Habambuhay?
September 5th, 2008 by Jan SuingMainit ang sikat ng araw ngunit hindi naging dahilan ito upang humupa ang malakas na hangin na walang tigil sa paghampas sa aking itim at mahabang buhok. Halos matakpan ng aking buhok ang aking mukha na noo’y nababalot ng likas na kalungkutan. Kalungkutang noon ko lang nadama simula ng makilala ko siya. Wala ngang salitang ‘habambuhay’. Sinungaling ka talaga, Jess. Ikaw ang nagturo sa akin ng kahulugan ng salitang ‘habambuhay’ at ikaw din ang nagpasinungaling sa kahulugan nito.
“Duh? Jess, there is no such thing as ‘forever’!” Talak ko ng malakas habang kami’y nakaupo sa cafeteria ng aming eskwelahan, “Every beginning has an end.”
“How will you explain a circle? Does it have a beginning or an end? Wala di ba?” Sumbat niya.
“Of course it does have! Kung saang parte mo unang sinimulan ang pagguhit ng bilog, yun ang umpisa. And its beginning also serves as its ‘end’. Parang love yan. Nagustuhan mo siya dahil maganda siya or gwapo, that’s when you begin to like the person. Pero when the time comes na nawawala na yung kagwapuhan o kagandahan niya, the end of your love is nearing.”
“So if that’s your assessment of the words ‘love and ‘forever’, you do believe that our friendship has an end?” tanong niya.
Napaisip ako ng malalim. Ayaw kong sagutin ang kanyang tanong dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Humirit na lang ako ng: “Let’s change the topic na nga lang! Basta sa bokabularyo ko, walang salitang ‘habangbuhay’!”
Kami ay nakaupo sa madamong parte ng aming akademya na nilililiman ng isang puno. Wala akong naririnig na ingay kundi ang malungkot na hampas ng hangin sa lahat ng bagay na matamaan nito. Walang tigil sa pagtagaktak ang aking pawis kahit sobrang lakas ng hangin. Ang karimlan na nararamdaman ko sa kaibuturan ng aking puso ang kumakain sa aking pagkatao ng unti-unti.
Panay ang punas ko sa aking noo gamit ang aking puting panyo. Sana’y ganito rin kadaling tanggalin ang pagdurusang kasalukuyang pumapatay sakin. Ibinaling ko ang aking mga mata sa kanya. Ako’y bumugtong-hininga. Wala parin siya kibo. Blanko ang kanyang mukha. Tunay nga bang siya’y manhid? O ayaw lang niya akong higit na masaktan pa?
“Graduation na next week,” ang sabi ko, “Sa wakas, matatapos na rin ang high school.”
Tumango lang siya.
“Ano? Hindi ka ba magsasalita?”
Katahimikan. Muling binalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman na gusto nang kumawala kanina pa. Hinarap ko siya na may sarkastikong ngiti sa aking mukha, nang-aasar.
“Sinungaling ka, Jess. Pinaasa mo lang pala ako. Ok lang, wag kang mag-alala. Di ako gaanong nasaktan.”
“Hindi ko sinasadya,” sagot niya.
“You didn’t mean to? Grabe ka ha. Hindi ko alam na ganyan ka pala kasinungaling.”
“Janna, pasensya na talaga.”
“Ok lang nga, ang kulit mo naman. Sino ba ako para pigilan ka?”
Pinipigilan ko ang pagtulo ng aking luha. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harapan ni Jess. Ayokong isipin niya na mahina ako. Ayoko. Itinatago ko ang aking kalungkutan sa likod ng sarkatiko kong ngiti.
“Janna, mag-isip ka ng paraan. Paano tayo magkakasama? Pano kung sabihin ko sa parents ko na hindi ako nakapasa sa UP?”
“In short, magsisinungaling ka na naman?Ayokong mapunta ka sa impiyerno ng dahil sakin no.”
“Ok lang na mapunta ako sa impiyerno kung ikaw naman ang kasama ko sa buhay ko dito sa mundo,” sabi niya na may nakakatuksong ngiti sa kaniyang mga labi.
