HOME     ABOUT US     COMMUNITY     MY EMAIL     DIRECTORY     CONTACT US     HELP

  • Contributor account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

    Be a TAMBayan Contributor. Upload your essays, short stories, announcements, and other works here! To apply as a contributor, click here

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.  
  • Home > Essays > Space Shuttle
  • Love ko Piyu 2012: Post Contest

    Site news
    Madali lang ang mga gagawin. Sagutin lamang ang katanungang ito (English, Tagalog, o Taglish basta maiintindihan ng karamihan): “Bakit mo mahal ang FEU?” Gamit ang iyong Facebook account.. Read more..
  • Paano yumaman (agad)?

    Featured essay
    Paano nga ba yumaman? Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging.. Read more..
  • FEU returns to NCC 2012, ranks 2nd in the qualifiers

    Sports news
    The FEU Cheering Squad ranked 2nd in the National Cheerleading Championship last February 5, 2012 at the SM Mall of Asia. Last time they joined at 2009, they ranked 6th.
  • Free email account at Tamaraw Bayan

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:


  • Essays Personals Sentimentals

    Space Shuttle

    February 23rd, 2009 by

    Isang mabilis na “Whoosh!” at “Blag!” ang nadinig sa may di kalayuan. Nilingon namin at hinanap ang pinagmulan ng malakas na dagundong.
    Klang!
    Parang mga bakal na nagkakalansingan.
    Dali-dali kaming tumungo sa pinagmulan ng ingay na kanina pa namin hinahanap.
    “Uy, andito na tayo! Ayun oh!” bakas sa tono ni Bianca ang pananabik.
    Sinundan ko ng tingin ang maliit niyang hintuturong nakaturo sa langit. Tumingala ako at nakita ang mga riles ng tren na nakabitin sa hangin.
    “Wow, ang bilis oh!” sambit ni Mimi, ang kaibigan kong hapon na hindi maitago ang pagkamangha sa nakita.
    Sinundan ko ng tingin ang matulin na takbo ng tren sa riles na nakabitin nang bigla itong bumaliktad sa ere ngunit kataka-takang hindi man lang ito nahulog sa lupa.
    Sa bawat pagbaliktad nito kasabay naman ang paglunok ko ng isang basong laway ko. Nalula ako sa taas. Mga ilang floor din siguro ‘yon kung ikukumpara sa gusali. Napahanga ako sa bilis. At nabingi ako sa kulog ng mga bakal.
    “Astig!” napabuntong hininga ako at napalunok.
    Tama nga ba ang ginamit kong salita? Astig?
    Binasa ko ang karatula sa may tabi.
    SPACE SHUTTLE.
    Pinagandang pangalan ng roller coaster.
    Isang uri na naman ng panghihikayat sa mga uto-uto na tulad ko.
    Na pag sumakay ka daw dito, animo’y narating mo na ang kalawakan.
    Ang buwan at mga bituin.
    Kung noon, sinusungkit lang ito ng mga nag-ala Baltazar para sa sinisinta nila, ngayon, mararating mo na raw ito sa pagsakay lamang sa tren na nakabitin sa hangin.
    Well, makikita natin…

    Nakakatawang isipin na ito ang isa sa mga pakay namin sa paglalaboy namin ng araw na iyon. Para kaming mga bata uli na hindi maitago ang ngiti sa bawat ‘rides’ na masilayan at masakyan namin. At sa pagkakataong iyon, nais namin sariwain ang isang munting pangarap namin. Ang maging isang astronot. Sumakay sa Space Shuttle, marating ang kalawakan upang abutin ang buwan at mga bituin.

    Hinila ako ng bespren kong hapon.
    “Joyce, bilisan natin sa pila! Baka maunahan tayo!”
    “Teka, hintay lang! Di naman tayo iiwanan niyan eh.”
    “Oo nga Joyce, bilisan mo! Kahit man lang ito masakyan natin, sayang naman ang punta natin dito” pagsang-ayon ni Bianca.

    O sige na, talo na ako. 2 against one.

    Mahaba na ang pila sa Space Shuttle. Kumbaga sa pelikula, patok sa takilya kung maituturing. Sabagay, sino nga ba sa ngayon ang ayaw marating ang buwan at mga bituin upang pansamantalang takasan ang bigat ng pasanin dito sa lupa?

    Habang papalapit na kami sa gate papasok sa pintuan ng kalawakan, kasabay naman nito ang pagpasok ng mga masasamang elemento sa utak ko na animo’y nanakawin ang katinuan ko. Lumakas lalo ang dagundong ng dibdib ko. Namayani ang takot at kaduwagan ko. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan at sigawan ng mga taong sa kasalukuyan ay nasa alapaap patungo sa kalawakan. Mga tinig na nangungutya sa kaduwagan ko.

    “Joycee duwag!”
    “Chicken ka pala eh!
    “Nok-nok-nok-nok-nok!”

    Tinakpan ko ang tenga ko at napailing.

    Tinnitus lang siguro ‘to. Palusot ko.

