Epic Fail
April 13th, 2010 by Jan SuingPa’no tatapusin ang masayang limang taon? Ganito ba: Magkita tayo bukas ng gabi sa may McDo sa Morayta. Maghihintay ako. Pagod na ‘ko. Message sent.
***
Masayang limang taon. Nagkakilala kami sa bahay ng best friend kong si Tara. Birthday ni Tara nun at syempre, kapag may birthday, may alak. Kapag may alak, may malalasing. Kapag may malalasing, ako na ‘yun. Mababa ang tolerance ko sa alak e. Isang basong Matador lang ata, tatamaan na ‘ko. Pero take note, hindi ako katulad ng ibang mga babae na kapag nalasing, mananahimik lang. Ako, ganito ako kapag nalalasing:
“Magsaya tayo! At dahil birthday ng best friend ko, ipapakita ko ang puke ko! Tara, this is for you! For eternal happiness!”
Gago. Hindi ko naituloy ang pagbaba ng panty ko syempre. Nandoon si Tara at pinigilan niya ko. Pinabuhat niya ko sa mga kasama naming boys at ipinapasok niya ko sa kwarto. Syempre, sinubukan kong kumawala, pero ano ba’ng magagawa ko? Anong laban ko sa limang lalake? Wala na akong nagawa kung hindi matulog na lang. Pero hindi dire-diretso ang pagtulog ko. Nagising ako ng… 2AM ata ‘yun at nagulat ako sa nakita ko. May lalake.
“Sino ka!?”
“Ssshhh… ‘Wag ka maingay. What year is it?”
“Huh?” Takas ata ng mental ‘tong lalaking ito e.
“Taga-saang school ka ba’t ‘di ka nakakaintindi ng Ingles? Sabi ko: anong taon na?”
“Taga-saang bundok ka ba’t hindi mo alam kung anong taon na? 2006, gago. Anong ginagawa mo dito sa kwarto – ”
“Look, I don’t mean any harm. I do not really know how to say this but… I was testing my… and then, a light flashed… I… Argh! Epic fail! I’m such a failure!”
Ano daw? May mas nakakagulat pa ba kaysa magising ka isang madaling araw sa loob ng kwarto ng best friend mo na kabe-bertdey lang at tumambad sa ‘yo ang isang lalakeng out-of-this world ang kapal ng salamin, at nerd na nerd ang dating at kung anu-ano ang pinagsasasabi? Anong gagawin mo? Ang ginawa ko, itinuloy ko ang paghuhubad ko ng panty dahil horny ako ng mga panahong iyon, hindi ko napigilan ang sarili ko na akitin siya. In fairness, kapag wala siyang suot na anuman, kamukha niya ‘yung crush kong artista nung bata ako. Nakalimutan ko na ang pangalan nung artista kase bata pa nga ako nun.
So… yeah. This is how our happy five years started. And no, I didn’t get pregnant.
***
Nakita ko na siyang papasok sa loob ng McDo pero nagkunwari ako na hindi ko pa siya nakita. Hinintay ko muna siyang lumapit. Sa limang taon na pagsasama namin, saulong saulo ko na ang mga kilos niya. Kapag magkikita kami dito sa McDo, hindi muna siya kaagad uupo hangga’t hindi ko siya pinapaupo. Ang weird, ‘no? Kadiri. Pero kahit kadiri ‘tong boyfriend ko, minahal ko siya. Mahal ko siya.
Pero pagdating niya, kaagad siyang umupo sa upuan sa harapan ko. Nakatingin din siya sa ‘kin. Titig na titig. At in fairness, matino siyang tignan ngayon. Hindi halatang dean’s lister sa state university at scholar for life.
“Gago ka ba? Pinaupo na ba kita?”
“Ano na’ng sasabihin mo?”
Tang-ina niya. Nagmamadali ba siya? Alam naman niyang makikipaghiwalay na ‘ko sa kanya, ‘di ba? Bakit siya nagmamadali? Napakasama ko ba talagang girlfriend? Hindi naman ako masamang girlfriend a. Ibinigay ko naman lahat ng gusto niya. And I’m not just talking about my body here. I’m talking about how I used to help him with his stupid physics experiments kahit na alam na alam niyang diring-diri ako sa subject na ‘yun. Naramdaman naman niya ang pagmamahal ko sa kanya! For five years, siya lang ang naka-sex ko, at nakahalikan ko, except for that one time na nalasing ako ulet and I made out with a girl.
“Bakit ka nagmamadali? May pupuntahan ka ba?” Hindi siya mapakali magsimula nang dumating siya. Tumatagaktak ang pawis niya sa mukha. Gusto ko siyang punasan tulad ng dati, pero pinigilan ko ang sarili ko.
“What time is it?”
“Putang ina, kung may pupuntahan ka, umalis ka na! We’ll talk some other day na lang kapag free na ang sched mo which I doubt will ever happen ‘cause you’re always preoccupied with your stupid math experiments!”
“Taga-saang school ka at hindi ka nakakaintindi ng Ingles. Ang sabi ko: anong oras na?”
Naghalo ang aking emosyon. Nais kong ngumiti, pero gustong umiyak ng puso ko. Nami-miss ko na ang mga biruan namin.
