HOME     ABOUT US     COMMUNITY     MY EMAIL     DIRECTORY     CONTACT US     HELP

  • Contributor account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

    Be a TAMBayan Contributor. Upload your essays, short stories, announcements, and other works here! To apply as a contributor, click here

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.  
  • Home > Entertainment > Pinoy Aliens Ep.2: When It Rains
  • Love ko Piyu 2012: Post Contest

    Site news
    Madali lang ang mga gagawin. Sagutin lamang ang katanungang ito (English, Tagalog, o Taglish basta maiintindihan ng karamihan): “Bakit mo mahal ang FEU?” Gamit ang iyong Facebook account.. Read more..
  • Paano yumaman (agad)?

    Featured essay
    Paano nga ba yumaman? Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging.. Read more..
  • FEU returns to NCC 2012, ranks 2nd in the qualifiers

    Sports news
    The FEU Cheering Squad ranked 2nd in the National Cheerleading Championship last February 5, 2012 at the SM Mall of Asia. Last time they joined at 2009, they ranked 6th.

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:


  • Entertainment Personals Sentimentals

    Pinoy Aliens Ep.2: When It Rains

    November 18th, 2009 by

    (All characters and events are products of my imagination. Kung kapangalan mo ‘yung isang character dito, swerte mo.)

    Unang Kabanata – Not Belittling Up The Botchier

    Ikalawang Kabanata

    Bosnia and Herzegovina? Sarajevo. Iceland? Reykjavik. Eritrea? Asmara.

    Throw a question, I will answer. My name is Mary Castro and I’m the University’s smartest student. And no one comes close. Not even poor Jenny Batungbacal. Napakalayo ng agwat naming dalawa. I am Mary Castro. Mary Castro is a god.

    Ganito ang usual na scene kapag papasok ako ng University. Nasa loob pa lang ako ng limousine, pinagtitinginan na ‘ko ng ibang mga estudyante. “Is that Mary Castro, the most intelligent girl in school?” “Oh my, she’s a god!” “She’s rich, she’s pretty, and she’s fucking intelligent! Probably one of the most brilliant minds in the country!” These comments are normal and boring. I mean, I’m used to hearing them. I am Mary Castro. Mary Castro is a god.

    If there’s one emotion I find strange, it’s envy. It’s the only emotion I’ve never felt all my life. Ironically, napakadaming tao sa paligid ko ang nakakadama ng inggit sa tuwing nakikita nila ko. Sino bang hindi maiinggit sa ‘ken? I am Mary Castro. Mary Castro is a god.

    Kung sa limousine palang, natutulala na sa ‘kin ang mga tao, papaano pa kaya kapag nakatayo na ‘ko sa harapan nila? Hyperbole aside, hinihimatay sila. Seeing Mary Castro is like seeing a god. My presence is indescribable. I am Mary Castro. Mary Castro is a – what the fuck! Sinong bumatok sa ‘ken?!

    “Mary!”
    It’s the stupid Susie Montemayor. She is, unfortunately, one of my few real friends. She’s with her boyfriend, JM Apostol; and her gay best friend, Travis Bello.
    “Susie, can you not do that again, ever? Hindi ako dapat binabatuk-batukan!”
    “Mary, ‘wag kang mag-alala. Your brain is still completely intact. Ikaw pa rin ang pinakamatalinong babae sa buong campus.”
    “Susie, ako ang pinakamatalinong tao sa buong campus,” I emphasized, “Hey, JM, Travis. Kumusta?”
    “I-I’m fine,” JM stammered while Travis just nodded.
    Napadaan at huminto ang pinaka-sikat na tandem sa school – ang mag-best friend na sina Caps at Tonio, bringing two identical laptop bags. Ironically, they are the complete opposites of each other.
    “Hi, guys,” bati ni Tonio, ang isa sa pinaka-perky na taong nakilala ko.
    “Hi,” ang sabi naman ni Caps in a sullen tone.
    “Caps, Tonio! Nakabili na kayo ng laptops?” tanong ni Susie sa kanilang dalawa.
    “Oo. Ang mahal. Parang nanghihinayang tuloy ako,” sagot ni Caps.
    “Ano ka ba, Caps. Syempre sulit ang pagbili natin ng laptops dahil magagamit natin sila sa studies natin.”
    Ilang segundo pa, dumating sina Chai, Arthur at Jenny.
    “What’s up, guys?” bati ni Chai.
    Ngunit ang buong atensyon ko ay nakatuon kay Jenny Batungbacal na kahawak-kamay ang isa sa pinakamayamang estudyante sa campus, si Arthur Lee.
    “Hi, Jenny,” siyempre kaplastikan lang ‘yan.
    “Hi, Mary Castro,” sagot niya.
    Nararamdaman ng mga kaibigan ko na unti-unti na naming namumuo ang tensyon sa pagitan naming dalawa kaya bago pa mangyari ang kinatatakutan nila, sumingit na si Chai para sa isang anunsyo.
    “Guys, bago ko makalimutan. Tomorrow night’s going to be my birthday party. Sa Maharlica tayo! ‘Wag kayong mawawala kung ayaw niyong mawala kayo nang tuluyan! We’re going to have fun!”
    “We’ll sure do,” mahinang sagot ko habang nakatitig pa rin kay Jenny. I know I intimidate her. Matapang siyang babae, pero hindi siya uubra sa ‘ken. Ilang minuto pa, nag-ring na ang bell. Oras na para pumasok sa first class namin.

