Kathang Isip
April 27th, 2009 by kananginissa buhay ng isang tao, may buhay at wala.
kahit anong iyong naisin ay makikitang walang ibang nangyayari kundi ang makita ito o mawala. ang lahat ng nararamdamanan ng isang tao ay isa lamang kathang isip na likha hindi ng isip kundi ng Maykapal.
saan nga ba napupunta ang lahat ng nararamdaman ng tao?
ang alam ko lang, lumalabas ito sa butas ng ilong at pumapasok sa bunganga na humahagod sa lalamunan patungo sa baga ng tao.
kadalasan ng hawak mo ay hawak na ng ibang tao. at ang hawak mo na hawak ng ibang tao ay hawak ng isa pang ibang tao. at ang hawak mo na hawak ng ibang tao na hawak ng isa pang ibang tao ay hawak din ng marami pang ibang tao. Ibig sabihin, ang hawak mo ay hawak ng marami pang ibang tao na maaaring kilala mo o hindi. mayroon ding humahawak na kathang isip lamang. gayun pa man, huwag kang madamot! dahil kapag hinatak mo ang hawak mo para hindi mahawakan ng iba ay mabubulabog mo ang iba pang may hawak. sige ka. nag-iisa ka lang, marami sila! malay mo, isa ako doon?
kapag sinabi ba na kathang isip ay katha talaga ito ng isip? masasabi mo bang katotohanan ito o pawang kalokohan lamang?
hindi mo pwedeng sabihing kalokohan lamang ang isang katha ng isip!
hayaan mong dumaloy ang dagat, at hahayaan ka din niyang mamayagpag sa lupang iyong inaasam. iyan ay isang kathang isip na masasabi mong katotohanan ngunit isang ulap lamang para sa mga taong hindi alam ang dagat.
nawala ka na ba sa isang kwarto?
ako, madalas nawawala……..pati ikaw. alam ko, nawala ka na minsan sa tanaw ng buhay mo sa apat na sulok ng kwarto mo. kahit na gaano kalaki o kaliitt, kaliwanag o kadilim, kainit o kalamig, kabango o kabaho, mawawala at mawawala ka sa loob niyan. hindi ko masasabi kung kelan. dalawa lang ang sigurado ko. mawawala at mawawala ka diyan, at sa isang lugar lamang, sa sarili mong kwarto.
kathang isip?
marahil oo, marahil hindi.
pero ang mga bagay na katha ng isip ay nagmula sa katotohanang nagmulat sa atin para lumikha ng mg imahinasyon na lumulutang sa kalangitan ng bawat daigdig na kinabibilangan natin, sa bawat hangin na nilalanghap natin at bumubuhay sa atin.
iyan ang katha ng isip.
isa ka dun sa kathang isip. ako, ikaw, sila, tayong lahat. kathang isip.