    Pagkatapos ng halos isang oras na pagpila, sandamukal na ugat na namuo sa binti ko at pakikipaglaban sa takot na namayani sa dibdib ko, sa wakas nabuksan din ang gate at kami na ang susunod na batch na sasakay ng Space Shuttle. Nagsilabasan na ang mga taong pansamantalang tinakasan ang problema sa lupa. Ang mga nag-ala Edwin Aldrin ay sumampang na sa lupa, sinalubong sila ng mga hiyawan at palakpakan ng mga taong animo’y nagpapapansin lang. Napatingin ako kung may nagbago ba sa
    kanila. Meron nga. Ang iba sa kanila ay nagmukhang nakipag-sabunutan sa sampung parloristang bakla. Mayroon namang bumaliktad ang sikmura at sinuka pati ang inalmusal noong isang linggo pa. Mayroong naduling ng tuluyan. At may iba namang mukha pa rin sabog na tila ba naka-droga sa itaas at nakalutang pa sa sariling kalawakan.

    “Tara Joyce, okay lang ba dito tayo sa may dulo?” tanong ni Bianca, na kanina pa naiinip at tuluyan nang umupo sa may dulo. Di man lang inantay ang kasagutan ko sa katanungang binitawan niya.
    “Ayoko diyan! Natatakot ako! Guys, kinakabahan talaga ako! Sa gitna na lang tayo! Pleeeaaassseee???!” pagmamakaawa ako. (Sabay tilaok! Nok-nok-nok-nok-nok!)
    Di ko na maitago pa ang pagbabagong anyo ko.
    “First time mo ba?” gulat na tanong ng kaopis mate ni Mimi na nakalimutan ko na ang pangalan.
    “Oo… f..f..ffirst t..t..tttime k..kkk..oo eh…”
    “Wow virgin ka pa pala! Okay lang yan. Huwag ka matakot! Kaya yan!”
    “Baka kasi biglang…”

    Di ko na tinapos pa ang dulo ng mga salita ko sa takot na sa sandaling kumawala yun sa mga labi ko ay madaanan pa ng masamang hangin at…



    Ayoko ng tapusin pa…

    Tinabihan ako ng kaopismate ni Mimi. Kung alam lang niya na nakalimutan ko ang ngalan niya sa kwento kong ito, di na siguro ako tinabihan nun.
    Napabuntong hininga ako ng isang segundo. This is it. Wala nang atrasan pa.
    Maya-maya, ibinaba na ang malaking gomang bakal at iginapos na ang aming katawan sa upuan. Ramdam ko ang dahan-dahang pag-atras ng tren paitaas. Naghahanda na sa isang malaking pagbulusok. Bawat bulong ng makina at dagundong ng bakal ay siya ring bilis ng dagundong ng dibdib ko. Nakikipaghabulan ako sa hininga ko.

    Maya’t-maya ko kinakalikot ang gapos ko habang pataas naman kami ng pataas. Sa higpit ng grip ko, mukhang lulubog pa ata ang mga kuko ko.

    “Naka-lock ba ‘to? Sigurado ba silang mahigpit ‘to?” paiyak kong tanong sa katabi ko na mukhang kalmado at boring na boring na inaantay ang para sa akin ay isang “one-hell-of-a-devil’s-ride”.
    “Naka-lock yan” sabay ngiti niya sa akin na animo’y isang kawawang ibon na nagmamakaawa sa amo na huwag sana itong malitson manok.

    “Ganito gawin mo, pag umandar na ng mabilis. Sumigaw ka ng malakas. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo sa mundo. Kung galit ka, isigaw mo. Isigaw mo ang mga bagay na di mo pa naisisigaw dati. Magmura ka. Kahit ano isigaw mo. Tingnan mo, mawawala ang takot mo.”

    Tumingin ako sa kanya, di pa rin kumbinsido. False reasurrance ka Ate. Non-therapeutic. Di ko kailangan magmura pa sa ere. Nakakapag tangina ako kahit wala akong kagalit.

    Sumilip ako pababa. Pakshet! Ang taas na namin! Di ko na marinig ang hiyawan ng mga papansing nakadungaw sa amin sa itaas. Para na silang mga ipis sa aking paningin.

    Biglang umihip ang malakas na hangin. Nang-aasar pa ata. Ang kalangitan ay madilim na ngunit andun pala ang mga bituin, naka-abang sa amin. Isang tanda ng pag-asa para sa tulad naming tumatakas sa mga pasanin.

    “VROOM!” biglang sumingha ang motor ng tren.
    Lalarga na ang space shuttle.
    Ipinikit ko ang aking mga mata. Takot sa maaring makita.
    “Whooosh!”.
    Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng bigla lumundag ang sinasakyan namin pababa. Napakatulin ng takbo. Ramdam ko ang malakas na sampal ng hangin sa mukha ko. Namayani ang takot, ang kaba, at samut-saring emosyong nag halo-halo na.

