HOME     ABOUT US     COMMUNITY     MY EMAIL     DIRECTORY     CONTACT US     HELP

  • Contributor account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

    Be a TAMBayan Contributor. Upload your essays, short stories, announcements, and other works here! To apply as a contributor, click here

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.  
  • Home > Essays > Paano yumaman (agad)?
  • Love ko Piyu 2012: Post Contest

    Site news
    Madali lang ang mga gagawin. Sagutin lamang ang katanungang ito (English, Tagalog, o Taglish basta maiintindihan ng karamihan): “Bakit mo mahal ang FEU?” Gamit ang iyong Facebook account.. Read more..
  • Paano yumaman (agad)?

    Featured essay
    Paano nga ba yumaman? Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging.. Read more..
  • FEU returns to NCC 2012, ranks 2nd in the qualifiers

    Sports news
    The FEU Cheering Squad ranked 2nd in the National Cheerleading Championship last February 5, 2012 at the SM Mall of Asia. Last time they joined at 2009, they ranked 6th.
  • Free email account at Tamaraw Bayan

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:


  • Essays

    Paano yumaman (agad)?

    May 8th, 2011 by

    Featured ArticleMarahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging kamag-anak ni Pacquiao dahil sa sobrang yaman nito na ayon sa narinig ko sa tv kanina, sa may Punto por Punto, e maraming bahay si Manny saanmang panig ng bansa at madalas ang nakatira e caretaker niya. Andami rin niyang sasakyan! Bukod pa roon, may mga pagmamay-ari rin siya sa ibang bansa! Hanep talaga si Manny. Sa sobrang yaman, nagiging instant gwapo siya! O dibadibs? Hehehe. Marami rin siyang pelikula na hindi kumita. Wala e. Ganun talaga. Marami naman siyang pera kaya produce siya nang produce ng mga pelikula kahit hindi pumapatok sa takilya. Pero ika nga ni Ara Mina, “Ayos lang basta bayad ang talent fee ko.” (Parang ganiyan ang pagkakasabi) Asteg. Pero lahat naman ‘yon e pinagpaguran niya mula nang pumasok siya sa pagbo-boxing.

    Sa panahon natin ngayon na mas naghihirap ang mga mahihirap at mas yumayaman pa ang mga mayayaman, e talagang mas nanaisin ng mga dukhang Pinoy na yumaman para makatikim ng ginhawa. Pero aminin natin o hindi, mas gusto natin ng instant yaman ka’gad. Mas maganda ring pagyaman e ‘yung buhos lang nang buhos ang pera sa ‘yo kahit wala kang ginagawa. Ansarap siguro ng buhay mo kapag gano’n. Haha. Papalobo ka lang ng uhog mo e patuloy pa rin sa pag-ulan ng pera sa bulsa mo.

    Kanina, narinig ko ang isang ale habang nag-uusap sila ng isang mama at ng isa pang ale. Sabi ng mama, “O magkano ba kailangan mo?(tawa)” Sundot naman ng ale, “Hahaha, ‘yan ang gusto kong anak, maraming pera!”

    Sa mundo natin ngayon na mas pinapahalagahan ang mga materyal na bagay (na kung hindi ako nagkakamali e pinauso ng kaisipang Kano), nararapat talagang mayroon kang pera para bumili ng mga maluhong bagay upang sustentuhan lang ang “kaligayahan” mo. Ang tawag ko sa kaligayahang ito e “disposable happiness”. At para masustentuhan mo ang kaligayahang naka-ugat sa pera, maabot ang pakiramdam na mas nakaaangat ka sa iba dahil mayaman ka, na may kapangyarihan ka dahil sa pera, na tanyag ka dahil sa marami kang pera, at dahil pera ang nagpapaikot sa mundo, eto, may mga paraan akong inilatag para mas madali at mas mabilis kang yumaman. Inilista ko rito mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap.