    ***
    “Guys, before we start the discussion, I’d like to introduce to you Mr. Shan Soliven.”
    Pumasok ang isang napakatangkad at napakagwapong lalake sa classroom. I can say he’s pure Filipino dahil sa kulay ng kanyang balat. Christ. I’m sure walang utak ‘to. Ganun naman lagi ‘di ba? Hindi sa nag-i-stereotype ako pero kung ga’no ang kalaki ang katawan ng isang lalaki, ganun naman kaliit ang utak. Napabuntong-hininga na lang ako.
    “Mr. Soliven,” pagpapatuloy ni Sir, “is an exchange student from Harvard. And he’s pure Filipino.”
    Napatayo ako, “Harvard!?” Manginig-nginig pa ‘ko.
    Napatingin sa ‘kin lahat ng mga kaklase ko sa classroom.
    “What’s wrong, Ms. Castro?”
    “Err… nothing, Sir,” dahan-dahan akong umupo in disbelief. Fuck. He’s from Harvard!?
    “Bonjour, les gars. Mon nom est Shan Soliven. Il est agréable de vous rencontrer.”
    And he speaks French!
    “I’m sorry, my French ain’t that good,” ngumiti pa ang gago. Magpapatalo ba ‘ko?
    “Salut, Shan Soliven. Je suis Mary Castro. Et je suis l’élève le plus brillant dans cette Université. Il est agréable de vous rencontrer, aussi.”
    “Tangina, nosebleed ako, Mary!” Sigaw ng gagong Tonio.
    Ilang segundo kaming nagkatinginan ng exchange student. Nginitian ako siya. Isang ngiting nagsasabing hindi ko uurungan ang kahit anumang hamon niya.

    ***
    “Mary, what can you say about the new guy Soliven? Isn’t he hot?” Malanding sabi ni Susie, “Hindi ba, Travis?”
    “Ha?” Sagot naman ng bakla si Travis.
    “Asus. Kunwari ka pa. Type mo din siya ‘no?” Pangungulit ni Susie.
    “Hindi ko siya type,” pagpipilit ni Travis, “may iba akong type. Baka si Mary. Mukhang patay na patay siya kay Shan.”
    Hindi ako mapakali. Masyadong nang sumisikat ‘yang Shan na ‘yan. Puro Shan na lang ang naririnig ko. Nakakarindi na! Hindi pwedeng mawala si Mary dahil si Mary ang pinakamagaling! Mary is a god! Kailangan kong makaisip ng paraan para matalo ko siya.
    “Hoy, Mary. Mukhang kanina pa malalim ang iniisip mo diyan a. Ano ba ‘yun?” Pagtatanong ni Susie.
    “Suz, invited ba si Shan sa party ni Chai?”
    “I’m not sure, why?”
    Ngumiti ito. Ito ‘yung tipo ng ngiti kapag may naisip na plano ang kontrabida sa TV para madispatsa niya ang bida.
    “Wala lang. I’m just so dying to see him again.”