    Sa gitna ng paglalakbay namin sa alapaap patungong kalawakan, biglang na lamang lumitaw sa sarili kong kadiliman ang di inaasahan imahe ng isang mukha may kakaibang ngiti sa kanyang labi. Mga ngiting sadyang pumukaw sa aking damdamin. Mga ngiting nagpalukso ng puso ko ng halos tatlong taon. Nang bigla na lamang itong lumakad papalayo. Isang daang sibat ang humarang sa dinadaanan ko. Tumulo na lamang ang luha ko sapagka’t wala akong magawa. Unti-unti na siyang naglaho.

    Wala man lumabas ni isang tinig sa lalamunan ko. Nanuyo. Para akong sinasakal. Sa takot. Sa kaduwagan. Wala pa rin siyang kaalam-alam sa tunay kong nararamdaman.

    Pansamantalang naputol ang aking bangungot sa mga nakaririnding sigaw ng takot na may halong kaligayahan na nagmumula sa mga kasama ko.

    Nasa space shuttle pa pala ako.

    “AAAAAAAH!”

    At bumaligtad kami…

    Sa sobrang takot ko, bigla ko na lamang naisigaw ng buong tapang ang mga katagang ito sa aking labi…

    “MAHAL KITA (insert name here) !!!”

    Sa mga sandaling iyon, na para bang isang kuneho sa sumbrero, nawala bigla ang takot ko.

    Inulit ko muli iyon.

    “MAHAL KITAAAAAAAAAAAAA (insert name here uli)!!!”

    Isa…
    Dalawa…
    Tatlong beses…
    Hanggang sa di ko na mabilang.

    Ang sarap pala ng feeling. Nakaka-high. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

    Naging saksi ang buwan at mga bituin ng gabing iyon sa isang pagtatapat ng tunay kong nararamdaman. Ang ngalan ng isang nilalang na dati ay pilit kong itinatanggi sa aking sarili. Sa mga sandaling iyon, naging malaya ako. Sa rehas ng kasinungalingan at institusyong mapanghusga. Hindi ko na maipagkakaila pa. Ikaw nga iyon. Ang tunay na nilalaman ng aking puso.
    Tangina Joyce, ang emo mo. Nahawa na ata ako sa kabaduyan ng mga telenobelang pinanood ng yaya kong malapit ng mag-menopause.

    Mabilis pa rin ang takbo ng space shuttle. Pinagsasampal pa rin kami ng hangin marahil upang magising sa realidad. Dumaan kami sa di na mabilang na pagliko at pagbaliktad sa ere ngunit sa mga sandaling iyon, naging isa na rin ako sa kanila. High sa kakaibang pakiramdam. Lunod sa pansamantalang pagtakas sa realidad.

    Sapagkat sa space shuttle na ito, ako ang queen of the world. Ako ang matapang. Hindi na ako ang manok na tumitilaok. Dahil sa wakas, nabigkas ko na ang mga katagang dati ay ikinakahiya ko lang… At siguro kung mahuhulog man ako ngayon sa alapaap at sa kalawakang kinalalagyan ko ngayon, sana bago ako lumagapak sa lupa,

    nandoon ka para saluhin ako.

    (Sabay tugtog ng “Catch Me I’m Falling” ni Toni Gonzaga sa background)

    Ano ‘to pelikula? May soundtrack?

    Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at kahit di ko masyado maaninag ang paligid ko sa bilis ng hampas ng hangin sa mukha ko, kita ko naman ang liwanag na nagmumula sa mga bituin na animo’y natatawa sa mga kadramahan ko sa buhay. Ngumiti na lamang ako at napailing sa sarili. Kung noong una’y naduduwag akong mahulog mula sa kinauupuan ko, sa mga sandaling iyon, naramdaman kong masarap palang bumigay na lamang sa tunay na nararamdaman at tuluyang bitawan ang sariling takot at pagdududa.

    Huminga muli ako ng malalim.

    Sabay pagbaliktad ng space shuttle namin.

    Isa na namang panibagong ikot ng buhay ko.
    Isang pakikipagsapalaran upang harapin ang takot at…
    Isang paglalakbay sa sarili kong kalawakan upang maabot ang buwan

    at mga bituin.

     
    February 23rd, 2009 by  Marie Joyce B. Negapatan is a proud alumnae of Far Eastern University Institute of Nursing Batch 2008 who aspires to become a psychiatric nurse someday. She is a registered nurse and a frustrated writer who spends most of her time writing poems and sentimental thoughts in her personal blog using her pen name "The Pissedoffchick".



  • Book Review: The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

    Entertainment news
    Though I usually begin with a general feel of the novel, this time, I opted not to. Because this book’s outstanding quality, which practically made it a classic, is its subjectivity. Read more..
  • TamBayan Poll: 54% expect DLSU to win the 74th UAAP women’s volleyball tournament

    From a total of 255 online votes at the Tamaraw Bayan community poll from site visitors (not necessarily registered users) initiated last December 1, 2011, a total of 97 votes were ast that they think.. Read more..
  • TAMBayan Book Club

    Entertainment news
    To all bookworms and 'dog-earing' addicts out there: What do you think of having a TamBayan book club? My broad idea of a book club is members share their thoughts about a certain book.. Discuss..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    Best Website for Community & Portal at the 12th Philippine Web Awards.