    Kaya para makuha natin kaagad ang yaman=ginhawa, simulan na natin ‘to:

    1. Tumaya ka sa lotto o magsugal
    Biruin mo ‘yun? Sa halagang bente pesos, maaaring maging instant millionaire ka? Sino ba namang hindi maeengganyo sa ganitong uri ng…ano…libangan dahil maaaring maging instant mayaman ka? Kaya nga maraming tumataya sa lotto dahil gustong “guminhawa” ang buhay nila. Halimbawa na lang ng isang tumaya sa lotto na nanalo at pagkatapos lang ng isang taon e balik ulit siya sa dati. Wala na.

    Sayang talaga ang mga ganoong pagkakataon. Hindi ba meron na ring nanalo lang nitong huli na nanalo nang mahigit P200M yata. Nakow! Sobrang swerte naman ‘yon. Ilang taon kaya magtatagal ang pera niyang ‘yon?

    Isipin mo, sa sobrang liit ng probability na manalo ka sa lotto e marami pa rin ang gustong makipagsapalaran dito for the sake of instant yaman ka’gad. Mali pala ang sinabi ko. Hindi instant yaman kundi instant ginhawa kaagad. Kung nanalo ka kaagad pagkabili mo ng tiket, swerte. Pero kung manalo ka pagkatapos mong habambuhay bumili ng tiket, swerte pa rin ba ‘yon? Hindi ba parang nalugi ka na?

    Walang masama sa pagtaya sa lotto. Ang masama e iasa mo ang kapalaran mo sa pagiging instant yaman este ginhawa kaagad na dala ng pananalo sa lotto. Halimbawa ng isang lalake na P70 kung tumaya sa lotto kahit walang makain ang mga anak niya, ang mahalaga e makataya at baka manalo sa lotto. Tsk tsk.

    Maganda rin naman ang pagtaya ng lotto dahil nakakatulong ka pa raw sa ibang tao. Tulad na lang ng tatay ng kaklase ko noon. Nang maaksidente ang anak niya at nangangailangan sila ng pera e kung hindi ako nagkakamali e pumunta siya sa PCSO. Madaling araw pa siya pumunta pero pagbalik niya, wala rin siyang nakuha dahil maraming kung anu-anong pinapagawa sa kaniya. Tsk tsk.

    Konting tiyagaan lang sa pagtaya at baka manalo ka. Pero kung gusto mo, try mo rin ang pagtaya sa ibang sugal. Oo, sugal. At sugal din ang lotto. Ginawa lang legal. Haha. Putik. Try mong maging panabong at baka manalo ka rin ng milyun-milyon sa mga derby-derby-han nila. Asteg. Hindi ako nagsasabong at ayokong ipinaglalaban ang mga manok hanggang mamatay tulad sa paglalaban sa Pokemon. Haha. Gusto ko lang kumain ng fried chicken.

    Try mo rin ang jueteng. Patago ‘yan at hanggang ngayon e hindi pa nagagapi ng gobyerno…kasi sila rin naman ang nakikinabang dito lalo na kapag eleksiyon. Hahaha. Subukan mo ring mag-casino. O basta kahit ano pang sugal. Kahit magkano ang itaya mo o gugulin mong oras para d’yan, ayos lang. Ang mahalaga e ang makukuha mong instant yaman este ginhawa kapag nanalo ka.

    O taya na.

    2. Magtinda ka ng drugs
    Madali lang ‘to. Kelangan mo lang magkaroon ng supplier para tuluy-tuloy ang negosyo. Huwag mo nang pakialaman ang magiging epekto nito sa ibang tao lalo na sa mga kabataan dahil ang prayoridad mo nga e yumaman ka kaagad. Shabu, marijuana, cocaine, o kahit ipot ng ipis, sige itinda mo hanggang kumita ka ng malaki. Isang pakete lang ng droga, malaki na kaagad ang kita mo.