“Aba, bolero pa.”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya ngunit hindi pa rin maalis ang lungkot na aking nararamdaman sa tuwing maaalala ko ang mangyayari.
Lumapit ng bahagya si Jess sa ‘kin. Inilayo ko ang aking pagkakatitig sa kanya.
“Janna, thank you ha.”
Nagpakawala ako ng sarkastikong halakhak.
“Ano to, Jess? Para ka namang mamamatay na. Galit pa rin ako sayo. Sinungaling ka kasi.”
Tinapik ko ang kanyang balikat, “Sinungaling.”
Linakasan ko ang pagtapik, “Sinungaling.”
Hanggang sa hindi ko na makayanan at pinalaya ko na ang mga luhang kanina pa gustong kumawala mula sa aking mga mata, “SINUNGALING!”
Pinahid ni Jess ang aking mga luha ng kanyang panyo. Pinilit kong itulak si Jess papalayo sa kin ngunit ako’y kanyang yinakap ng mahigpit na mahigpit.
“Wag mokong hawakan!”
“Ayoko!” sigaw niya.
Muli kaming tumahimik. Pinakawalan niya ang aking katawan mula sa pagkakabigkis nito sa kanyang mga braso.
Patuloy pa rin ang mga hampas ng hangin.
Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha.
Patuloy pa rin ang pagkain sa kin ng kalungkutang idinulot ng lalaki sa aking tabi.
“Janna, ano na?”
Winakasan niya ang katahimikan, “Mag-isip ka na ng paraan. Gamitin mo ang talino mo, Ms. Valedictorian.”
“Feeling mo naman ganun kadali iyon.”
“Hindi ba?”
Hindi lang niya alam. Naramdaman ko na ako na ang pinakabobong tao noong mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang hirap na aking naranasan habang parang ‘wala lang’ ang lahat sa kanya.
Mabait na kaibigan si Jess. Siya lang ang nakakaintindi sa akin kaya parang namatay ako ng nalaman naming nakapasa siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Marahil ay ayaw lang masayang ang mga oportunidad na naghihintay sa kanya dun. Matatagpuan ang tunay na buhay sa Maynila, hindi dito sa probinsiya. Naiinggit lang ba talaga ako dahil siya lang ang tanging nakapasa ng UPCAT sa aming batch samantalang Salutatorian lamang siya at ako ang Valedictorian? Inggit lang ba itong nararamdaman ko?
HINDI.
Mahal ko si Jess higit pa sa aking buhay. Kaya kong isakripisyo ang lahat sa kaniya pati na ang aking mataas na pride. Pinuno ni Jess ang mga kakulangan ng aking pumanaw na ama. Nagsilbi siyang tagapagtanggol ko. Sa kaniya ko ibinubuhos ang lahat kapag ako’y may malalim na problema. Mahal na mahal ko si Jess, higit pa sa pagmamahal ng isang kasintahan. Ayokong mahiwalay sa kaniya. Ikamamatay ko iyon.
“Jess, Sigurado ka na ba talaga?” Humagulgol ako ng iyak, “Kausapin mo naman ang parents mo, o, please. Maiinitindihan naman nila siguro ang nararamdaman mo. Sige na naman. Madami pa tayong pagsasamahan, Jess. Ayokong magkahiwalay tayo. Kung si Mama naman ang kakausapin ko, hindi papayag yun. Gusto talaga niya dito lang ako sa Pampanga. Ayaw niya sa
Manila. Kesyo, pangit daw ang ‘atmosphere’ dun, marami daw masasamang tao. Makitid ang utak ni Mama, Jess. Hindi niya ako maiintindihan.”
Tumitig sa akin ang mga bilog na mata ni Jess, “Ang drama mo naman.”
“Pucha, Jess, Hindi ako nagbibiro! Anong gusto mong gawin ko? Itapon lahat ng pinagsamahan natin!?”
Sobrang lakas ng ulan ng araw na iyon. Wala akong dalang payong. Basang-basa na ako. Maginaw ang paligid. Wala akong magawa kundi ang maupo sa lilim ng isang puno. Naghihintay ako na humina kahit kaunti ang pag-iyak ng langit.
