Finding Hye Kyo
April 5th, 2009 by Jan Suing
Tinakpan ko ang aking mga mata upang hindi ako masilaw sa sikat na araw na tumatagos sa screen ng aking bintana. Ngunit takpan ko man ang mga ito, alam kong hindi pa rin mawawala ang nakakasilaw na liwanag na dala ng araw sa kalangitan. Darating pa rin ang panahon na dapat kong tanggalin ang aking kamay na naghihiwalay sa ‘min at harapin ito.
Nagpagulong-gulong ako sa aking kama. Ayoko pang bumangon ngunit ginigising na ‘ko ng malakas na alarm ng aking cellphone. Hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako. Nagulat na lang ako ng tila bigla akong nahulog mula sa isang walang katapusang bangin at naiwan ko ang aking puso sa lupa. Medyo malakas ang kalabog na nilikha ng aking katawan pagbagsak nito sa sahig. Hinimas-himas ko ang aking pwet dahil ito ang unang lumapat sa malamig na tiled floor. “Salamat po sa gravity,” nabulong ko na lang sa ‘king sarili.
“Aling Pai, pabili po ng tinapay.”
“Pandelemon ba, Mon?” sagot sa ‘kin ng tindera ng sari-sari store.
“As usual.”
“Magkano?”
“Sampung piso po.”
Inabot niya sa ‘kin ang isang plastik ng tinapay. Inabot ko sa kanya ang isang baryang sampung piso. Naglakad na ‘ko pabalik sa apartment. Bigla akong nakadama ng pangangati sa isang pisngi ng aking pwet. Ipinasok ko ang aking kaliwang kamay sa aking short at brief. Kinamot ko iyon ng kinamot.
“Hanep a,” sabi ng lalake sa aking likuran, “makati na naman ba pwet mo?”
Si Rico.
“Gago.”
“Biro lang,” sagot niya, “pakopya naman ng assignment sa Rizal.”
“Wala pa. Mamaya na lang.”
“Damot naman. Pahingi nga akong tinapay.”
“Bumili ka ng iyo. Hindi ako bumili para ipakain lang sa’yo.”
“Taray mo a.”
Naglakad ako papasok sa malaking gusali. Panay pa rin ang buntot ni Rico. Pinindot ko ang buton ng elevator. Bumukas ito. Hinintay kong lumabas muna ang lahat ng mga tao sa loob at pagkatapos ay pumasok na ‘ko. Sumabay din si Rico. Pinindot ang ang buton ng 9th floor. Dumulas pasara ang pinto.
“‘Di ba 5th floor ka lang?” tanong ni Rico.
“Hindi ako bababa ng elevator hanggat hindi ka bumababa.”
“Ang taray mo talaga.”
Pumatlang ang katahimikan. Nakatingin ako sa stainless na sliding door ng elevator at naaaninag ko ang repleksyon naming dalawa ni Rico. Ang dalawang lalakeng noo’y magkatabi sa pag-akyat, ngayo’y ilang milya na ang layo mula sa isa’t isa. Pinagmasdan ko ang distorted na mukha ni Rico. Nalungkot ako.
“Mon, mahal pa rin kita.”
Natigilan ako. Dali-dali kong sinikil ang buton para sa 5th floor. Huminto ang elevator sa 5th floor. Bumukas ang sliding door.
“Paglabas ko ng elevator, ‘wag ka ng sumunod.”
Tumakbo ako palabas hanggang sa corridor. Umalingawngaw ang mga yabag ng aking pagtakbo. Tumigil lang ako ng marinig kong sumara ang elevator. Tumalikod ako. Hindi ko na makita si Rico. Niyakap ko ang isang plastik ng pandelemon na hawak ko. Napaluhod ako. Hindi ko lang alam kung may nakarinig sa mga hagulgol ko nang oras na iyon.
Inilapag ko sa harapan ng TV ang isang mangkok ng pansit canton at ang binili kong isang plastik ng padelemon. Umupo ako at kumuha ng isa sa mga tinapay. Binuksan ko ‘to sa gitna at pinalamanan ng pansit canton. Ibinuka ko ang malaki kong bunganga at kinagat ito. Kinuha ko ang remote ang binuksan ang TV.