    Try mo rin ang ecstasy at magbenta ka nito sa mga club at paniguradong maraming bibili niyon. Mas maganda kung ang ecstasy mo e nakalagay sa isang kapsula na parang herbal supplement para hindi kaagad mahuli.

    Magsimula ka muna sa maliliit na pakete ganoon din sa mga konting buyer. Di magtatagal, kapag lumaganap sa ibang lugar na nagtitinda ka pala ng paborito nilang drugs na may mint flavor, sila na rin ang lalapit sa ‘yo. Uupo ka na lang sa isang tabi habang naghihintay ng mga kaluluwang lalapit sa ‘yo para sirain ang kanilang mga buhay. Tandaan mo, wala kang pakialam sa kung magiging ano ang buhay nila dahil tanging pagyaman este pagginhawa lang ang pakay mo.

    Biruin mo, kalahating porsyento ng population ang may access sa drugs ayon sa nationmaster. Ibig sabihin, malaki talaga ang kikitain mo kapag magbebenta ka ng drugs. Bukod sa makakasira ka na ng kinakabukasan ng mga kabataan at buhay ng ibang tao, mabilis lang ang pagyaman mo! Mabilis lang ang pagginhawa mo! Hanep!

    Huwag ka ring mag-alala sa mga pulis dahil malay mo e isa rin pala sila sa mga katulad mo? Di ba? Pero huwag mo ring kalilimutang magkaroon ng baril palagi sa tabi mo at baka pag-trip-an ka ng mga sabog na bumibili sa ‘yo.

    Hala, tira ka na!

    3. Sumali sa mga game show/reality show
    Kung sa naunang dalawa e kailangan mo ng tiyaga sa pagtaya o pagbenta, dito naman e kailangan mo ng tiyaga sa pagpindot sa cellphone mo…at kahit konting utak. Napakaraming game show sa balat ng telebisyon kaya marami ka ring tsansa na manalo. Kelangan mo rin siyempre ng pang-text para makapagpahistro ka sa kanila. Tapos konting pila, pila, pila, may audition konti, at kapag natanggap ka, mas nalalapit ka na sa pagiging mayaman!

    Subukan mo rin ang mga gameshow na nagbibigay tsansa sa iyo na manalo kahit hindi mo na kailangan ng konting utak. Kakailanganin mo naman sa mga ganoon e konting iyak, konting lungkot, at konting makabagbag-damdamin na kwento ng iyong buhay para dagdagan ang iyong money. Tapos magwala ka na parang isang siraulong payaso sa gitna ng entablado para maaliw ang mga manonood sa ‘yo. Ganoon lang kasimple. Pero wala pa ring tatalo sa pag-iyak.

    Pwede rin ang mga reality show. Kailangan mo lang ipakita ang mga bagay tungkol sa ‘yo na sa tingin mo e ikatutuwa ng mga tao para ikaw ang manalo. At kapag nanalo ka, bukod sa mapapanalunan mong pera, bahay at lupa, kotse, at mga trip-trip sa kung saan, maaari ka pa nilang kuning artista kahit hindi mo naman talaga hilig ang pag-aartista. Basta ikaw ang pulso ng mga taong walang pagod kate-text para sa ‘yo, pwedeng-pwede kang mag-artista.

    Dali, sali ka na!

    4. Mag-networking ka
    Napakarami niyan sa Metro Manila. Nakakalat lang ‘yan sa kung saan-saan. Laway mo lang puhunan mo rito para makaakit ka ng mga biktima este miyembro para kumita ka ng sandamukal na pera.

    Madalas sa mga networking, may ibinebenta silang mga kung anu-anong product. Huwag kang mag-alala. Bumili ka na lang ng mga sabon, pampaganda, herbal supplement at mga cream diyan sa Quiapo. Napakarami niyan diyan. At siyempre, pagandahin mo ang packaging ng mga produkto kuno mo. Konting english, voila! May sariling networking scam este company ka na.

