Piyu kong mahal kailan ba hihiwalay sa iyo si “Ka Lang?”
September 1st, 2008 by jorcatiis
Go fight… Go fight Tamaraws!…Go fight… Go fight Tamaraws! Go Fight!!
Paniguradong alam mo yan kung Isa kang lahing Tamaraw..(Siyempre hindi literal)
Isang sigaw na nagpapalakas at nagpapatibay sa spirito at loyalidad ng ating mahal na Unibersidad.
Sa aking halos apat na taon sa kolehiyo at apat na taong pamamalagi sa tinuturing nilang
“Oasis at the heart of Manila” (FEU)
Natuto kong lubusang mahalin ang iskwelahang humubog ng aking kakayahan at malaking parte ng kung ano man ako ngayon.
Ang eskwelahan na pinaglaban ko sa aking mga magulang nuong naghahanap ako ng mapapasukan sa kolehiyo. Sa katunayan para lang makapasok dito, Pinagtsagaan ko ang nooy pamasahe lang na baon kapalit sa pagpili ko sa malayong Eskwelahan na ito. Sa totoo lang, puwede ko naman piliin ang mas malapit na eskwelahan eh, pero Piyu ang pinili ko. Ni hindi ko ininda ang halos araw araw na dalawang oras na biyahe papuntang maynila makapasok lang at masilayan ang lugar na aking naging pangalawang tahanan,
Mahal ko ang Piyu! yan ang buong pagmamalaki kong isisigaw!
Mahal ko ang Piyu dahil ito ang humubog ng malaking parte ng aking pagkatao.
Mahal ko ang Piyu dahil pinakilala niya ako sa mga tao na sobrang naging malapit sa aking puso.
At mahal ko ang piyu dahil dito ko nakita ang ilan sa tunay na kulay at anggulo ng buhay.
Ayon sa balita, pang siyam ang Piyu nating mahal sa pinakamahal na unibersidad sa Pilipinas.
Mas mataas pa ang rango natin sa UST na nasa ika sampung pwesto.
Sa kasalukuyan, 1,100 pesos na per unit ang tuition fee sa piyu.
mahal kung tutuusin pero normal para sa isang pribadong paaralan.
Tunay ngang masasabi nating nakikipagsabayan na ang FEU sa mga sikat na Unibersidad sa maynila, pero tila kadikit na ng pangalan ng ating eskwelahan ang salitang “ka lang”
Alam kong marami sa inyo ang di sasangayon pero yan ang realidad.
Karamihan sa mga nakapagtapos sa piyu ay nahihirapan maghanap ng trabaho dahil sa “ka lang” na kadikit ng pangalan ng ating eskwelahan. Marahil ay unti unti na nga tayong nakakagawa ng matatag na pangalang bilang isang matagumpay na unibersidad pero tila andiyan pa din at di mawala ang diskriminasyon, diskriminasyon na tila hanggang ngayon ay di mawala sa sistema ng mga kumpanya sa pinas. Masakit pero yun ang katotohanan. Katotohanan na sana’y mawala.
Masakit lalo na dahil kinukutsa ang mahal mong eskwelahan na pinagbuhusan mo ng Sakripisyo, Oras at Pagmamahal.
At mas mahirap isipin na ikaw, ako at tayo na anak ng eskwelahang ito ay nakikitang lantarang kinukutsa ang “magulang” mong humubog at tumanggap sayong buong pagkatao.
Kailan kaya darating ang panahon na si “piyu” at si “ka lang” ay maghihiwalay?
Kailan kaya mababawasan ang diskriminasiyon sa ating bansa?
at Kailan kaya darating ang panahon na..
ang salitang “ka lang” ay mapapalitan ng salitang WoW!
Kailan?
Kailan?
kung kailan? yan ang di natin alam.
Ngunit isa ang alam ko at sana’y isipin ninyo!..
TAMARAW AKO! Matalino, Matapang at Makatao! at yan ang Pinagmamalaki ko!
Sa huli, nasa atin parin kung magiging balakid ang “ka lang” sa ating pag asenso.
Go fight… Go fight Tamaraws!…Go fight… Go fight Tamaraws! Go Fight!!