“…Nasa Pilipinas ngayon ang sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo upang i-shoot ang kanyang pelikulang ‘Finding Love’. Kasama niyang lumapag sa bansa kanina ang ilan pa sa mga pinakasikat ng aktor at aktres ng Korea. Kung maaalala natin, si Song Hye Kyo din ang bida ng mga hit na Koreanovelang All In, Autumn In My Heart at Full House…”
“Wow. Ang galing naman.”
****
“O, ano Mon? Tuloy ba tayo mamaya?” tanong ni Kat.
“Oo naman. Hay naku. Mapupuyat na naman ako.”
“Doon ka na lang kasi sa ‘min matulog. Feeling ko late na tayo matatapos e.”
“‘Wag na. Nakakahiya naman kina Tita Ester.”
“Asus. Kapal nga ng mukha mo e.” Napangiti ako sa sinabi ni Kat.
“Grabe, Mon. Ang gwapo mo talaga,” sabi niya, “sayang badaf ka!”
“Sayang ka diyan. Anong akala mo sa ‘kin? Tubig na tumutulo sa gripo?”
Nagtawanan kaming dalawa.
“Gago, seryoso ako. Pa’no ka ba magiging lalake?”
“Gaga. Lalake naman ako a.”
“I mean, pa’no ka magiging ‘straight’ na lalake. Wala ka bang natitipuang babae? Sino ba ang makakapagpalalake sa’yo?”
Napaisip ako sa sinabi ni Kat. “Si Song Hye Kyo.”
“Sino ‘yun?”
“‘Yung Korean na aktres. ‘Yung bida sa Full House!”
“Ah siya ba? Naku. Imposible na talagang maging lalake ka.”
“Oh well.”
***
“Mon, kumusta na kayo ni Rico?” sabi ni Kat habang nagta-type ako sa laptop niya.
“Kami? Wala ng ‘kami’.”
“Ikaw naman kasi e. Napakalandi mo.”
“Oo na, kasalanan ko na.”
“E kasalanan mo naman talaga, gago.”
“Ang sabi nga nila, ‘Men are polygamous’.”
“Tanga. ‘Man’ ka ba?”
“Gago ka, Kat.”
Naghikab ako.
“Anong oras na?”
“Alas-onse na,” sagot ni Kat.
“Uwi na ‘ko. Tuloy na lang natin ‘to bukas.”
“Sure kang ayaw mong matulog dito? Baka maholdap ka pa sa labas. Tsaka wala ng jeep niyan.”
“Maglalakad na lang ako. Kailangan ko pa kasing maglaba.”
“Okay, sige bahala ka. Ingat ka. Ay, Ingat pala sila sa ‘yo.”
“Gaga.”
Hindi na ‘ko nakapagpaalam kina Tita Ester dahil tulog na sila. Hinatid ako ni Kat hanggang sa pintuan ng bahay. Isinuot ko ang mga sapatos ko at nag-umpisa na ‘kong maglakad.
Kasabay ng paglalakad ko, ang dami ding mga bagay ang naglalakad sa aking isipan ng mga oras na iyon. Isa sa mga ‘yun si Rico. Minahal ko si Rico. Kaso hindi ko lang talaga mapigilan minsan ng sarili ko. Napaka-immature ko kasi. Mahilig akong makipaglaro. At in fairness, magaling akong makipaglaro. Kaya lagi akong nananalo. Kaya lagi ko silang natatalo. Kaya nasasaktan sila ng dahil sa ‘kin.
Malapit na ‘ko sa Seven Eleven. Kinalkal ko ang aking bulsa upang maghanap ng pera. Bibili sana ako ng C2. Ngunit wala akong nahanap na pera, kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Isang tao na naka-itim na jacket at shades ang tumatakbong lumabas mula sa Seven Eleven. Nabunggo ko siya. Nahulog ang dala niyang Coke st siapao sa maputik na daan.
“Oops. Pasensya na.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang tao dahil sa dami ng mga iniisip ko.