    Isubok mo muna ‘to sa mga malalapit sa kakilala mo. Ipamukha mo sa kanila sa mga paliwanag mo na kapag sumali sila at nagbayad ng ganitong amount e makakakuha sila ng ganoong kalaking pera pagkatapos ng ilang araw o buwan. At dahil mas nakikita ng mga Noypi ang resulta (raw) at madaling mabulag sa dami ng zero, sasali siyempre ang mga kaibigan o kakilala mo. Pagkatapos n’un, sabihan mo pa sila na maghanap ng miyembro. Sa bawat mahihikayat nilang miyembro e may dagdag na bayad din ‘yon. Diyan magsisimulang lumaki ang itinatag mong grupo.

    Mas maraming miyembro, mas malaki ang kita mo. Mas maraming maloloko este mahihikayat, mas lalawig ang kumpaniya mo. Tapos mag-smuggle ka ng mga products na inaangkat dito sa atin saka mo palitan ang pangalan. Ito ay para may mga materyales ka para sa itinitinda kuno ng kumpaniya mo.

    At kapag nakuha mo na ang pinakahitik na kayamanan sa rurok ng itinayo mong kumpaniya, habang langung-lango ang mga miyembro mo sa kasaganahang (kuno) tinatamasa nila, bigla mo silang iwan at huwag na huwag ka nang magpapakita. Itakbo mo na ang mga pera nila! Hahaha. Para hindi ka mahuli, ipa-plastic surgery mo ang mukha mo para hindi ka na nila makilala saka ka mag-migrate sa ibang bansa.

    Sali ka na, laki-laki pera dito!

    5. Maging kriminal ka
    Mahirap na ‘to nang kaunti.

    Ang tinutukoy kong klase ng kriminal e ‘yung kanang kamay ng isang higanteng bossing, o hitman, o kasapi ng mga kidnap-for-ransom group o holdaper group. Mga gano’n, hindi ‘yung mga small time na snatcher o holdaper ng cellphone sa Recto. Kung gusto mo malaki ang kita, dapat big time rin ang pagiging kriminial mo. Sa konting skill at konting tapang lang, maaaring magkaroon ng isang milyon sa bawat kini-kidnap niyong biktima, pinapasukang mall o banko, o sa bawat papataying mong tao.

    Aba! Malaki kaya ang kita sa mga gano’n. Bukod sa magiging sikat ka na sa mga dyaryo, radyo at tv, palagi pang may humahabol sa ‘yong mga pulis para humingi ng autograph mo mula sa fingerprints mo.

    Bukod sa konting skill at konting tapang, kakailangan mo rin ng mga kasama para mas maganda ang magiging takbo ng inyong mga isasagawang plano. Dapat ding galante ang bossing mo para bigyan ka ng libreng bahay bilang hide-out.

    ‘Yun nga lang, baka mahirapan ka konti dahil kailangan mo parating magtago. Pwede ring mag-terorista ka. Libre pa training mo ro’n.

    Ayun! May intsik na bata! Kidnap-in na natin!

    6. Pumasok ka sa politika
    Eto, medyo pahirap na nang pahirap ang mga paraan pero habang pahirap nang pahirap e mas sigurado ang pagyaman este pagginhawa ng buhay mo.

    Kapalmuks raise to the infinite times naman ang kailangan mo rito bukod sa matamis (at matabil) na dila at super tigas na tupperware kaplastikan para kayanin ng tiyan mo ang mundo ng politika. Maganda rin kung may mga kamag-anak ka nang nakaupo sa pamahalaan. Kung hindi man, subukan mo munang maging baranggay tanghud este tanod saka mo unti-untiin ang pag-akyat hanggang makarating ka ng Mayor.

