Pangarap na Pag-ibig sa AB 4FL
January 6th, 2009 by davismarcruiza munting opisina sa AB 4th floor,
Siya ay madalas nananahan.
Mga folders ang laging tahan-tahan
‘Di ko alam bakit kaysarap nyang pagmasdan.
Kay tamis ng kanyang mga ngiti,
Waring matitikman ang langit.
Pangarap kong ito’y mahagkan
At nangangarap na di na bibitawan.
Ang kanyang mga mata’y laging nangungusap,
Waring pag-ibig ang ipinapahayag.
Pangarap kong ako’y kanyang matitigan
Upang ito’y aking maramdaman.
Bawat salitang kanyang binibigkas,
Waring musika sa aking pandinig.
Pangarap kong lagi sya marinig
Dahil katumbas nito’y isang milyong awit.
Hanggang kailan ako maghihintay?
O siya ba’y akin nang lalapitan?
At ipahayag ang tunay na nararamdaman
Ang pangarap na pag-ibig sa AB 4th floor.













