Ito ang Katotohanan!
November 15th, 2008 by CJMay pagbabago pa kayang mangyayari sa ating bayan? Paulit-ulit lang ang nangyayari sa lipunan! May nagproprotesta/ nagrarally, may mga ipinaglalaban ang mamamayan na hanggang ngayon ay di matapos-tapos. Ilang dekada na ang nakalipas ganito pa rin ang ginagawa, pilit na ipinaglalaban ang kanilang kagustuhan, ngunit nakikinig kaya ang gobyerno? o sadyang bingi at bulag ang pamahalaan o di kaya walang kabuluhan para sa gobyerno ang ipinaglalaban ng mamayan.
Tuwing nakikita ko ang mga raliyista sa Morayta, minsan pumasok sa isipan ko kung bakit nila ginagawa ito, ano kaya yung mga ipinaglalaban nila? May kabuluhan ba ang mga ipinaglalaban nila? Minsan ang tingin ko sa mga studyante at ang ibang mamamayan na lumalaban sa gobyerno ay rebelde. Wala naman akong nakikitang mali sa pamamalakad ng ating pamahalaan. Naririnig ko sa mga sigaw nila ang: “Pabagsakin si Gloria”, anu bang maling ginawa ng ating pangulo? Pipinilit nilang sinisi ang pangulo sa mga kurapsyon na nagaganap sa lipunan, ang kahirapan na nagaganap sa kasalukuyan at ang pababa ng ating ekonomiya.
Ang katotohanan sa likod nito ay mismo sa atin nagsisimula ang kurapsyon, dahil sa mga may kapangyarihan na sakim sa salapi at sakim din sa kapangyarihan.

This work, unless otherwise expressly stated, is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Most commented









November 15th, 2008 at 1:45 am
baliw ka ba?!
anyway opinyon mu naman yan
November 16th, 2008 at 6:22 pm
My point k din, kaso ayusin mu lng konti ung ibig mung sbihin
November 16th, 2008 at 11:22 pm
labo ng author na to papalit palit ng info
November 23rd, 2008 at 6:52 pm
cno pwdng mgng bf hehehe