HOME     ABOUT US     COMMUNITY     WIKI     DIRECTORY     SHOP     CONTACT US

Start November 21, 2009
  • Community account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     Register

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.   View our online maps of different Far Eastern University campuses and its surrounding areas, street names, establishments, and more.
  • Home  >  Sentimentals  >  Pinoy Aliens Ep.1: Not Belittling Up the Botchier
  • FEU and FEU-EAC Job Fair 2010

    Site news
    Far Eastern University and FEU-EAC (East Asia College) will have a Job Fair on February 18-20, 2010 at the Mini-auditorium, New Technology Building with the theme: Two Tams Up, Forging Greater Synergy. Read more..
  • Of Condoms, Louis Vuitton and Despair

    Featured essay

    While South Korea is busy conquering the heights of technological advancement, the Philippines is busy making the longest longganisa in the land. Philippines, in terms of natural resources and biodiversity, is.. Read more..
  • Vivas is MVP and best scorer, Tam Spikers second in men’s

    Sports news
    Lady Tamaraw Spiker Cherry May Vivas won the MVP and Best Scorer Award for the UAAP 72 women's volleyball tournament, while FEU's men's team settled for 2nd place in the finals.


  • Tamaraw Bayan Directory
  • Recent feedbacks

  • Top TAMBayan Point Earners


  • Sentimentals

    Pinoy Aliens Ep.1: Not Belittling Up the Botchier

    October 11th, 2009 by jansuing
       

    (All characters and events are products of my imagination. Kung kapangalan mo ‘yung isang character dito, swerte mo.)

    Unang Kabanata

    Not Belittling Up the Botchier

    What a fucking nice dream. A new Filipino revolution. Proletariat against bourgeoisie. And we triumphed! Utopia! Sayang, nagising na ‘ko.

    Fuck. When was the last time I had breakfast before I went to school? Hindi ko na maalala. Madalas din kasi akong nagmamadali dahil ayokong ma-late sa klase. May deduction sa grades ko ‘yun. Ang pwede kong maalala ang ‘yung huling beses na sinuot ko ang pants na suot ko ngayon habang papunta ako sa LRT station. Ito din ata ang suot ko kahapon. Nilabhan ko lang kaagad pagkauwi ko ng bahay. Buti na lang natuyo kaagad. Salamat, evaporation.

    Fuck. Hindi ko talaga mainitindihan ang purpose ng mga security guards na nagche-check ng mga bags at gamit bago makapasok sa loob ng LRT station. I mean, asa naman silang makikita nila kung may dala akong bomba just by mere looking inside my bag. I mean, if I were a terrorist, I wouldn’t be stupid enough to make tago the bomba in a place where it can easily be seen by the guards. Pero ‘di mo din sila masisisi. Sa dinami-dami ba naman ng mga taong naglalabas-masok sa loob ng station na ‘to, hindi nila kayang isa-isahin silang kapkapan, paghubaran para lang hanapin ang isang bagay na baka wala naman.

    Fuck. E bakit ba kasi kailangang magkaroon ng terorista sa mundo? Bigla kong naalala tuloy ‘yung Rizal Day Bombings. Isa sa limang blast locations sa insidenteng iyon ay ang Blumentritt Station. Dalawampu’t dalawang katao ang namatay dahil sa pamomombang ‘yun. Tsk.

    Fuck. The huge crowd. At paparating na ang train. In about 10 seconds, magkakagulo na ang mga taong ito at pipiliting isiksik ang mga sarili sa loob ng train na parang may sardines na nag-uunahan ilagay sa lata at ipalamon sa mga taong nasalanta ng bagyo. May mga mag-uunahan sa seats, manunulak, mandurukot at manyanyansing. The huge crowd – my second most hated part on riding the LRT.

    And my most hated? Riding the train itself.

    Fuck. Nakatayo ako samantalang nakaupo ang lalake sa harapan ko. At ang kapal, nakatingin pa sa ‘ken. Sa loob ng apat na taong pagsakay ko ng LRT, unti-unti ko ding nadiskubre ang deterioration ng Filipino Gentlemanship. Ang daming oldies at babaeng nakatayo sa loob ng train at hindi man lang sila inoofferan ng seats ng mga lalakeng ito. Fuck. I can’t take this.

