Pakikiramay
August 22nd, 2008 by cyrene_montillaAugust 2008, may tatlo (3) akong nakilalang “pain”. Yung isa, nakilala ko mismo sa sarili ko, samantalang yung dalawa ay nakilala ko sa ibang tao.
Ano nga ba ang masmasakit sa lahat ng nakilala kong pain? Ano nga ba ang masmatagal gumaling? Ano nga ba ang masmahirap gamutin? Ano nga ba?
Ang magkahiwalay kayo ng taong minahal mo? Yung nakasama mo lang ng halos isang buwan. Yung taong akala mo ay aalagaan ka at mamahalin. Na sa huli pala ay sasaktan ka lang at paaasahin sa wala.
O ang nararamdaman ng isang anak na namatayan ng ina? Ang tanging tao na nakasama at naging kakampi mo sa halos 20 taon ng buhay mo. Yung taong tutulungan kang itama lahat pagkakamali mo at pagsasabihan ka para di mo na ulitin. At hanggang sa huling sandali ng buhay nya ay kaligatasan mo parin o kaligtasan parin ng anak nya ang kanyang inaalala.
O ang nararamdaman ng isang ina na namatayan ng kanyang panganay ng anak? Yung tanging regalo na hiniling mo sa panginoon. Yung inalagaan mo sa sinapupunan mo ng mahigit 7 buwan ay bigla na lang pala babawiin sayo ng lumikha. Yung tanging anghel mo na nakasama mo lamang ng 5 araw sa mundo.
Iba’t-ibang pain. Iba’t-ibang dahilan. Pero kung tutuusin, wala pa sa kalahati ng pain na nararamdaman ng aking kaibigan nang mamatay ang kanyang ina at ng aking pinsan nung mamatay ang kanyang anak sa pain na naramdaman ko noong magkahiwalay kami ng boyfriend ko.
Ang karelasyon, pwede mong palitan. Sabi nga ng mahal kong ina, “marami pa dyan! Bata ka pa at marami ka pang makikilala na mashigit pa sakanya! I-enjoy mo lang ang pagiging single.” Tama si mama, marami pa dyan. Marami pa akong pwedeng ipalit skanya. Pero pag nawala sayo ng tuluyan ang tanging taong nagbibigay sayo ng lakas at tanging kakampi mo sa buhay o pag nawala ang tanging anghel mo na matagal mo ng hiniling sa panginoon, para na ring katapusan ng mundo mo. Masakit! Mahirap! Pero kailangan tanggapin na dumarating sa tao ang kanilang katapusan, yun nga lang “unpredictable”. Sino nga ba ang makakapagsabi kung kelan na ang katapusan ng isang tao? Lahat ng nangyayari sa ating buhay, lahat ng dumarating at nawawala ay may dahilan. Kahit ilang beses pa akong masaktan, alam kong lahat ng nangyayari ay may dahilan. Maaaring di ko pa alam ito ngayon pero darating din ang panahon at malalaman ko din ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Buhay pa tayo! Marami pang pwedeng mangyari. Kung nasaktan man tayo ng taong minahal natin, di ito sapat na dahilan upang hayaan natin na kontrolin o lunurin tayo ng ating depresyon. Marami pang masmasasakit na mangyayari sa buhay natin. Kailangan ngayon pa lang matuto na tayong maging matapang. Upang kung dumating man ang panibagong pagsubok sa ating buhay, masmahaharap natin ito ng masmaluwag sa damdamin at masmadali. Marami pa, marami pang pwedeng mangyari. Buhay pa tayo. Umiikot parin ang ating mundo!










