisip ko… mga 4am na ata ako nakatulog… di ko na namalayan sa bigat ng mata ko…

    Nagising lamang ako dahil sa paghaplos ng sinag ng araw sa akin mukha at katawan senyales na umaga na at kailangan ko ng bumangon. Pagkadilat ko ay wala na sya… nakita ko na lamang ang sulat na ginawa nya na nakaipit sa kamay ng isang STUFF TOY na baboy “Oy! Gising na! Punasan mo laway mo! Haha (^_^) salamat sa pagtanggap sa akin ha? Alam kong naabala kita… Kaya kita Lab eh kasi lagi kang nandyan (^_^) Ingat!”

    Sa mensahe nyang iyon ay nabuhayan ako ng loob… ang emosyon ko ay napakatingkad parang sinag ng araw!

    “Waaah!!! 8am na!!! Late ako sa klase ni Mam Verdiflor!!!!!”

    yan… late ako…

    hmmm…

    kahit na late ako… sauce…

    masaya naman ako eh (^_^)

     
    November 10th, 2008 by  18 M student from University of Santo Tomas who found love in FEU ^_^)v I love creating short poems and stories (Filipino/English). I'm taking up B.S.E. major in English! My world revolves around Music, Photography and Literature : http://www.renereeve.multiply.com



  • Book Review: The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

    Entertainment news
    Though I usually begin with a general feel of the novel, this time, I opted not to. Because this book’s outstanding quality, which practically made it a classic, is its subjectivity. Read more..
  • TamBayan Poll: 54% expect DLSU to win the 74th UAAP women’s volleyball tournament

    From a total of 255 online votes at the Tamaraw Bayan community poll from site visitors (not necessarily registered users) initiated last December 1, 2011, a total of 97 votes were ast that they think.. Read more..
  • TAMBayan Book Club

    Entertainment news
    To all bookworms and 'dog-earing' addicts out there: What do you think of having a TamBayan book club? My broad idea of a book club is members share their thoughts about a certain book.. Discuss..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    Best Website for Community & Portal at the 12th Philippine Web Awards.