    “Hey!” sigaw ko sa lalake sa harapan ko. “Tumayo ka diyan at paupuin mo ‘ko! Babae ako, can’t you frickin’ see? Or are you just frickin’ gay?”

    Sabay-sabay na tumayo ang mga nakaupong lalake sa LRT kasama ang lalake sa aking harapan.

    I sat on the empty seat in front of me. Hay, sa wakas. Ilang segundo lang pagkatapos kong umupo, biglang nag-ring ang cell phone ko.

    “Hello, Chai!”
    “Jenny! Nasaan ka?”
    “Nasa LRT pa lang ako,” sagot ko. “Nasa school ka na ba? Ang aga mo naman!”
    “Shut up. Alam mo nang wala pa ‘ko sa school. Naglayas ako!”
    “Aah.” Anyone who knows Chai will understand this blunt answer of mine. Naglayas si Chai! Aah. Nag-suicide si Chai! Aah. Grounded si Chai! Aah. Dinala si Chai sa mental ng parents niya! Aah. Chai is… Chai.
    “So, what do you want me to do?”
    “Pwede bang sa bahay niyo muna ko tumuloy?”
    Tumahimik muna ko sandali upang i-absorb at unawain ang sinabi ni Chai. Nang maintindihan ko na, humalakhak ako ng pagkalakas-lakas na halos lahat ng tao sa loob ng train ay napatingin sa ‘kin.
    “Si Chai Fuentebella na tanging anak ni Mr. and Mrs. Rudy Fuentebella ay titira sa squatter’s area? Pinapatawa mo ba ‘ko!? Du’n ka na lang kina Juan Miguel ulit!”
    “Gago! Nahihiya na ‘ko sa parents ni JM. Kulang na lang ampunin na nila ‘ko.”
    “Maglayas ka ba naman ng 3 times a month, almost once a week? Umuwi ka na lang sa inyo!”
    “Jenny.” Bumuntong-hininga ang kausap ko sa cell phone.
    “Chai…”
    “Jenny, you are my best friend. At alam mo kung bakit ako ganito. So please. All I need is a space to sleep. I’m sure I’m not asking for so much, am I?”
    So, ano? May magagawa pa ba ‘ko? The reason why we have best friends is because we are not enough to save our own selves.
    “Okay, fine. Just bring your own panties. See you at school.”

    Bumukas na ang pintuan ng train. Nag-unahan na naman sa paglabas ang mga tao. Nag-unahan din sila sa pagbaba ng stairs. Ano ba ‘yan? Bakit ba lagi tayong nag-uunahan!? Kinapa ko ‘yung bulsa ko para sa stored value card na three days kong pinag-ipunan. Ang prublema, hindi ko ‘yun mahanap. Kahit sa bag ko! At sa ID holder ko! At sa bra at panty ko! FUUUCK! Pa’no ako makakalabas nito? Five pesos lang ang dala kong perang pambili ng quail eggs mamaya!

    “Hi, Jenny.”
    Fuck. Of all people, bakit siya pa! Bakit siya nasa LRT station? Nasaan ‘yung mamahalin niyang Jaguar?
    “Hey, Jenny. Problem?”
    Nagtimpi ako at naglakas-loob na tumalikod. “Anong ginagawa ng isang bourgeoisie na tulad ni Arthur Lee sa loob ng isang middle class means of transportation na tulad ng LRT?”
    “Gusto ko lang i-try.” Medyo nainis ako sa sagot niya.
    “I-try? Gusto mo lang i-try? Kelan pa naging extreme sport ang pagsakay ng LRT?”
    “Jenny – “
    “Ilan kayong mga mayayaman na nag-e-LRT para lang “i-try” ang pagsakay nito? ‘Yan ba ang dahilan kaya lalong sumikip ang mga train ngayon? Bakit ‘di niyo gamitin ang mga kotse niyo? Ang mga eroplano niyo? Ang mga yate niyo? Bakit pati LRT kelangan niyong gamitin?” Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Galit na galit akong umiyak sa harapan ng pinakanakakainis na lalakeng nakilala ko. “Ang sikip na sa LRT! Ang sikip sikip na! Pa’no pa kame makakaupo niyan kung pati kayo nakiki-LRT na din? Pa’no pa magiging komportable ang pagsakay ng LRT kung ang mga kasabay ko naman ay mga buitre na katulad niyo!”
    “Jenny…”
    Tinalikuran ko siya at tumakbo papunta sa fare gate. Pero hinarangan ako ng metal na gate. Nawawala nga pala ang card ko. In my frustration, sinipa ko na lang ang gate at umiyak na lang ng umiyak. Napaupo na lang ako sa isang tabi habang nakatitig lahat sa ‘kin ang mga tao sa loob ng station.

