Payaso
January 15th, 2010 by camil18Ako ay isang malungkot na payaso,
Naka-upo sa gitna ng entablado.
Naghihintay mag-umpisa ang palabas,
Ngunit wala pila sa labas.
May isang lalaki ang pumasok,
At umupo sa sulok.
Ako ay nasiyahan sa kanyang pagdating,
Atensyon ko ay sa kanya ibinaling.
Ako’y nag-atubiling nag-umpisa,
Kahit ang aking manonood ay isa.
Gumawa ako ng mahika at nagpatawa.
Ngunit, ang aking manonood ay walang reaksyong ginawa.
Sa aking pagtatapos,
Aking luha ay umagos.
Ang lalaking iyon,
Ay ang pag-ibig ko noon.

This work, unless otherwise expressly stated, is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Most commented