“Ya!”
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
“Ya!”
Sa pagkakataong iyon, hinarap ko na siya.
“Baket?”
Nag-umpisa siyang magsalita sa isang lengguwaheng pamilyar ako.
“Sorry,” ang sabi ko, “I don’t speak Korean. Can you speak in English?”
“You made me drop my food. It was my last money. You buy me food now!”
Babae pala ang taong ito.
“I’m sorry, but I don’t have money here.”
“You make money! I have to buy food now!”
Medyo namumukhaan ko siya. Baka schoolmate ko siya. Ang dami na kasing mga Korean sa Pilipinas. Pati sa school ko ang daming mga Koreano.
“Hey, can you come into the light so that I can see your face? You look familiar.”
“NO! Give me money!”
Lumapit ako sa kanya at pilit na tinanggal ang shades niya. Nanlaban din siya.
“You bad Filipino!” sigaw niya.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay gamit ang isa kong kamay at pinantanggal ko naman ng shades niya ang isa. Natanggal din sa kanyang ulo ang hood ng kanyang jacket.
“What the f – SONG HYE KYO!?”
Biglang hinila ng Koreana ang aking buhok at bumulong sa tenga ko: “Take me to your place NOW!”
***
Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng apartment ko habang starstruck pa rin ako sa babae sa harapan ko. Hindi ko nga alam kung mahihiya ako sa kanya o ano.
“Oh my. This is so surreal. AM I dreaming?” pinagsasampal ko ang aking sarili.
“Hey, Filipino guy! You know me?”
“Of course! You’re Hye Kyo! And you’re famous here!”
Napaupo sa kama ko si Hye Kyo na mukhang na-disappoint sa sinabi ko.
“I thought they don’t know me here in the Philippines.”
Hinanap ko ang camera phone ko sa aking bulsa.
“Hey! Let’s take picture together!”
“NO!”
“Please! I’m your fan!”
“No! You buy me food first! I’m starving.”
“Okay, okay. I will buy you food downstairs, but do not leave here. There’s a monster in one of the rooms of this building and he comes out of his room every 12:00am to look for food. He likes to eat beautiful women. So don’t leave, okay?”
Tinitigan ako ni Hye Kyo.
“Okay?” diin ko.
“Okay.”
***
“What do you call this food?”
“It’s called ‘sisig’. Try it, its delicious!”
“‘Si-sig?”
“Yes. Si-sig.”
Napatingin sa ‘kin si Hye Kyo na tila hindi sigurado kung pagkakatiwalaan niya ‘ko.
“Try it. It’s delicious!”
Inabutan ko siya ng kutsara. Tinignan muna niya ang pagkain at pagkatapos ay dahan-dahan itong tinikman. Linasahan niya ito. Tumikim siyang muli. At tumikim pa. At tumikim pa ng tumikim. Hanggang sa maubos niya ang isang mangkok ng sisig. Pinagmasdan ko lang siya.
“Hmm, this is so good!” sabi niya, “In Korea, the food is bland. Always vegetables. Less meat.”
“Filipinos are meat-lovers. We can’t live without meat on our diet.”
Gumapang ako papunta sa harap ng TV. Binuksan ko ito gamit ang remote control. Marimar na pala ang palabas. Umupo si Hye Kyo sa tabi ko.
“What’s this show?”
“It’s called ‘Marimar’.”
“Ma-ri-mar?”
“Yes. Ma-ri-mar.”
Pinagmasdan niya kung paano sumayaw si Marimar sa TV.
“Ma-ri-mar. I can dance better!” sigaw niya.
Bigla siyang sumayaw tulad ng sayaw ni Marimar. Tinawanan ko lang siya.
“You’re funny.”
“Funny?”
“I can’t still believe you’re here in my room now. This is so surreal. It’s like a dream!”
Binato lang niya ko ng isang tingin tulad ng mga nakikita ko sa mga palabas niya sa TV.
“You’re cute, Hye Kyo.”