    Ilang segundo akong nakayukod. Napatingin lang ako sa bubong ng station nang naramdaman kong tila may nahuhulog na mga bagay mula sa ceiling.

    Daan-daang mga stored value cards. Umuulan ng daan-daang stored value cards sa aking pwesto. At sa aking harapan, nakatayo si Arthur.

    “’Yan ba!? Iyan ba ang gusto mo?!” sigaw niya. “Ayan na! Kunin mong lahat ‘yan para makalabas ka na dito at makatakbo papalayo sa ‘kin! Para sa ‘yo ang lahat ng ‘yan, Jenny. Para sa ‘yo lang ‘yan. Para sa nag-iisang babaeng gusto ko ngunit ayaw naman sa ‘kin. Ikaw lang ang nakakagawa sa ‘kin nito, alam mo ba ‘yun? Mayaman kame. Mayamang mayaman kame. Sobrang yaman na hindi ko na kakailanganing pumasok pa sa school para mag-aral. But do you know why I still go to school? Why I still endure the long traffic, the heat and all? Dahil sa ‘yo. Para sa ‘yo. Wala na ‘kong ibang ginawa sa buhay ko kundi habulin ka. At wala ka nang ibang ginawa kundi iwasan ako. Nakakapagod, Jenny. Yeah, I am unbelievably rich, Jenny. So rich I can buy everything I want. But ironically, I can’t have what I’ve ever wanted the most. But I’m willing to wait, Jenny. I will wait for you.”

    Sandaling naging tahimik ang lahat. Dumating na naman ang isang train. Lumabas ang madaming tao at dinaanan kaming dalawa ni Arthur. Madami nang mga tao ang nagdaan sa buhay ko. Isa lang si Arthur sa mga estrangherong nanatili. Dahan-dahan akong tumayo at isa-isang pinulot ang mga stored value cards habang patuloy sa pagpatak ng aking luha. Nang mapulot ko na’ng lahat, nagtira ako ng isa at ipinasok ang mga natira sa loob ng aking backpack. Tumalikod ako kay Arthur ngunit bago akong umalis, nag-iwan muna ako ng ilang mga kataga para sa kanya.

    “Masaya ka na? Nabili mo na ‘ko katumbas ng isang stored value. Araneta-Cubao Station. 5 PM.”
    ***

    Lumulutang ang isip ko sa klase habang nag-i-scribble sa notebook ko. Marx. Marx. Marx. Ano bang magandang dahilan para makinig sa isang bobong propesor? Wala. Kaya mananahimik na lang ako. Once in a while, napapatingin din ako kay Arthur na nakaupo malapit sa likuran. Halatang wala din siya sa kanyang sarili. Hindi ko napansing pinapanuod pala ako ng mag-best friends na sina Caps at Tonio.
    “Uyyy, Arthur…” Panunukso ng animal na Tonio.
    “Gagu, tantanan mo ‘ko. Makinig ka nga sa prof!”
    “E bakit ikaw hindi ka nakikinig?”
    “Hindi pa ba halata?” singit ni Caps. “Gusto niya si Arthur. Kaya nadidistract siya.”
    “Hoy mga putangina niyo, makinig na lang kayo sa putanginang prof naten at tatantanan niyo muna ang putanginang ako, pwede?”
    “Ooh, scary,” pang-iinis ni Tonio.

    Hindi ko na lang pinansin si Tonio dahil baka lalo lang akong mainis. Inalala ko na lang ‘yung panaginip ko kanina. Nakaramdam ako ng kapayapaan habang ginagawa ‘yun hanggang sa bigla akong ginising ng tanong ng propesor.