    Kahit sabihin mong malaki ang ilalabas mong pera kinalaunan, kapag nakaupo ka naman e sobrang sulit naman. Sobrang sulit hindi dahil mas makakatulong ka sa ibang tao kundi dahil mas limpak-limpak na salapi ang maaari mong ibulsa. Huwag kang mag-alala sa mga nag-aalsa laban sa iyo, sa mga kritiko mo, o kaya sa media, o kahit pa makakita ka ng mga pulubi sa bangketa, mga pamilya sa gilid ng ilog, mga batang di nakakapag-aral, mga adik na kabataan, mga magulang na walang matinong trabaho, huwag na huwag mo na silang alalahanin dahil tanging ang tax mula sa mga nagbabayad na taumbayan ang pakialam mo. Kaibiganin mo rin ang mga mayayaman at negosyante dahil malaki ang maiaambag nilang tax at “tulong” para mas palawigin pa ang kagustuhan mong yumaman este uli ginhawa.

    Higit sa lahat, ‘wag na ‘wag kang susuko. Ibig kong sabihin, ‘wag na ‘wag mong isusuko ang pwesto mo sa mga kalaban mo sa politika dahil kapag wala ka na sa pwesto, wala ka na ring mapagkukunan ng perang kailangan mo. Lalo na kapag naging pangulo ka ng bansa. Bayaan mo silang batikusin ka, wala naman silang magagawa e. Kapag may sumalungat sa ‘yo, ipapatay mo kaagad!

    Ang maganda pa sa ganitong klase ng paraan e bukod sa hawak mo ang buong bansa e hawak mo na rin ang mga jueteng at iba pang pasugalan sa bansa — kahit pagtitinda ng mga droga! O di ba napakaganda talagang paraan?

    Hala at mag-ipon ka na ng lakas para makatakbo ka na!

    7. Magtayo ka ng bagong relihiyon
    Napakarami ng sekta at relihiyon sa buong mundo pati rito sa bansa pero huwag kang mag-alala dahil kapag gumawa ka ng bagong sekta o relihiyon at samahan mo pa ng magandang acting, maeengganyo ang mga taong sumali sa relihiyon mo.

    Halimbawa, magpakita ka na napapagaling mo ang isang taong pilay o may malubhang sakit. Dasalan mo kunwari tapos biglang gagaling. Pero siyempre, dapat magalin ang acting mo at ng kasabwat mo para umubra sa mga taong manonood sa ‘yo.

    Pagkatapos gumawa ka ng isang tent o kahit sa bahay mo na lang. Sa bawat papasok na tao, kukunin ng sekretarya mo ang pangalan at tirahan at iba pang impormasyon saka papasok sa kwarto mo. Pagkapasok, batiin mo kaagad ang tao sa pangalan niya tapos kamustahin mo ang mga anak niya at asawa niya. Sa ganoon, maiisip ng tao na napakagaling mo dahil alam mo ang pangalan at pati tungkol sa mga anak niya. Mapapaniwala mo silang ikaw nga ang sugo. At para magawa mo ‘to, kailangan mong magkabit ng maliit na transmitter mula sa mesa ng sekretarya mo at meron kang receiver para naririnig mo ang mga impormasyon. O di ba ayos?

    Kapag nakarami ka na ng miyembro, humingi ka ng sampung porsiyento ng kinikita nila o kabuhayan nila. Humingi ka rin ng transaction fee, miscellaneous fee, entrance fee, membership fee, at iba pang kapi-fee-han.

    Kapag umabot na sa milyon ang miyembro mo, magtayo ka ng entablado sa isang lugar na pagdadausan ng inyong mga meeting, halimbawa sa Luneta. Tapos, magsimula ka ng magtinda ng mga panyo, damit, imahe, rosaryo, novena, payong, tuwalya, at kahit sabon kung gusto mo. Kikita ka d’yan panigurado dahil mahilig ang mga Noypi sa mga imahe.