“…Hindi pa rin nakikita ang nawawalang aktres na si Song Hye Kyo. Huling namataan ang sikat na aktres sa set ng pelikula niyang ‘Finding Love’ sa Intramuros, Maynila. Tinitignan ng mga pulis ngayon ang mga anggulong kidnapping at terrorism…”
“Look! They’re all looking for you!”
“Shhhh. Silent! Look. I chose to run away. I’m tired of my life as an actress. Everyday’s the same. And so I chose to run away. Please. Keep me here even just for a while. Please. Don’t let them find me. I wish to be kidnapped right away.”
“WHAT!? But I can’t do that. I -”
Lumuhod sa harapan ko ang aktres.
“Please, Filipino guy. Keep me here. Please.”
Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.
“Nae reum Mon,” sabi ko.
“You speak Korean?”
“I just know few words. I have Korean friends who taught me.”
“I see.”
“So what should I call you? If you want to hide, you have to change your name.”
Marimar….aw!
“Ma-ri-mar!” sigaw niya, “Call me Ma-ri-mar!”
Pinigilan ko ang tawa ko dahil nakita kong seryoso siya sa sinabi niya.
“Marimar?”
“Yes! Call me Marimar!”
“Okay, Marimar!”
Sa unang pagkakataon ay nginitian ako ni Song Hye Kyo.
Naghikab ako, “Let’s sleep. I’m sleepy already.”
“Let’s listen to music first, okay? I always listen to music in Korea before I sleep.”
Bumuntong-hininga ako, “Okay.”
Ngumiti siyang muli.Kinuha ko ang iPOD ko sa aking bag.
“Do you have Korean songs?”
“Sorry, I don’t.”
“Oh,” na-disappoint siya, “Okay let’s listen to Filipino songs.”
Inabot ko sa kanya ang isang earphone.
“What’s the title of this song?”
“Title? This guy’s in love with you Pare by Parokya ni Edgar.”
“What? In Love? Who is ‘pare’?”
“‘Pare’ means a guy friend or something like that.”
“A guy? But the singer is a guy also! You’re joking!”
“Okay, okay. Let’s just change the song!”
Pinatugtog ko ang Mang Jose at pinakinggan naman niya ito. Nag-umpisa siyang mag-headbang habang nakikinig, at natawa naman ako sa hitsura niya. Mukha siyang pusa na rocker.
“Hey, Mon. What’s the title of this song?”
“It’s ‘Mang Jose’.”
“Mang Ho-si?”
“No. Mang Ho-se.”
“Mang Ho-se?”
“Yes.”
“I like it. What is the song about?”
“It’s about a Filipino superhero.”
“A superhero? You mean he saves lives and all?”
“Yes. But he’s a hero for rent.”
“For rent? What do you mean?”
“He will save your life. But you have to pay him after.”
“What? Even Filipino superheroes are poor?”
Napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami sa mata.
“Yes.”
Panandaliang nanahimik ang Koreanang artista.
“Mon.”
“What?”
“After you save me, do I have to pay you?”
Nginitian ko siya.
“No. It’s for free. I’m rich.”
***
“Good morning, Marimar!”
Dahan-dahang kinusot ni Marimar ang kanyang mga mata.
“I’m going to school now. Will you be okay here?”
“You’re going to leave me?”
“I’m going to school. But I’ll be back at 5. And then I’ll bring you to the Baywalk.”
“Bay-walk? What’s that?”
“It’s a beautiful place. Okay? I will go now. If you’re hungry, feel free to check out the ref. I’ve got some stuffs there. Just choose. Okay?”
“Okay. Thank you, Mon.”
Naglakad na ‘ko palabas ng kwarto patungong elevator. Hinintay kong bumukas ang pinto. Tumambad sa ‘kin si Rico. Hindi ko siya pinansin. Pumasok lang ako sa loob.
“Good morning, Mon.”
“Magandang umaga, Rico.”
“Mukhang puyat ka na naman a. Sino na naman ang inuwi mo kagabi?”
“Rico, stop it.”
“Mon, please pakinggan mo naman ako.”
“Rico, kalimutan mo na ‘ko. Get a life.”
“Kung para sa’yo madali lang gawin ‘yun, pwes sa ‘kin hindi.”