“Fuck you!” Tumingin ako sandal sa relo kong Barbie na naalala kong bigay niya sa unang monthsary namen.
***
Barbie. Sa lahat ng mga non-living things sa mundo, si Barbie na ata ang pinakakinamumuhian ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi kasi talaga ako girly e. Hindi rin naman ako ganun ka-wild. I’m just different. Pero hindi alam ng boyfriend ko kung ga’no ko kaayaw si Barbie kaya nung first monthsary namen, isang relong Barbie ang ibinigay niya sa ‘ken. Dapithapon ‘yun, sa may Roxas Boulevard, sa may Manila Bay.
“O, heto na ang regalo ko. Ang mahal ng librong ‘yan ha. Nakarating pa ‘ko ng Cubao para lang diyan.”
“Cheryl! Salamat! Matagal ko na’ng hinahanap ‘tong Physics book na ‘to!”
“I know, right? Nasaan na ‘yung gift ko?”
“Ay! Oo nga pala! Pikit ka muna! You’re gonna love this!”
“Siguraduhin mo lang!”
So ipinikit ko nga ang mga mata ko. Hulaan mo kung anong ginawa ko sa kanya nang makita ko ‘yung gift niya. Oo, itinulak ko siya sa Manila Bay sabay para ng taxi. Sa loob ng taxi, isinuot ko si Barbie. At never ko pa siyang hinuhubad hanggang ngayon.
***
“6:04PM na.” Nanlaki ang mga mata niya.
“Fuck! 6 minutes to go. I gotta hurry!”
“Hurry? Hurry ka ng hurry! Sa susunod na nga lang tayo mag-break, tang-ina mo!” Nagtatalak ako sabay suot ng backpack ko. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. Ngayon lang niya ito ipinadama sa ‘kin, ‘yung pakiramdam na parang wala akong kwenta sa kanya. Tama nga sigurong tapusin ko na ‘to. Buti na lang, pinapadali niya ang lahat sa ‘kin. Naglakad ako ng mabilis palabas ng McDo. Bumuntot siya sa ‘kin, nagmamadali din.
“Cheryl! Hintayin mo ‘ko! ‘Wag kang tumawid ng daan!”
“Fuck you! Fuck you!” sigaw ko habang nasa likuran ko pa rin siya at ‘di niya ko mahabol. “Teka, bakit hindi pa tayo mag-break ngayon? Oo nga! Tapos na tayo!”
“Cheryl, please stop! I love you!”
Natigilan ako sa pagtakbo sa kalagitnaan ng Morayta. Napabalikwas ako ng tingin. Itinuon ko ang aking mga mata sa kanya, ang tanging lalaking minahal ko buong buhay ko. Pa’no ba tatapusin ang masayang limang taon namin? Pa’no ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? Kung bakit gusto kong tapusin ang masasayang mga araw namin? O kailangan ba talaga niyang malaman ang masakit na katotohanan? He doesn’t need to know. He doesn’t deserve to know what I am going through. Napakabuti niyang tao. Napakamasayahin niyang tao kahit na mukha siyang tanga madalas. He doesn’t deserve the truth. Kailangan kong lumayo mula sa kanya.
Ngunit bago ako makapaglakad muli, isang jeep pa-Morayta ang matulin na papalapit sa ‘kin. Napakaliwanag ng mga headlights nito, nasilaw ako. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Nag-flashback ang limang taon namin ng boyfriend ko sa loob lang ng dalawang segundo. Ganito ba matatapos ang lahat? Ganito ba matatapos ang masayang limang taon?
Mula sa liwanag ng mga headlights, lumabas ang aking tagapagligtas. Ang deux ex machina ng aming kwento. Itinulak niya ko, ng boyfriend ko, at tulad ng nangyayari sa mga korni’t madadramang pelikula, ‘yung bidang lalake ang masasagasaan ng jeep at hindi ‘yung bidang babae. Mahuhulog ‘yung bidang babae sa lupa at makakaligtas mula sa kamatayan. Ang kapalaran ng bidang lalake ay hindi tiyak. Sisigaw ‘yung bidang babae. Hihingi ng tulog. Tapos luluhod siya sa harapan ng katawan ng bidang lalake. Yayakapin niya ‘yun at walang sawang iiyak ang gaga. Dalawa lang naman ang mangyayari sa kanya sa ending ng pelikula – mamamatay ‘yung lalake o mabubuhay pero magkaka-amnesia ang gago. Ano ang magiging ending ng kwento namin?
Bumagsak sa lupa ang boyfriend ko, walang malay at duguan ang ulo. Pero mas napansin ko ‘yung papel na hawak niya. Akalain mo’ng mas inuna ko pa ‘yun kaysa sa kanya? Parang tanga lang. Habang pinagtitinginan kame ng mga tao, kinuha ko ‘yung papel at binasa ‘yun sa harapan niya:
Dear Cheryl,
Sino nga ba’ng mag-aakalang tatagal tayo ng limang taon? Kahit ako, hindi ko naisip na magtatagal tayo ng ganito katagal. Ang sabi kasi ng mga kaibigan natin, magkaibang-magkaiba tayo ng ugali. Naalala ko tuloy ‘yung una nating pagkikita. How we first met was the biggest cosmic accident in the history of mankind.