Dumaan ang isang grupo ng mga mag-aaral sa aking harapan. Mga kaklase ko pala sila. Tig-isa sila ng dalang payong. Sa wakas, may masasabayan narin ako.
Tumayo ako, pinulot ang aking bag at tumakbo ng mabilis papalapit sa isa sa kanila. Napahinto sila sa paglalakad sa di ko malamang dahilan. Napatitig sila sa kin. Pinagtaasan ako ng kilay ni Mary.
“Anong ginagawa mo?” Supladang tanong niya.
“Mary, pwede ba akong sumabay? Late na kasi. Baka pagalitan ako sa min. Wala pa naman akong dalang payong. Please?” Pagmamakaawa ko.
“Bakit di mo gamitin ang talino mo?” Hinarap niya ako sabay tulak sa kin papalayo sa kaniya.
Napaupo ako sa maputik na daan. Natalsikan ng putik ang aking mukha.
Pinagtawanan nila ako ngunit wala akong magawa. Sila, may payong, ako, wala. Sila, tuyo, ako, basa. Sila, marami, ako, mag-isa lang. Muli akong tumayo, dinampot ang aking bag habang sila’y nakatitig pa rin sa kin na may nang-iinis na ngiti sa kanilang mga mukha. Naglakad ako pabalik sa lilim ng puno. Nagpatuloy na rin sila sa kanilang paglalakad. Ako’y muling naiwang mag-isa.
Napaisip ako ng mga sandaling iyon. Masama ba ang aking ugali? Bakit wala akong kaibigan?
Nagulat ako ng biglang tumigil ang pagpatak ng tubig sa aking kinauupuan. Tumingala ako at nasilayan ang napakaamong mukha ng isang lalaking may dalang itim na payong. Pamilyar siya. Hindi. Kilala ko siya.
Siya si Jess.
“Sinabi ko bang gawin mo iyon?” wika niya.
“Parang ganun na rin yun.”
“Pwede mo pa rin naman akong I-text ah! Tawagan…Puntahan!”
Napailing ako at napatitig sa kanya, “Iba pa rin pag magkasama tayo. Iba pa rin pag lagi kong hawak ang kamay mo.”
Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. Tumingala ako upang titigan siya. Shit.
Dugo.
“Oh my God,” Napatayo din ako, “Your nose is bleeding! Wait, punasan ko ng panyo ko.”
Idinampi ko ang aking puting panyo sa bandang itaas ng kaniyang mga labi, “Ikaw naman kasi e, naisipan mo pang dito tayo mag-usap e ang init dito.”
Naging matamlay ang kanyang mukha na tila may kung anong iniisip na mabigat.
“Ok lang ako, Janna.”
“Are you sure? Let’s go to the clinic.”
“I said ‘I’m ok.” Malamig na sabi ng kanyang boses.
“Jess, is there a problem?”
“Uuwi na ko, tutal, tapos ma rin naman ang practice.”
Hinila ko ang kaniyang kamay bagi siya makaalis.
“Jess,” yinakap ko siya, “Please, stay.”
Kinabukasan, magkasama kami sa loob ng isang fastfood chain sa plaza. Nakaupo kami, magkaharapan. Mabigat pa rin ang aking nararamdaman. Malapit na kaming maghiwalay ni Jess. Gusto ng Mama ko na dito lang sa probinsiya ako mag-aaral samantalang si Jess ay mag-aaral sa Maynila. Hindi ko kakayanin yun. Nakapag-survive ako ng high school dahil kasama ko siya. Siya lang ang tangi kong kaibigan. Inaamin kong hindi ganun kaganda ang aking pag-uugali kaya bilang lang ang mga nakakasundo ko. Ngunit iba si Jess. Siya lang talaga ang nakapagpabago sa kin. Siya lang ang nakapagpasensya sa kin. Kapag may problema kami ni Mama ay siya lang ang aking tinatakbuhan kaya how on earth am I going to live without Jess!?
