Straw na may Green na Stripes
September 13th, 2008 by Jan SuingNapatango na lang si Jet. Napatunayan kong hindi nga siya interesado sa kinukwento ko — kung papaano naging Gamma City ang Maynila at kung papaano naging ’siyudad ng mga sukdulan’ ito. Marahil nga ay magkaiba kami ng personalidad. Emosyonal kasi akong tao. Importante sa akin ang nararamdamn ko at ng iba. Iba siya. Noong mga nakaraang araw, sobrang saya ko dahil inimbita niya ko sa isang date. Ngayong natupad na ang aking ‘pangarap’, bakit hindi ako ganoon kasaya samantalang ‘crush’ ko siya? Ewan. Hindi ko masagot ang tanong ko.
Napasandal na lang ako sa bars na naghihiwalay sa ‘kin mula sa karusel na nagpapasaya sa mga batang nakasakay dito. Batid ko sa kanilang mukha ang wagas na kaligayahan na naibibigay sa kanila ng simpleng bagay na ito. Kaligayahang wala sa aking puso sa oras na ito. At iyon ang nais kong makamit. At iyon ang hindi ko makuha.
Humikab ako ngunit patago. Hindi niya maaring malaman na ‘bored’ ako. Ayoko siyang mainsulto. Patuloy kong tinitigan ang mga bata sa karusel hanggang sa mahilo ako. Hanggang sa makalimot ako. Hanggang sa kalabitin niya ko.
“Tara, Starbucks tayo.”
Napatango na lang ako. Ngunit ayaw tumango ng puso ko. Hindi siya liligaya sa mahal na Coffee Jelly Frappe Venti mula sa Starbucks. Ngunit wala akong ibang choice noon. Kailangan kong sumama. Ayoko siyang mainsulto.
“Bakit ang tahimik mo?” tanong niya.
Napailing ako at ngumiti, “Wala lang.”
“Naiinip ka ba?”
Umiling lang akong muli, ngunit tumango ang aking puso. Sa aking isip, tawa ako ng tawa. Natanong ko sa aking sarili: “Gago, akala ko ba magiging masaya ka kapag nakadate mo na siya? Masaya ka ba?”
Patuloy ang panunukso ko sa aking sarili sa aking utak. At pagkatapos ay bigla akong nangulila. Nagulila sa isang pakiramdam na matagal ko ng inaasam.
Linakad namin ang napakagandang ‘garden’ sa top floor ng Trinoma patungong Starbucks. Napatingin ako sa mga tao at tinawanan ko sila. Nakakatawang isipin na nagmumukha silang masaya dahil lang sa paghigop lang ng kapeng may tatak ng isang babaeng halos hindi ko kilala. Nakakatawang isipin na nagmumuka silang masaya sa bawat sipsip sa straw ng kanilang pera. Nakakatawa dahil alam kong hindi sila masaya. Na may mga bagay sila na tulad ko’y hindi rin nila makuha. Na hindi maibigay ng caffeine sa kanilang kape at whipped cream. Nakakatawa. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang pagkauhaw sa isang bagay na hindi nila makuha tulad ni Tantalus na habambuhay na inaabot ang mga prutas sa kanyang ulunan at ang tubig sa kanyang paanan. Katulad ko din ba sila? Marahil ay Oo. Hinde. Oo.
Umupo ako sa isang komportableng upuan at napatingin kay Jet habang umoorder sa counter. Napayuko ako. Naglakbay ang aking mga mata sa paligid hanggang sa marating ng mga ito ang glass window sa aking tabi.
Tumakbo ako palabas. Hinanap ang kaligayahan.
com – mer – cial – ism (n)
the tendency for abstract things such as beauty and happiness to be given a monetary value.

This work, unless otherwise expressly stated, is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Most commented






September 13th, 2008 at 6:24 pm
galing…
partida, masama pa loob namin sa pagiging 2nd runner-up ng FEU sa cheerdance nyan…
hahaha…
at may tigdas pa si jan al…
get well soon hon…heheheheh…
mwah mwah..
your works never disappointed me..
very good work…
keep it up…
September 13th, 2008 at 6:36 pm
aw salamat pao! miss ko na kayo! ^_^
magaling na ko hahahaha…
?September 13th, 2008 at 9:03 pm
Galing. I actually read this few times already and I’ll keep reading your stories. May lesson na matutunan dito. Hehe. :D
September 16th, 2008 at 11:40 am
astig ka tol! may mga bagay talag na akala mo ay magiging kasiyahan ngunit hindi at magdadala pa ito sayo ng matinding kalungkutan..