Ikaw
May 10th, 2009 by andoymanIkaw na pinakamagandang babae sa lahat,
Ang siyang may pinakamagandang ngiti,
Ang siyang may pinakamainit na yakap,
Ang siyang sa lahat ay bukod-tangi.
Ikaw na lubos-lubos kaming mahal,
Na nagtutuwid sa ‘ming pagkakamali,
At nagagalak sa ‘ming mga tagumpay,
At siyang sa amin ay nagluwal.
Ikaw na para sa ‘min ay sobra ang tinitiis,
At sa gabi’y itinatago ang bawat pagtangis.
Ikaw na tumuturing sa amin na kayamanan,
At lubos kaming pinahahalagahan.
Ikaw na unang nagturo ng ABAKADA,
Na ‘pag umuulan, kami’y iyong kinakarga,
Na ‘pag walang ilaw, kami’y ‘yong pinapaypayan,
Na ‘pag kami’y umiiyak, iyong pinapatahan.
Ikaw na bukod tangi sa lahat,
Walang papantay, walang hihigit pa,
Mahal na mahal po kita,
Maraming maraming salamat po Ina!
(HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG NANAY!!!
sana umabot pa ‘tong tula ko…
)