“Jess, ang pangit mo today,” sabi ng aking prangkang bibig, “Ang lalim ng eyebags mo! Hindi ka ba natutulog?”
“Janna, I’m leaving.”
Nagsimulang pumintig ng mabilis ang aking puso.
“So you made me go all the way here just to tell me that? Are you intentionally trying to hurt me? ‘Cause if you do, you’re successful.”
“It’s not like that, Janna. Akala ko ba napag-usapan na natin to?”
“Oo nga. Hindi ko naman sinabing ayos na ang lahat, di ba?”
Napangiti siya.
“Para kang bata.”
“Jess, hindi na ako nakikipaglokohan. Tutuloy ka ba o hindi? Ako o ang Maynila?”
“Pinapapili mo ba ako?”
“Isn’t it obvious?” sarkastikong sabi ko.
Tinitigan ako ni Jess:“Are you really THAT selfish?”
“Wow! Jess! Perfect score! Ang galing mo talaga! Si Janna ata may isang mistake.”
“Tsamba lang,” napangiti si Jess sa kausap na kaklase, “Magaling pa rin talaga si Janna.”
Tahimik ako ng mga panahong iyon. Bakit? Naiinggit ako. Hindi ako maaring magkamali. Kailangan lagi akong mas mataas kay Jess dahil Salutatorian lang siya at ako ang Valedictorian. Linapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
“Wow, best friend! Ang galing mo talaga! Flawless! Patingin nga!”
Iniabot niya sa akin ang kanyang papel. Tumayo ako at bumalik sa aking silya. Sorry, Jess. Sorry.
Bumalik ako sa kanyang tabi. Kinakabahan, Nabibigatan ang loob.
“Jess, look at this. Feeling ko nagkamali si Ma’am sa pagtse-check ng paper mo. Di ba it should be ‘T’ instead of ‘F’?”
Nagitla si Jess. Batid sa kanyang mukha ang pagtataka.
“O-Oo nga no.” wika niya.
“Hayaan mo na,” ang sabi ko, “Baka bumaba pa ang grade mo pag sinabi mo kay Ma’am.”
Biglang tumayo si Jess at naglakad papalapit sa teacher’s table. Nakita kong may itinuro si Jess sa kaniyang papel at tumango ang aming guro.
“Class, let me have your attention,” wika ng guro, “Nagkamali ako sa pagtse-check sa paper ni Jess. May isa siyang mali. Pero… due to his honesty, ibibigay ko na lang na bonus sa kaniya iyon. Tularan natin siya, class. He’s a perfect picture of a good student.”
Natigilan ako. Am I selfish? Maybe. Kasalanan bang pigilan ko ang aking best friend mula sa kanyang paglisan? Hindi ba maiintindihan ng Diyos na di ko kayang mabuhay ng wala siya? Ganito na ba talaga ako kasama?
“Janna, sorry. Hindi ko sinasadya.” Sabi niya habang hawak ang kamay ko.
“Ok lang. Tama ka naman e. I’m damn selfish. Kaya nga wala akong kaibigan e. Meron nga, kakumpetensiya ko naman.”
“Janna, I’m not your competitor. I’m your best f – “
“Oo na,” di ko siya hinayaang matapos, “Umalis ka na.”
Hinila ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak.
“Janna, ayokong maghiwalay tayo ng ganito.”
“UMALIS KA NA, JESS,” lumamig bigla ang aking boses, “Actually, umpisa pa lang, ok na talaga sa kin na sa Manila ka mag-aral. Drama lang yung kunwaring pagpigil ko. Nagkukunwari lang ako na importante ka sa kin. Nagkukunwari lang ako na nasasaktan pero sa totoo lang masaya ako na aalis kana. At least, sure na ko sa mga Academic Recognition na makukuha ko sa college dahil wala ka na. Wala nang threat para sa kin. Isa pa, naiinggit lang talaga ako sayo kasi pumasa ka sa UP, at Diliman pa! Yan lang ang reason ko kung bakit nag-iinarte ako ng ganito.”