Ang akala mo nun, magnanakaw lang ako na nakapasok sa loob ng kwarto ng bestfriend mo. Pero sa totoo lang, bago ako makarating dun sa kwarto kung saan ka natutulog, nasa kwarto ako sa bahay namin sa Cebu. Kinakalikot ko ‘yung naimbento kong time traveling machine nang bigla iyong magliwanang. Nagulat na lang ako, nasa loob na ‘ko ng kwarto ng bestfriend mo. Kaya ko itinanong sa ‘yo noon kung anong taon na kasi akala ko nagtagumpay na ko na maglakbay sa ibang panahon. I was trying to defy time, but it was only space I defied. I used to think it was an accident. Maybe. But I realized that in life, there are some accidents we are thankful they happened. And that accident was my favorite accident in my life, it brought me to you.
At dahin doon, naging tayo. You know how I really wanted to travel through time. I wanted to change so many things from the past, and I never told you the reason why. I’ll tell you now why. I had a younger brother. He died six years ago because of a tiny mistake I made. Pinag-eeksperimentuhan ko dati ‘yung kotse ni Daddy. May ininstall ako dito na makakapagpababa ng pag-consume nito ng gas. Noong araw din na ‘yun, ihahatid ni Daddy ang kapatid ko sa school para sa isang program nila. They met an accident that day. Dad was able to survive. My brother didn’t. I knew it was my fault.
Small things may lead to accidents that can change our lives forever, Cheryl. You changed me and you made me see the beauty in life once again. Kaya nung naging tayo five years ago, I tried to work on my experiment again at inisip ko na baka this time, maging successful na ‘ko. But I was not successful until yesterday when I was able to see what will happen today with the help of my time machine.
You’re supposed to die today, Cheryl. You’re supposed to get hit by a jeepney and die. But I couldn’t let that happen. I couldn’t afford to lose another important person in my life again. And I learned that the only way to save you is to sacrifice my life for you. I’m willing to be the accident that will save you, Cheryl. Because I love you.
I really do wish you’ll be able to read this letter, Cheryl. Isipin mo na lang na ang buhay ko ang kapalit ng epic fail na relong Barbie na regalo ko sa ‘yo. I love you, Cheryl.
Namatay siya sa aking mga kamay habang walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha. Ang aming kwento’y daig pa ang kwentong Romeo at Juliet; Tristan at Isolde; at Pyramus at Thisbe. Bakit?
Anong mararamdaman ng boyfriend ko kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit nais kong makipaghiwalay sa kanya ngayong araw? Pa’no kung malaman niyang isang epic fail na naman ang ginawa niyang pagsagip sa buhay ko ngayon? Manghihinayang ba siya sa pagbubuwis niya ng kanyang buhay para sa ‘kin kapag nalaman niyang sa loob lang din ng dalawang buwan, mamamatay din ako?
Limang araw na ang nakakaraan, nagpatingin ako sa doctor dahil napapadalas ang pagsakit ng ulo ko. Akala ko simpleng migraine lang. Pero imbes na migraine, brain cancer ang na-diagnose sa ‘ken. Nang malaman ko ‘yun, ‘di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Binalak ko na kaagad kung pa’no ako makikipag-break sa kanya. Palalabasin ko na isang gabi, nalasing ulit ako at na-horny ulit at nakipag-sex ako at na-in love sa iba. Pagkatapos, sasabihin ko sa kanya na nawala na ang limang taon pag-ibig ko sa kanya, at sasabihin ko sa kanya na hindi naman talaga ako masaya kapag magkasama kame. Ayoko lang siyan masaktan. Pinepeke ko lang ang orgasm ko kapag nagse-sex kame. Hindi totoo ang mga ngiti ko sa tuwing nakikita ko siya at ang kanyang out-of-this-world na fashion sense. Kapag umiyak siya, ganito ang sasabihin ko:
Manahimik ka nga! Kalalake mong tao, umiiyak ka na parang bata. Hindi na nga kita mahal, mahirap bang intindihin ‘yun? Bumalik ka na lang sa mga makina mo, mas mahal mo naman sila kaysa sa ‘kin, ‘di ba? Hindi na kita mahal. Ayoko nang makita ang mukha mo. Hindi naman talaga ako naging masaya sa’yo. Pero masayang masaya ako na sa wakas, matatapos na ‘tong pagtitiis ko.
But that’s not what I want to say at all. That’s not what I want to say to him at all. I want to say how I love him, how I wanted to stay with home forever. Gusto ko siyang pakasalan at lalayo kami sa lugar na ‘to at magsasama kami ng matagal at magkakaroon kami ng maraming maraming mga anak. Lahat ng pangarap kong ito ay gumuho nang malaman ko mula sa doctor ang sakit ko. Ang hirap mabuhay, napakadaling mamatay.
Ngayong hindi na siya humihinga at huli na ang lahat, isa lang ang napagtanto ko: isang bonggang bonggang epic fail ang love story na ito.










