Mga BEKKY
June 14th, 2009 by davismarcruizPara sa atin ang tulang ito
na tumatalakay sa buhay ko at mo.
Sana sa bawat stanza ay maipahayag
ang tunay na dahilan ng ating paglalayag.
“Ayoko ng effem,” sabi ng ka meet ko
dahilan nya “kasi discreet ako.”
Kung alam ko lang mas malandi pa eto sakin
magpakagago man sya sa pagkilos halata parin.
Madalas itatago ang tunay na sekreto
sapagkat baka umatras kapag inamin ko.
Sayang naman ang paga-unlimited text
kung sa huli ala rin namang sex.
Kanina may na-meet na naman ako
deskripsyon niya siya’y chinito.
Meron pa, siya daw ay maputi at muscular
‘di pala, nasayang lang punta ko harhar.
Dumating si Mr. Right sa buhay ko
siya’y safe at ‘di peligroso.
Naging masaya ako ng unang buwan
dahil lagi ko painaglalaruan ang kanyang kuwan.
Dumating sa point na nagsawa na siya
naramdaman ko gusto nya na ng iba.
Sino ba naman ako para pigilan siya?
Alam ko na aalis ka rin “masaya ka na?”
Oo bitter ako noon
mahirap kasi maka move-on.
Ayoko ng umasa
kaya heto ako’t nagpapakasaya.
Pero artipisyal lang yun
tanga ako kung ganun.
Umaasa nalang ako sa kanya
malay ko bumalik siya at maisipan niya.
Kung binabasa mo ang tulang ito
sana’y nakatulong ito sa’yo.
Magising sa katotohanan at malaman
mas masaya ang magpakatotoo kaninuman.