Bakit? Bakit ko nasabi ang mga iyon gayong alam ko naman na walang katotohana ang lahat ng sinabi ko? Mas sinungaling pala ako kaysa sa kanya. Nasaktan ako. Sobrang sakit. Hindi niya yun maaaring makita.
“Tsaka, sino ka ba?” pahabol ko, “Best friend lang kita.”
Halatang nasaktan si Jess sa mga nasabi ko. Naluluha ang kaniyang mga mata. Gusto niya humagulgol sa labis na kasakitang aking idnulot. Ngunit matapang si Jess. Ayaw niyang makikita ko siyang umiiyak. Gusto niyang tumatak lagi sa utak ko na hindi maaaring umiyak ang aking tagapagtanggol. Mahal ako ni Jess at sigurado ako dun.
“Jess, I’m giving you up.”
“What do you mean, Janna?”
“Simple lang. Alam ko naman kasi na makakalimutan ko rin lahat ng pinagsamahan natin e. Hindi naman ganun kahirap kalimutan ang mag iyon. Believe me. Ikaw din ha. Kalimutan mo na si Janna. Kalimutan mo na ko.”
“Never, Janna. Habambuhay tayong magkaibigan. Bumitaw ka man ngayon, alam kong bukas hahanapin mo rin ako at lahat ng mga alaala natin, Janna. BELIEVE ME. Habambuhay na mananatili si Jess sa puso mo at ganun ka rin sa puso niya. Hindi ka mabubura dun. Mamatay man ako bukas, Janna, dadalhin ko pa rin sa langit ang ating mga alaala. Ikukwento ko sa Diyos kung gano kasarap mabuhay ng kasama ka. Sasabihin ko sa kaniya na hindi ka mahirap mahalin,” nag-umpisang tumulo ang luha ng mahal kong si Jess, “Ikukwento ko sa Diyos ang lahat ng tungkol sayo. Ikukwento ko na takot ka sa butiki. Ikukwento ko na – “
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha, “SHUT UP, JESS! I don’t want to hear those words!”
Napatingin sa amin ang lahat ng tao na nasa loob ng kainang iyon.
“Ikukwento ko na minsan ka ng nahuli ng Mama mo habang nanonood ka ng porn,” napangiti siya sa kaniyang pagpapatuloy, “Ikukwento ko lahat yan, Janna. Kasi ayokong mabura ang lahat ng yan sa isip ko. Habambuhay tayong magsasama.”
Tumakbo ako. Hindi ko pinansin ang lahat ng mga matang nakatitig sa akin. I ran without knowing where to go. Gusto ko lang umalis sa kaniyang tabi upang hindi na ko masyadong mahirapan sa pagpapalaya sa kaniya. Rumagasa ang aking luha na parang tubig na nakahanap ng kanyang dadaluyan. Bumitaw. Mahirap ngunit kailangan.
“Sa mga sumunod na araw, wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya. Umalis na raw sila patungong Maynila. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag sa kanya. Hindi ko man lang nasabi na walang katotohanan lahat ng masamang sinabi ko. Nasaktan ko siya ng sobra. Araw-araw akong umiiyak. Araw-araw hanggang sa dumating ang araw na ito, aking mga kamag-aral, ang ating graduation. May natanggap akong sulat mula sa kanya kaninang umaga at nais ko itong basahin sa harap ninyong lahat bilang bahagi ng aking valedictory speech. Ito ang unang pagkakataong mababasa ko ito:
Jana,
Patawarin mo ako. Hindi man lang ako nakapagpaalam sayo. Patawarin moko dahil hindi ko natupad sayo ang pangako kong magkakasama tayo ngayong kolehiyo. Hindi natin hawak ang panahon at ang ating mga buhay, Janna. May mga bagay talaga na hindi pwede. Pero hindi ibig sabihin nun na walang ‘habambuhay’. Sabi mo, hindi totoo ang salitang ‘habambuhay’. Ang sabi mo, ang lahat ng nag-uumpisa ay nagtatapos.
Mali ka, Janna, mali ka.
Physical things do fade – beauty, even a picture. But the memories? Never. The connections that we have established between us? Never. The love that we have for each other? Never.