    ***
    Nauna nang umuwi sa ‘kin si Susie. Ihahatid daw siya ni JM. Hindi ko talaga maintindihan silang dalawa, o ang mga couples sa mundo. Ano bang nakakatuwa sa pagkakaroon ng boyfriend or girlfriend? Tignan mo ‘yang si Susie. Parang hindi ‘yan mabubuhay kung wala si JM sa tabi niya. Abnormal. E bakit ako? Nabubuhay naman ako kahit wala akong boyfriend? Ano bang meron? Kilig? Chocolates and corny text messages during Valentines? Sex? Ano bang meron sa sex? Ewan. Hindi ko alam. Virgin pa ‘ko ‘no. Para sa ‘kin, ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ay ang mga achievements ko. Ito ‘yung mga dadalhin ko kahit na patay na ‘ko. ‘Pag naman namatay ka na hindi naman nila sasabihing “Ay! ‘Yang si Mary Castro, naging boyfriend niya si Orlando Bloom!” Laging “Ay, si Mary Castro, ang pinakamatalino sa buong mundo!”

    Nahinto na lang ako sa paged-daydream dito sa cafeteria nang biglang may tumabi sa ‘ken. It’s Shan Soliven.
    “Hi, Mary,” he greeted.
    “Ms. Mary Castro. Hindi tayo close,” rude na sagot ko sa kanya. Hindi naman niya maiintindihan dahil amboy ‘tong lalakeng ‘to.
    “Ganun ba?”
    “You speak Tagalog?!”
    “Mukhang mas naimpress pa kita na nagsasalita ako ng Tagalog kaysa nu’ng nag-French ako ha?” Mayabang na sabi ng lalake.
    “Who said anything about being impressed? I was just shocked na you actually speak Tagalog at nag-effort ka pang mag-French kanina,” I retorted as I fix my things and grab my LV bag, Kailangan ko ng umalis sa cafeteria.
    “Hey, Miss Mary Castro, where are you going?”
    Hinarap ko ang mayabang na lalaki, “Mr. Soliven, the hell you care! Aalis ako kung kelan ko gusto at walang pwedeng mag-dikta sa ‘kin!”
    “Hey, why are you so pissed, huh?” Napatayo din ang arogante. He touched my shoulder but I shrugged his hands off.
    “How dare you touch me, Soliven! How dare you fly from Harvard to here and then steal the scene from me! Pero hindi ako papayag, ito ang tandaan mo. You are nothing!”
    Tumakbo ako palabas ng cafeteria. Na-umpisa na ang giyera na ako lang ang pwedeng manalo at wala nang iba.

    ***
    There’s something strange tonight. You see, I don’t usually find Toff, my older brother, inside the house at this time of the night. Madalas kasi, nasa labas ‘yan kasama ang mga kaibigan niya, having fun. Tood doesn’t study. He dropped out when he was on his first year. My parents consider him as a big disappoint. Lima kaming magkakapatid at siya lang ang lalake sa pamilya. Siya na dapat ang magiging heir ng pamilya, ngunit sa attitude at characteristics niya na ipinapakita niya, mukhang malabo nang mangyari ‘yun. Kahit bigyan pa ‘ko ng pagkakataon, hinding hindi ko gugustuhing maging si Toff. He had a very sad childhood. Nag-aral kami sa pinakamahal na prepapratory school sa Pilipinas. Gusto kasing masigurado nina Papa na magiging maganda ang foundation ng education namen. Ngunit napakapurol talaga ng utak ni Toff. At hindi ‘yun matanggap ng parents ko, lalo na si Papa. Ang ginawa niya, sa tuwing may bagsak na grade si Toff, nilalatigo siya ni Papa. Isandaang hampas kada isang bagsak. There was one time na limang quizzes ang ibinagsak ni Toff. Limandaang hampas ang katumbas nun. Every time na itinatanong ko sa kanya kung naaalala pa niya ‘yun, hindi niya ko sinasagot. Siguro natatakot siyang balikan pa ulit ‘yun. Repression ang tawag dun. Defense mechanism ng mga tao. Defense mechanisms are something Mary Castro doesn’t use. You know why? Because I’m a god. And I am perfect.