    “Is the Philippines poor? Ms. Montemayor.”
    Tumayo si Susie, ang girlfriend ni JM. “Sir?”
    “Answer my question. Do you think the Philippines is a poor country?”
    “I think…” Hindi ko na hinayaang tapusin ni Susie ang bobo niyang sagot. Tumayo ako.
    “You do?” Pang-iinsulto ko kay Susie. Wala siyang nagawa kundi umupo na lang.
    “Hey, Jenny. What is your problem?” Si Travis Bello, ang best friend ni Susie.
    Hindi ko na lang siya pinansin and continued with what I have to say. “Anyway. The Philippines is not a poor country. Hindi lang equally distributed ang ating yaman at resources. Concentrated lahat sa mga “mayayaman”. Hindi ba nakakatawang isipin na ang pinakamayamang tao sa Pilipinas ay isang Chinese; ang pangalawang pinakamayaman ang Chinese ulet; at ang pangatlong pinakamayaman ang Kastila.”
    “Ms. Batungbacal, I appreciate you answering but – “
    “Alam niyo kung anong kailangan natin? Rebolusyon! Rebolusyon laban sa mga mayayaman na ‘yan para kunin ang atin! Para maging pantay-pantay tayong lahat!”
    Biglang umepal si Mary. Ang henyong si Mary Castro. Fuck. Kung wala lang siya klase namen, ako sana ang number one sa classroom.
    “Jenny, baka nakakalimutan mong nag-aaral ka sa isang unibersidad para sa mga elitista. Kung ako sa ‘yo, mananahimik na ‘ko kung ayokong pag-initan ng mga tao dito.”
    Nagtawanan ang lahat ng gma estudyante sa classroom pwera kay Arthur. Nagkatinginan kami. I hate him when he looks at me. So I grabbed my bag and ran out of the room.

    Tumakbo ako ng mabilis papunta sa girls’ CR. Pagbukas ko ng pinto, gulat na gulat ako sa tumambad sa ‘kin. Juan Miguel “JM” Apostol, my friend and Susie’s boyfriend, was making out with another girl. Both were also shocked at the sight of me.
    “J-Jenny,” gulat na gulat na sabi ni JM. Samantalang tumakbo naman ang babaeng kahalikan niya.
    “JM, what in the fuck are you doing!?”
    Niyakap ako ni JM. “Help me, Jenny, Help me.”
    ***
    4 PM na ng hapon. Nagkita kami ni Chai sa school cafeteria. Pinili niyang dito kami magkita kahit ayoko dito. Naiinis ako sa amoy. Pang-mayaman.
    “What do you want?” tanong ni Chai.
    “Wala. Hey, sure ka bang sa bahay ka naming titira? Remember: bahay namin is tantamount to “gulong sa bubong, toilet na walang flush, at banig at kulambo.”
    “Hello? The first time I made layas I came so close to sleeping in the underpass.”
    “Bahala ka, ha. Tara na nga.”
    “O, wala ka nang gagawin?”
    Nag-isip ako sandali. “Uhm, wala na. Let’s go.”

    Pagdating namin sa bahay, naligo kaagad kami ni Chai. At pagkatapos, nahiga na kami.

    “Jenny,” sabi ni Chai habang nakatingin sa kalawanging kisame.
    “Hm?”
    “You know what, I admire you.”
    “Oh, come on, Chai. Cut it off. Sleep!”
    “Listen to me, Jenny. I admire you. I admire your parents. I admire your life. You have everything this Chai badly wants to have.”
    “And you have everything this Jenny wants to have. Do you know why we can’t be totally happy, Chai? It’s because we can’t have everything we want. But do you know what I want now? A very long and refreshing sleep. Kaya matulog na tayo!”
    “Goodnight, best friend.”
    “Goodnight.”

    ***
    Maaga kaming gumising ni Chai papunta sa school. As usual, siksikan ang lahat. Pero this time, kaagad kaming nakaupo. Nagkukwentuhan kami ni Chai on the way.
    “Chai, I think JM needs us now more than ever. He’s undergoing some sort of a crisis. We talked yesterday.”
    “What kind of crisis?”
    “Basta. Pag-usapan na lang natin kapag kasama na siya. Kawawa tuloy si Klutzy Susie.”
    “Oh, Jenny. Bakit ba masyado kang mean kay Susie?”
    “Well, I guess we all are mean. Parang sina Caps at Tonio, mean sa ‘kin lagi. Tsaka si Mary.”
    Nagtawanan kaming dalawa ni Chai.
    “E anong balita kay Travis? He’s such a cutie!” tili ni Chai.
    “Chai, Travis is gay. How many times do we have to tell you that?”
    “Hindi naman masamang mangarap, ‘di ba? Sabihin na lang nating parang ako si Arthur na pinapangarap si Susie.”
    “Shut up.”
    Bigla kong naalala ang nangyari kahapon sa station – ‘yung paghahabol niya sa ‘ken, ‘yung pag-iyak ko, at ang mga stored value cards.