    Huwag mo ring kalilimutang magdagdag ng mga kalokohan sa tuwing manenermon ka. Halimbawa, magpadala ka sa mga miyembro mo ng itlog. Pero huwag mong sasabihin ‘yun agad sa kanila. Dapat sa mismong araw na manenermon ka nang sa gayo’y walang dala ang mga kasapi mo. Saka ka ngayon magtayo ng maliit na sari-sari store na nagbebenta ng itlog! Panigurado, doon sila bibili dahil gusto ng mga tao ang magkaroon ng biyaya kaya madali mo silang maloloko. Kung hindi naman itlog e pugo. Hahahaha. Minsan, balut naman.

    Ang maganda rito, pwede ka pang magdagdag ng mga illegal na gawain na hindi ka mapaghihinalaan ng awtoridad dahil alam nila e banal ka. May mga tao ring magtatanggol sa ‘yo hanggang kamatayan kapag pinilit ka nilang huhulihin. Hindi mo na rin kailangang humarap sa husgado kapag nakuwestiyon ang kayamanan at ari-arian mo, di tulad kapag politiko ka. Sasabihin mo lang na biyaya ‘yan sa ‘yo. Hahaha.

    Kung mas suswertehin ka pa, baka masakop mo pa ang buong mundo dahil sa itinatag mong relihiyon!

    Samba ka na rito!

    Iyan ang sa tingin ko e mga epektibong paraan na mabilis na magbibigay sa ‘yo ng tagumpay. Mga paraan na garantisadong biglang-yaman ka. Biglang-yaman equals biglang-ginhawa.

    Magsikap? Magtiyaga? Magsipag? Magpursigi? Mangarap? Maging malinis? Peste, wala kang kahihinatnan diyan! Mauubos na ang dugo’t pawis mo pero hanggang matigok ka e hindi ka pa rin yayaman!

    Mahalaga ang yumaman. Mahalaga ang pera. Sa pera giginhawa ang buhay mo at ito ang sasagot sa lahat ng kalungkutan mo. Marami kang mabibili, bagay man o tao kapag marami kang pera. Pera ang nagpapaikot sa mundo. Ang oras ay pera. Kung walang pera, walang saysay ang buhay ng tao. Kung walang pera, magdusa ka sa hirap. Kung wala kang pera, wala kang kwentang tao. Kung wala kang pera, dapat maging alipin ka. Mga taong mapera lang ang may karapatang maging makapangyarihan at maging hari sa mundong ‘to.

    Pera ang kailangan para makapagpagamot ka sa ospital. Pera ang kailangan para makabili ka ng pagkain. Pera ang kailangan para makapag-aral ka, makamit ang hustisya, mabuhay ng disente, hindi kawawain ng iba, maging tanyag, maging makapangyarihan, maging nakahihigit sa iba. Pera ang pinakamagandang bagay na naimbento ng tao.

    Magpayaman ka lang. Wala ka namang pakialam kung maghirap at magpatayan ang mga tao sa labas ng mansiyon mo. Ang mahalaga, maginhawa ang buhay mo, mayaman ka, at mas lalo pang yumayaman.

    -The Angel of Greed

    (original date posted: 2010)

     
    May 8th, 2011 by  korny



  • Book Review: The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

    Entertainment news
    Though I usually begin with a general feel of the novel, this time, I opted not to. Because this book’s outstanding quality, which practically made it a classic, is its subjectivity. Read more..
  • TamBayan Poll: 54% expect DLSU to win the 74th UAAP women’s volleyball tournament

    From a total of 255 online votes at the Tamaraw Bayan community poll from site visitors (not necessarily registered users) initiated last December 1, 2011, a total of 97 votes were ast that they think.. Read more..
  • TAMBayan Book Club

    Entertainment news
    To all bookworms and 'dog-earing' addicts out there: What do you think of having a TamBayan book club? My broad idea of a book club is members share their thoughts about a certain book.. Discuss..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    Best Website for Community & Portal at the 12th Philippine Web Awards.