    “Himala,” I told Toff without looking at him. Kinuha ko ang karton ng gatas ng refrigerator at naglagay sa baso ko, “wala ka ata sa labas ngayon.” Uminom ako ng gatas.
    “I have to study.”
    Nasamid ako. “Pinapatawa mo ba ‘ko? Bakit ka mag-aaral? Ni hindi ka na nga pumapasok ‘di ba?”
    He looked at me like I was some sort of a stranger.
    “What?” I asked.
    He scoffed. Nairita na siya. Aalis na siya ng kitchen.
    “Toff, kung gusto mong mag-aral ulet, pwede mo naming sabihin kina Papa. Magmakaawa ka. Lumuhod ka sa harapan nila para hayaan nilang mag-aral ka ulit.”
    “What are you talking about?”
    “Toff, I know it’s hard to accept pero – “
    “This is nonsense.” Nagmadaling umakyat si Toff papunta sa kanyang kwarto. I guess hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon ang lahat ng nangyari sa kanya. What a wuss.

    ***
    “So, Chai, na-invite mo na ba si Shan Soliven sa party mo mamaya?” tanong ko kay Chai.
    “Yup,” she responded.
    “Is he coming?”
    “Oo daw.”
    “That’s good,” sabay ngiti.
    “Bakit ba gusting-gusto mo siyang pumunta sa party? You like him, don’t you?”
    “I do!” I said without hesitation, “I really, really like him. In fact, may hinanda na nga akong sorpresa para sa kanya.”
    “Ooohhhh, intriguing.”
    “Sobra. Magugulat kayong lahat sa ibibigay ko sa kanya.”
    “Sige, aabangan namin ‘yan. Hey change topic tayo. Alam mo na ba ‘yung tungkol kay JM?” Tsismosang Chai. Tsk.
    “What about Juan Miguel?”
    Biglang dumating si Suzie. Naudlot tuloy ang pag-uusap naming ni Chai.
    “Hey, Mary, Chai. What’s up?”
    Nagtinginan na lang kami ni Chai at napabuntong-hininga na lang siya.

    ***
    Blinding lights. People dancing, kissing, sexing. What is life about? What is my life about? Bakit ako nandito?

    Nakita ko Shan Soliven kasayaw sina Suzie at Chai. Kumpleto ang lahat. Ako na lang ata ang hinihintay nila. Bakit hindi ako masaya? Bakit hindi ako excited sa gagawin ko? Bakit wala akong maramdaman? Ito ba ang epekto ng pagiging diyos ko? Ang pagiging manhid? Wala na ‘kong maramdamang emosyon. Epekto lang ba ‘to ng mga kumikislap na ilaw sa paligid? Nasaan ako? Bakit ako narito? Kung ang diyos ang nagliligtas sa mga tao, sino naman ang magliligtas sa ‘kin?

    Nilapitan ko si Shan Soliven at hinila ang kanyang kamay.
    “Mary Castro? Where are you taking me?”
    Hindi ako nagsalita. Naglakad lang ako ng mabilis palabas ng bar habang hinihila siya. Binuksan ko ang limousine at ipinasok siya sa loob. Binigyan ko ng isang pakete ng yosi ang driver ko at limang libong piso. “Umalis ka muna.”
    “Mary, what are you doing?”
    Hinubaran ko si Shan Soliven. Nag-aapura. Halos masira ko na ang suot niyang mamahaling polo.
    “Hey, stop it!”
    “Don’t worry, kaya kong bayaran kung masira man ang mamahalin mong suot.”
    Nang mahubaran ko siya ng tuluyan, ako naman ang dahan-dahan naghubad sa kanyang harapan. Hindi ba’t sinabi ko na walang sinuman ang pwedeng tumalo sa ‘kin? I can conquer everything. Anyone!
    “Je suis Mary Castro. Mary Castro est un dieu.”