“At least try!”
“I’m trying! And I keep on failing. Makita lang kita bumabalik kaagad ang nararamdaman ko para sa’yo.”
Bumukas ang elevator. Mabilis akong naglakad palabas. Sumunod sa ‘kin si Rico.
“Okay lang sa ‘kin!”
Tumigil ako sa paglalakad.
“Ha?”
Kinuha ni Rico ang isang kong kamay.
“Okay lang sa ‘kin na mag-uwi ka ng lalake gabi-gabi sa apartment mo. Okay lang na lumabas ka kasama nila. Okay lang sa ‘kin na gawin mo ang gusto mo. Just don’t leave me, Mon. Please.”
Nakaramdam ako ng awa para kay Rico lalo ng nang makita kong gumuhit ang bakas ng kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi. Mabilis akong naglalakad palayo sa kanya upang iwasan siya. Naglakad ako ng mabilis.
***
“Ang mag Pilipino talaga! Pati ‘yung Korean na artista kinidnap! Papanget na naman niyan ang reputasyon natin sa ibang bansa!”
“Kat, baka naman nagbakasyon lang siya sa Boracay,” ani ko.
“Haller? Nagsu-shoot nga sila tapos magbabakasyon siya? Tsaka nahalughog na ng mga pulis ang Boracay at wala daw siya doon!”
“Baka naman bumalik na sa Korea. Baka ayaw niya sa Pilipinas.”
“Naku ewan ko sa ‘yo, Mon.”
“Change topic na nga!”
“Teka. Bakit mukhang napuyat ka? Don’t tell me…”
“Gaga!”
“May itinatago ka ba sa ‘kin, Mon?”
“Wala a!” Hindi ako makatingin ng diretso kay Kat.
“Alam na alam ko pag nagsisinungaling ka, Mon.”
“Wala nga.”
Katahimikan.
“May tanong ako, Kat. Papano kunwari biglang may kumatok sa pinto ng bahay niyo, at pagbukas mo si Brad Pitt pala iyon. Gulat na gulat ka nang sinabi niya gusto niyang kidnapin mo siya dahil sawa na siya kay Angelina Jolie. Anong gagawin mo?”
“Question and answer portion ba ito?”
“Seryoso, Kat.”
“E di itatago ko siya. Pero kung manganganib ang buhay ko at ang buhay ng mga mahal ko dahil sa kanya, siyempre itataboy ko siya kahit na na gwapo pa siya.”
“Ganun ba.”
“Bakit mo naman natanong?”
“Wala lang.”
***
“I’m home!”
Nakita kong nakaupo si Marimar sa sofa. Mukhang inip na inip siya buong araw. Inaamoy-amoy din niya ang suot niyang damit.
“What’s the problem, Marimar?”
“I’m smelly. I want to take a shower.”
“Then why don’t you take the shower?”
Pumunta ako ng kwarto at kinuha siya ng towel. Sumunod naman siya sa ‘kin.
“Here. Take this.”
“Kamsaemida.”
Nagtungo siya sa banyo.
“MON!”
“What?” nagmadali ako patungong banyo.
“There’s no water from the shower.”
Piniit ko ang knob. Walang lumalabas ng tubig sa shower.
“Naku. Bakit kaya walang tubig?”
“What?”
Kinuha ko ang tabo sa loob ng timba at inabot iyon sa kanya.
“Use this instead.”
“What’s this?”
“Ta-bo.”
“Ta-bo?”
“Yes. I’ll wait for you outside and then we’ll go to Baywalk. Araso?”
“Okay.”
Hinimas ko ang kanyang ulo na parang bata at nginitian siya. Ngumiti din siya.
“I don’t have clothes.”
“Here. Wear this.”
“What’s this?”
“It’s my PE Uniform.”
Tinignan niya ko ng masama. Nginitian ko lang siya.
“Wear your jacket and shades so people won’t recognize you. Okay? And let’s make you look like a guy.”
Tumango siya. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na kami ng kwarto. Dumiretso kaagad kami sa elevator. Hinintay naming bumukas ang pinto.
“Mon, is it true there is a monster here?”
