Salamin ni Tatang…sayo ba ito?
June 12th, 2009 by kananginissa mundo ko, may mga bagay bagay na hindi dapat lagyan ng anino ngunit sadyang ang anino ang bumubuo sa mga ito.
nahuhumaling sa liwanag na dapat ay nasa ibaba ngunit nag papakasasa sa ibabaw na bumubuhay sa mga anino ng mga tao sa sanlibutan.
kahit ang mga anghel sa langit ay may aninong nakalagak sa lupa. hindi para mag bigay ng liwanag datapwat mag pabigat sa pasanin ng ating daigdig
“ng ating daigdig”?
sinong nagsabi na sa atin ang daigdig. gaya ng sabi ko noon, lahat ng paniniwala at katotohanan ay nakasaalang-alang sa atin. kung iyong paniniwalaan na iyo ang mundo, sa iyo ito, walang pakialaman.
e pano yan, lahat ng tao nag-iisip na sa kanila ang mundo….
panoorin mo ang pelikula ng mundo ko, makikita mo.
makikita mo na ang mga halimaw na inyong pilit pinupuksa ay ang mga sarili nyo. may iba na hindi sila ngunit paniguradong nilikha nila iyon.
kamusta naman ang iyong pagbabasa? nababasa mo ba ang dapat mabasa o ang nakikita lamang ng mga mata ang iyong nababasa?
mag basa kang mabuti. makikita mo, mababasa mo, mananamnam mo, malilinawan ka……..
hindi mo dapat binasa iyon.
ngayon, nasaan ka na ngayon?
naliligaw ka na ngayon. ako na ang nagsasabi sayo. hanggat hindi mo nababasa ang dapat mong basahin ngunit hindi mo dapat binasa ay maliligaw ka. maliligaw at maliligaw ka habang hindi mo iyon nagagawa. bahala ka…..ang dapat ay hindi dapat. ngunit dapat parin.
kamusta ka na?<