They will linger forever…
Even in the midst of death.
Janna, I’m a goddamn liar. Pumunta ako ng Manila hindi dahil mag-aaral ako dito. Janna, I went here to get far away from you. I’m here because –
Huminto sa pagbabasa si Janna. Nanlambot siya sa entablado habang ang kanyang mga kamag-aral ay taimtim na nakikinig sa kaniya. Tumulo ang kanyang luha sa kanyang natuklasan. Nabitawan niya ang liham na nagmulat ng kaniyang mga mata sa masaklap na katotohanan.
Muli, siya ay tumakbo.
Sinsabi ng kaniyang puso na kailangan niyang mahanap ang kaniyang matalik na kaibigan. Umulan ng malakas ngunit hindi niya ito alintana. Hinayaan niyang mabasa siya ng ulan at mahugasan siya kasama ang mga alaala nila ni Jess. Ngunit hindi ito maaari, at alam niya iyon. Mananatili ang mga iyon sa kanya habambuhay.
I’m here because I don’t want you to see me suffering. Janna, malapit na akong mawala. Hindi na raw mapigilan ang paglaganap ng kanser. Huli na ng nalaman namin ng parents ko. Jana, I’m dying. That’s the reason why I don’t want you to see me. Ayokong mahirapan ka sa paghihiwalay natin. Gusto ko, yung masayahin na Jess ang maalala mo sakin. Babaunin ko lahat ng mga alaalang pinagsaluhan natin, At tulad ng sabi ko, makikipagkwentuhan ako sa Diyos. Ikukwento kita sa kanya. Kung gaano kasarap mabuhay ng kasama ka. I love you, Janna. Congratulations. I’m proud of you.
Jess
Tumakbo. Yun lang ang nagawa ni Janna. Tumakbo siya na dala ang katotohanag wala na ang kaniyang matalik na kaibigan. Tumakbo siya habang sinasariwa niya sa kanyang isip ang mga maliligayang alaala nila ni Jess.
Wala na si Jess.
Wala na siya.
Wala na.
“Jess, I’m starting to forget your face, your smile, the softness of your hair, the warmth of your embrace. Totoo ba talaga ang salitang ‘habambuhay’?”

This work, unless otherwise expressly stated, is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Most commented






September 5th, 2008 at 9:15 pm
nice. it is a long story but it was indeed full of emotions. it is very descriptive, the settings were very well detailed. ayos ang characters. ayos ang story. :D
September 7th, 2008 at 11:00 am
really nice, it’s a wonderful story, dramatic and meaningful..
very well made.. I hope to read your next story..
so interesting.. more power to you..
September 7th, 2008 at 3:32 pm
nice jan nice article kip up… tams up
September 9th, 2008 at 5:07 am
This story made me cry! Ang ganda ng story mo Jan. I love it. Ü Keep it up. Gawa ka pa madami, ayos! Ü
September 12th, 2008 at 9:39 pm
Wow. Naks naman. Very profound and nostalgic. I’m so looking forward to your next stories. . .
?September 13th, 2008 at 6:38 pm
salamat sa mga comments!!! ^_^
?September 14th, 2008 at 9:31 am
huhuhuh…
dats all i can say…
September 14th, 2008 at 9:39 am
Ang swerty mo jana may kaibigan ka na katulad ni jess.
September 14th, 2008 at 11:06 am
napakahusay mu kuya! haha. go tamaraws! ü
September 15th, 2008 at 7:42 pm
wow! galing .. muntik nqo mpa.iyak.. !:D , nice! heart-warming stroy ..!^^
kip up d gud work ..!
October 12th, 2008 at 2:44 pm
J.S. nakita pic natin dun sa header ^_^) yung sayo sobra linaw hehe
sakin putol
?October 23rd, 2008 at 8:42 pm
wow! suing ang galing ahhh!
thumps up!
wow! clasm8 ko yn.. hahaha
Godbless!!
October 24th, 2008 at 1:27 pm
hahaha salamat leven!!!
?