    “Araneta-Cubao Station. 5 PM.”

    Hinde. He is Arthur Lee. Hindi siya maghihintay ng ganoon katagal. I’m sure, pagkatapos niyang maghintay ng fifteen minutes kahapon umalis na siya. He is Arthur Lee.

    “But I’m willing to wait, Jenny. I will wait for you.”

    Gago ka, Arthur Lee. Gago ka.

    “Arriving at Araneta-Cubao Terminal Station. Paparating na sa Araneta-Cubao Terminal Station.”

    “Chai! Mauna ka na sa school. May nakalimutan ako.”
    Bumukas ang mga pinto at nagmadali ako palabas. Hindi ko na pinansin ang mga taong nabangga ko. Hinanap ko lang siya. Hinanap ko siya hanggang sa makaalis ang train. Hinanap ko siya hanggang sa makita ko siyang nakaupo sa isang sulok, tila tulog. Lumapit sa ‘kin ang isang security guard.
    “Hoy. Kilala mo ba ‘yan? Kahapon pa ‘yan nandito. Pinapaalis naming siya pero ayaw niyang umalis. May hinihintay daw siya. Iuwi mo na nga ‘yan.”
    Pinagmasdan ko si Arthur. Tumulo ang unang patak ng luha sa aking mata. Tinapik ko ang balikat niya.
    “Hoy, gumising ka.”
    Kinusot niya ang kanyang mga mata. “ J-Jenny? You really came?”
    Lalo akong napahagulgol. Puta. If there’s one thing I hate more than riding the LRT, it’s crying in front of the most annoying guy in my world. Sinampal ko si Arthur.
    “Napakatanga mo, alam mo ba ‘yun!?”

    • Facebook
    • Technorati
    • del.icio.us
    • Digg
    • Reddit
    • StumbleUpon
    • Ratimarks
    • LinkedIn
    • Google Bookmarks
    • MySpace
    • Yahoo! Buzz
    • Netvibes
    • Mixx
    • Twitter
    • Yahoo! Bookmarks
    Creative Commons License
    This work, unless otherwise expressly stated, is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
    Rate this article
    (+9 rating, 9 votes)
     
    October 11th, 2009 by jansuing Jan Suing is currently the Editor-in-chief of The Lamp, the Official Student Publication of the Far Eastern University Institute of Nursing. He's an agnostic theist, a fan of Nietzsche and a movie buff. Among his favorite films are Sympathy for Lady Vengeance and Revolutionary Road. www.formspring.me/jansuing www.twitter.com/juansuing


    Most commented
  • Shaira Gonzalez wallpaper (207)
  • In The Land of Green and Gold is where I found my Heart (58)
  • Mica Morada wallpaper (49)
  • Top 5 Qualities Ng Isang FEU Crowd (43)
  • Homosexuals: Amidst the Issues of Morality and Conformity (39)

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:

    Leave a Reply


    :wink: :unsure: :smile: :shocked: :sad: :rolleyes: :madevil: :mad: :lol: :idea: :huh: :happy: :grin: :green: :glad: :flat: :evil: :cry: :cool: :blush: :attention: :arrow:

     


  • Red Cliff now in cinemas

    Entertainment news
    In the early third century, the land of Wu is invaded by the warlord Cao Cao and his million soldiers. The ruler of Wu, Sun Quan, calls on the rival warlord Liu Bei for help, but their two armies are still badly outnumbered.
  • Sr & Jr Gold Silver Bronze T
    UST 6 7 3 16
    ADMU 5 3 4 12
    FEU 4 4 2 10
    UE 2 5 0 7
    DLSU 2 3 8 13
    UP 2 0 3 5
    AdU 2 0 0 2
    NU 0 0 0 0
    Demonstration sports included in tally, not official
  • Life of Pi by Yann Martel

    Survival supersedes beliefs, principles, and even morals. The malleability of the latter concepts—that defines character and persona, distinguishes man’s social strata, class and leverage in the society he lives in—against a person’s will to live is explicitly painted in Yann Martel’s Life of Pi. Pi Patel, 16, consistently deals with bashful versions of.. Read more..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    People's Choice for Community & Portal at the 11th Philippine Web Awards.