    ***
    “I didn’t know you were a virgin. Are you happy now?” Shan asked.
    Napaisip ako. Ano ba namang klaseng tanong ‘yun? Masaya naman ako lagi, ‘di ba? Maganda ako, mayaman at matalino! Nasa ‘kin na ang lahat! Masayang masaya ako! Lalo na ngayo’t alam kong mas magaling ako kay Shan Soliven.
    Pumatong akong muli sa kanya at hinalikan siya. Hinaplos niya ang buo kong katawan. Natigil lang ako nang bigla niyang haplusin ang aking likuran.
    “Don’t touch me,” gulat kong sabi.
    “W-what?”
    “’Wag mo ‘kong hawakan! ‘Wag mo ‘kong hawakan!”
    Pinagsasampal ko siya at itinulak palabas ng kotse ko. Hindi ako tumigil hanggat nakikita ko siya sa loob.
    “Umalis ka! ‘Wag mo ‘kong hawakan!”

    ***
    Pinagmasdan ko ang buong siyudad habang umaandar ang aking mamahaling kotse. Dama ko ang malamig na haplos ng hangin sa hubo’t hubad kong katawan. Napakasarap. Napakasarap sa pakiramdam. Kung titignan mo ang Maynila, mabibighani ka sa ganda nito. Ang mga ilaw, ang mga gusali, at ang mga tao nito. Ngunit walang perpektong bagay sa mundo. Ang lahat ng magandang bagay, sa ayaw natin at sa gusto, ay magkakaroon ng lamat.

    Pumasok ako sa bahay ng wala kahit anong balot sa katawan kung hindi ang mahabang buhok ko lamang. Nakita ko si Toff na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro. Umupo ako sa kanyang tabi at niyakap siya.
    “I am sorry, Toff,” bulong ko sa kanya, “I wasn’t brave enough to save you. Hindi kita naipagtanggol kay Papa.”
    Tumayo akong muli upang tumungo sa aking kwarto nang bigla akong hilain ni Toff at yakapin. Hinaplos niya ang aking likuran. Hindi ko siya naitulak dahil masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sa ‘kin.
    “Mary, I know it’s hard, pero kailangan mong tanggapin ang lahat kung ayaw mong maligaw.”
    Sa pagkakataong ito, naitulak ko na palayo si Toff. “What in the fuck are you talking about?”
    “Mary,” he tried to embrace me again pero this time, hindi ko na siya hinayaan, “I’m sorry.”
    Lumuhod sa harapan ko si Toff habang umiiyak siya.
    “Anong ginagawa mo? Anong ginagawa mo!?”
    “Mary, itigil mo na ‘yan! Kahit anong pilit mong kalimutan ang lahat, hinding hindi mo ‘yun makakalimutan dahil nakatatak na ang lahat sa ‘yo!”
    Napatingin ako sa salamin sa harapan ko. Kitang kita ko ang sarili ko – si Mary Castro, maganda, mayaman, matalino. Ngunit, perpekto nga ba ako? Isa nga ba akong diyos? Tumalikod ako. Kitang kita ko ang mga latay at pilat sa aking likuran na dulot ng mga hampas sa ‘kin ng latigo ni Papa. Kitang kita ko ang bakas ng malungkot kong kamusmusan. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. Kusa na silang tumulo at kumawala.
    “Hinde! Hinde!”

    Niyakap ni Toff ang hubad at imperpekto kong katawan. Ang katawan ni Mary Castro. Isang tao. Hindi diyos.


     
    November 18th, 2009 by  Jan Suing is a former editor-in-chief of The Lamp, the Official Student Publication of the Far Eastern University Institute of Nursing. He's a deist, a fan of Nietzsche, a movie buff and currently the epitome of quarter-life crisis. www.twitter.com/juansuing



  • Book Review: The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

    Entertainment news
    Though I usually begin with a general feel of the novel, this time, I opted not to. Because this book’s outstanding quality, which practically made it a classic, is its subjectivity. Read more..
  • TamBayan Poll: 54% expect DLSU to win the 74th UAAP women’s volleyball tournament

    From a total of 255 online votes at the Tamaraw Bayan community poll from site visitors (not necessarily registered users) initiated last December 1, 2011, a total of 97 votes were ast that they think.. Read more..
  • TAMBayan Book Club

    Entertainment news
    To all bookworms and 'dog-earing' addicts out there: What do you think of having a TamBayan book club? My broad idea of a book club is members share their thoughts about a certain book.. Discuss..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    Best Website for Community & Portal at the 12th Philippine Web Awards.