Payong
March 6th, 2009 by renereeveMaikling Kwento Ni: Rene Reeve Rivera
Binalot na ng lamig ang akin katawan sa kakahintay sa jeep na aking sasakyan. Sinabayan pa ito ng malakas na pagbuhos ng malakas na ulan. “Oo! Asa España pa ako!”, sabi ko sa nanay ko na tumawag sa telepono ko na alalang alala na. Lumipas ang limang minuto wala pading dumarating na jeep, basang basa na ako ng ulan sa kadahilanang walang masilungan. Buti na lamang mabagsik “Water-proof” na bag ko.
Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin na lalaki na may dala ng payong, “Late ka na namang umuwi, wala kang masakayan ano?”, sabay tingin ko sakanya si Charles pala iyon! Sa sobrang tuwa ko nahampas ko ang balikat niya. Matagal tagal nadin na hindi kami nagkita siguro may 1 taon na. Kahit nag aaral kami sa isang unibersidad ay hirap kaming humanap ng panahon upang magkasama.
“Buti nalang nandito ako”, wika niya
“Abah! Bakit naman?”
“Eh.. May kasabay kang umuwi”
“Kaya ko namang umuwi ng mag isa”, wika ko
“Talaga? Kaya pala mangiyak ngiyak kana diyan”
“Arghhh! Sige na sige na panalo kana”
“Ahaha!”
Ang tawang iyon ay pilit umalingawngaw sa aking tenga, matagal tagal ko nadin na hindi narinig ang kaniyang tawa. Oo! Namiss ko siya! Hula ko ay galing siya sa Teatro kaya gabi nadin siya nakauwi. Alas otso na ng gabi ng may dumating na jeep papuntang recto, papunta kung saan ko siya unang nakilala. Alalang alala ko pa ng umuulan noon ng sobrang lakas at wala akong dala na payong, siya ang kaisa-isahang tao doon na nag alay ng payong niya sa akin. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng morayta binulungan niya ako. “Miss na kita”, sa aking narinig wari’y napatigil ang oras ko, oras na ipinagsasawalang bahala ko, oras na akala ko’y wala ng silbi, oras na ipinagkakait ko mismo sa akin sarili.
“Ako miss mo?”, tanong ko sa kanya
“Oo…”
“Talaga? Ni hindi mo nga ako pinupuntahan s a building namin…”
Hindi nakaimik si Charles nang sinabi ko iyon sa kanya. Wari’y nabusalan siya ng katahimikan. Tama naman ako sa mga sinabi ko. Di ;ang siguro agad natanggap ng sistema ko ang sinabi niya na namiss niya ako. Sa totoo lang para sa akin miss ko din naman siya, ngunit sadya talagang pinaghihiwalay kami ng oras at pagkakataon. Mabuti nga at nakasama ko siya ngayon, kaming dalawa na magkatabi ngayon sa iisang jeep.
“Oh? Ang tahimik mo naman! Pasensya na kung may nasabi akong mali…”
“Tama ka, nawalan ako ng oras sayo,” wika niya sa akin
“Ano ka ba?!, ayos lang iyon! Ganyan talaga ang buhay,” sabay banat ko ng hagikgik
“Salamat nga pala ha?”
“Saan”
“Sinamahan mo ako ngayon…”
“Ayun ba, wala iyon sa akin”
Bago dumating sa sakayan ng LRT-Recto ay niyakap ko siya. Yakap na prang ayaw ko ng pumiglas. Binulungan ko siya nang pababa na ako ng jeep, “Miss nadin kita”. Tuluyan na akong bumaba at hindi na lumingon. Alam ko na hindi na maaring maging kami sapagkat mayroon na siyang iba, pero kung siguro pinahintulutan kami ng oras at pagkakataon na magkasama ay hindi sana hahantong ang sitwasyon namin sa ganito. Mahal ko siya! Mahal na mahal! Pero wala akong magawa. Pagpasok ko sa LRT-Recto station may nagalok sa akin ng payong sa halagang trenta, napatigil ako at napaisip. Binili ko ang payong na inaalok ng matandang babae.
Payong na panangga sa ulan. Payong na naging dahilan upang magkakilala kami ni Charles at Payong na nagsilbing aral sa akin upang magising sa realidad.