“Yes.”
“What is his name?”
Tinitigan ko siya ng masama, “Mon.”
“Bastard!”
“Just joking!”
Hinimas ko ang kanyang ulo tulad ng isang amo sa kanyang tuta.
“Stop doing that. I’m not a cat!”
“But you’re as cute as a cat!”
Bumukas ang elevator. Nasa loob si Rico. Hindi ko alam kung papasok kami o gagamitin na lang ang stairs. Ngunit huli na ang lahat. Nakapasok na sa loob si Marimar.
“Mang Ho-se….Mang Ho-se….”
“Tsk tsk. Mon, ipagpapalit mo na lang nga ako, sa abnormal pa. Saan ba kayo pupunta? Hanep ang outfit niya a. Nakashades, nakajacket at naka-PE uniform. Uso ba ngayon yan?”
“Manahimik ka, Rico.”
Pinagmasdan kami ni Marimar at pagkatapos ay bumulong siya sa ‘kin: “What is he saying?”
“Wala. Ang sabi niya mukha ka raw sampayan ng damit.”
“What!? I can’t understand!”
“Boses babae pa,” sabi ni Rico, “saang sulok ng mundo mo na naman nahanap ‘yan? Anong tribo niya? Dati Hapon, ngayon naman… naku Mon!”
“Pwede ba, Rico. Shut up.”
Bumukas ang elevator.
“Wait for me at the lobby,” sabi ko kay Marimar.
Tumango siya: “Mang Ho-se…Mang Ho-se…”
“Rico. Please, ‘wag muna ngayon. Let’s talk some other time. Please lang.”
“Kapag ako ba ang nagmamakaawa pinagbibigyan mo ‘ko?”
“Punyeta naman, Rico!”
“Punyeta din, Mon!
Pinagtinginan kami ng mga tao sa nakapila sa elevator. Naglakad na lang ako patungong lobby at iniwan si Rico sa kinatatayuan niya. Nakita ko si Marimar sa tabi ni Mang Jose, ang security guard. “Mang Ho-se…Mang Ho-se…La la la.”
“Baket?” tanong ni Manong security guard kay Marimar. Tinitigan lang siya ni Marimar ng may pagtataka sa kanyang mukha.
“Mag Ho-se…mang Ho-se…” patuloy sa pagkanta si Marimar with matching headbang pa.
“Hoy! Bakit nga?”
Tinignan ulit siya ni Marimar at bumulong sa kanyang sarili. Naglakad ito papalayo kay Mang Jose.
“Good afternoon po, Mang Jose,” bati ko.
“Kasama mo ba ‘to?”
“Opo. kapatid siya ng classmate ko. Medyo retarded po e. Pasensya na po.”
“Okay lang. Ingatan mo ‘yan, baka mapahamak.”
“Opo. Salamat po.”
Lumabas kami ni Marimar. Naghintay kami ng taxi sa harap ng building.
“Mon, who’s that guy in the elevator?”
“Oh. He’s a friend.”
“A friend?”
“Yes.”
“Okay. So where are we going?”
“Baywalk.”
***
“Wow! I like it here, Mon! I love the smell of the sea wind!”
“I’m glad you like it here. Come on, let’s sit facing the Manila Bay.
“Naupo si Marimar sa aking tabi.
“Tell me something about Korea.”
“My country?”
Tumango ako.
“Well, Korea is also a beautiful place. We have four seasons, and I like winter the most. It’s so beautiful when winter comes.”
“We don’t have snow here.”
Tinitigan niya ‘ko.
“But the Philippines has you.”
Tumibok ng mabilis ang aking puso kahit ang korni ng sinabi niya habang nakatitig kami sa mata ng isa’t isa.
“…you can make every girl in the world fall in love with you.”
“Thank you, Marimar. But there are still so many things you do not know about me.”
Pinagmasdan namin ang pagsayaw ng alon sa Manila Bay, pati ang mga ibon na sumasayaw sa bawat tugtog na nililkha ng pag-alpas ng mga alon.
“Korea is called the Land of the Setting Sun because it has the most beautiful sunset.”
Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon.
“Wait till you see the Philippine sunset.”
Ipinahinga ni Marimar ang kanyang ulo sa aking mga balikat. Dahan-dahang lumubog ang araw sa dagat. Tila huminto ang oras ng mga panahong iyon. Para bang kaming dalawa lang ang tanging taong humihinga habang papalubog ang araw sa asul na karagatan. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na katabi ko ngayon ang isa sa pinakasikat na artista ng Silangan. Parang panaginip lang ang lahat. Isang panaginip na imposibleng mangyari sa totoong buhay.
“Mon, what does ‘Marimar’ exactly mean?”
“Others may not know but ‘Marimar’ means ‘a lonely sea’.”
“I see. But that name doesn’t fit me now. I’m not sad anymore. I’m happy.”
“I’m glad you’re already happy.”
“Mon, I don’t want to go back to Korea anymore. I want to stay here with you forever. I don’t want to go back to my old life. I want to stay here. I’ll be happy here.”
“But your family and friends are all in Korea. And they are all worried about you there.”
“I know but…”
“Sooner or later, you’ll have to face them and all the people you have left. They will need your explanation.”
“But… I don’t want to leave.”
“Hye Kyo, you can always go back here if you want. I can always bring you here. We can always eat sisig together. But – “
“Shhh. Mon, I will stay as long as I want. Do you understand?”
Kasinungalingan. Puro kasinungalingan. Kasinungalingan na gusto ko siyang bumalik sa Korea. Isang kasinungalingan ang sabihin kong gusto ko siyang bumalik sa dati niyang buhay. Hindi iyon ang tunay kong nararamdaman. Gusto ko siyang manatili dito sa tabi ko. Dito lang kami. Nakaupo habang pinapanuod ang paglubog ng araw dito sa Manila Bay. Ngunit hanggang kailan ang pangarap kong ito? Hanggang kailan ako mananaginip?
***
“And then I told my professor: ‘You look like a carabao with braces’!”
Tawa ng tawa si Hye Kyo sa mga kwento ko habang naglalakad kami pabalik sa apartment, magkahawak-kamay. Ngunit bago pa namin marating ang harap ng building ay naririnig ko na ang ingay na nililikha ng mga sirena ng mga police mobile sa paligid ng gusali. Kinabahan ako. Huminto ako sa paglalakad.
“Mon, what’s the problem?”
“Hye Kyo, the police are here.”
Bakas sa mukha ni Hye Kyo ang takot.
“What are we going to do?” tanong niya.
Isang anino ang lumabas na lang mula sa kadiliman.
“Mister.”
Hindi na ‘ko nagpatumpik-tumpik pa. Hinila ko ang kamay ni Hye Kyo at tumakbo kami ng mabilis.
“HOY! Bumalik kayo dito!”
Tinakbo namin ng mabilis ang kahabaan ng Espana. Hindi ko binitawan ang kanyang kamay. Sa likuran namin ay mga police mobile na determinadong mahabol kami. Ang mga sirena nila’y tila nananakot. Nagbabanta na malapit nang matapos ang masaya kong panaginip.
“Hye Kyo, I’m tired!” sigaw ko.
“Mon! Do not give up!”
“The abduction is over. I can’t take you any further. I’m so sorry.”
Binitawan ko ang kamay ni Hye Kyo. Napaluhod siya sa lupa. Hindi ako huminto sa pagtakbo samantalang naramdaman ko namang tumigil na ang mga police mobile na humahabol sa ‘min. Tumakbo ako palabas sa mahabang panaginip na iyon.
“Ms. Song, were you kidnapped?”
“Ms. Song, let me repeat the question. Were you kidnapped?”
“No. I was not kidnapped. I ran away. It’s all my fault. I want to say sorry to the Filipino people, to my family, my friends, my manager…”
Nanginginig ang boses niya at umiiyak habang sinasabi niya iyon, “…and…I want to say sorry…yes. I want to say sorry to everyone.”
“Ms. Song, who was the guy you were with the moment the police found you?”
“Mang Ho-se.”
Some things are better left unsaid.










