HOME     ABOUT US     COMMUNITY     MY EMAIL     DIRECTORY     CONTACT US     HELP

  • Contributor account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

    Be a TAMBayan Contributor. Upload your essays, short stories, announcements, and other works here! To apply as a contributor, click here

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.  
  • Home > TamBayan News > Elevator
  • Love ko Piyu 2012: Post Contest

    Site news
    Madali lang ang mga gagawin. Sagutin lamang ang katanungang ito (English, Tagalog, o Taglish basta maiintindihan ng karamihan): “Bakit mo mahal ang FEU?” Gamit ang iyong Facebook account.. Read more..
  • Paano yumaman (agad)?

    Featured essay
    Paano nga ba yumaman? Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging.. Read more..
  • FEU returns to NCC 2012, ranks 2nd in the qualifiers

    Sports news
    The FEU Cheering Squad ranked 2nd in the National Cheerleading Championship last February 5, 2012 at the SM Mall of Asia. Last time they joined at 2009, they ranked 6th.

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:


  • TamBayan News

    Elevator

    October 21st, 2008 by

    “Matagal ko ng gustong burahin ang ala ala mo sa isip ko”

    Alas nuwebe ng umaga nang kumulo ang tiyan ko, klase iyon ni Sir Abergos at dahil dun nagdesisyon akong lumabas upang bumili ng pagkain para maibsan ang gutom ko. Palihim akong lumabas ng silid aralan at dali-daling dumeretso sa elevator sabi ko sa operator “Ate ground floor po”. Pasara na sana ang elevator ngunit muling binuksan ni ate nang may sumigaw ng “Sandali lang!!!” hingal na hingal siyang pumasok ng elevator habang nakatingin sa akin, kabaliktaran naman ako sapagkat hindi ako makatangin sa kanya… 8th…7th…6th…5th floor wika ko sa sarili ko “Bakit hindi pa bumababa tong mokong na to?! eh sa 5th floor ang klase nya!” (Haha! Hindi naman masyadong halatang alam ko ang schedule nya) 4th floor… 3rd… bigla nya akong tinanong “San ka papunta?” sabi ko “Sa lacson lang” “Kakain ka?”, “Oo, siomai at kanin lang”, “Nagtitipid ka ba?” tanong nya sagot ko naman “Hindi…”. Inaya nya akong kumain sa Mcdo (Pambansang kainan ng mga taga educ at eng) ililibre daw nya ako, sa kulit nya ay napapayag nya ako. Nang makarating sa Mcdo humanap na agad ako ng mauupuan naming dalawa siya na daw kasi ang bibili ng kakainin naming dalawa. Habang nakaupo ako ay naibaling ko ang atensyon ko sa mga magkasintahang naglalambingan sa labas ng Mcdo (Naiinis ako kapag nakakakita ako ng mga “Pasweetams” haha!) naiinis siguro ako dahil sadyang naiinggit lamang ako.

    Nang makabalik siya dala ang mga binili nyang pagkain sinabi nya sa akin na magpakabusog daw ako sapagkat libre nya. “Alam mo bang tumakas lang ako sa klase ko?” sabi ko sa kanya at sagot naman nya “Ako din naman eh!” natawa ako sa sinabi nya… “Parang dati lang ha?” patanong nyang sinabi sa akin “Oo nga… dati tumatakas tayo sa mga prof natin para magkita lang tayo” sabi naman nya. Pagkatapos nun hindi na ako nakaimik para bang binusalan ako ng katahimikan… hindi ko alam kung ano ang isasagot ko basta ang alam ko nalulungkot ako dahil muling nanumbalik ang mga ala alang malapit ko na sanang itapon. “Bakit di kana nagsalita?” tanong nya sa akin, dagdag pa nya “Nandito tayo para magsaya… nilibre nga kita eh…” sagot ko naman “Opo masaya po ako dahil nakasama kita, hindi po ako malungkot” (Pero sa totoo lang halo halong emosyon ang nadarama ko at di ko alam kung nalulungkot ba, natutuwa o naiinis ako…)

    Kaya siguro hindi ako nakakain ng matino. Noong oras na iyon ay naihalintulad ko ang sarili ko sa isang batang manghang mangha sapagkat sobra ang pagtitig ko sa kanya habang kumakain siya. Katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa. Nabasag lamang ang katahimikang ito nang tinanong nya ako kung tapos na akong kumain “Hoy! Ang tahimik mo… tapos na akong kumain alis na tayo” sabi ko “Oo sige dadalhin ko nalang sa taas itong pagkain ko”.

    Nang palabas na kami ng Mcdo para bang may tumutulak sa akin na tanungin siya para bang interview ma-update ko lamang ang sarili ko sa nangyayari sa buhay nya, pero parang hindi ko kaya… nahihiya at natatakot ako… Nagulat nalang ako nang bigla nya akong tinanong “Na miss mo ba ako?” hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa tinanong nya sagot ko naman “Okay lang”, sabi nya “Ako kase miss na kita sana ganun ka din” (Labo labo na ang emosyon ko nung mga oras na yun. Bakit ba sya ganito ngayon sa akin? May gusto ba syang iparating? Anu ba yan nagugulo na naman mundo ko) Nakapsok na kami ng educ building at sabay diretso sa harap ng elevator di sadyang magkasabay kaming pumindot sa buton… pagkapsok namin sa elevator sabi niya “Sa 5th po ate”, “Ako naman po sa 8th” sabi ko. 1st Floor… 2nd… pagdating ng 3rd floor sabi nya na may sabay na buntong hininga “Haay! Eto na naman tayo…”sabi ko “Anong eto na naman?” sabi nya “maghihiwalay na naman tayo…” pagdating ng 4th floor para bang bumagal ang takbo ng oras ko… wari’y may gusto akong sabihin sakanya na hindi ko masabi sabi… pagdating ng 5th floor bumukas ang elevator… tinignan nya ako… tumalikod… at lumabas ng elevator. Papasara na sana ang elevator ng pinigilan ko si ate sabi ko “Ate sandali lang!!!” nang bumukas ang elevator tinawag ko siya at lumingon sya at sinabi sa kanya na “Na miss kita! Mahal padin kita! Di nagbago… alam mo yun” napangiti sya at nagsarado ang elevator. “Rene!!!” sigaw ng kaklase ko! Pagdilat ko klase pala ni Sir Abergos at bigla kong naramdaman ang gutom ko at bigla akong natauhan… Ay! Nanaginip pala ako!

     
    October 21st, 2008 by  18 M student from University of Santo Tomas who found love in FEU ^_^)v I love creating short poems and stories (Filipino/English). I'm taking up B.S.E. major in English! My world revolves around Music, Photography and Literature : http://www.renereeve.multiply.com



  • Book Review: The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

    Entertainment news
    Though I usually begin with a general feel of the novel, this time, I opted not to. Because this book’s outstanding quality, which practically made it a classic, is its subjectivity. Read more..
  • TamBayan Poll: 54% expect DLSU to win the 74th UAAP women’s volleyball tournament

    From a total of 255 online votes at the Tamaraw Bayan community poll from site visitors (not necessarily registered users) initiated last December 1, 2011, a total of 97 votes were ast that they think.. Read more..
  • TAMBayan Book Club

    Entertainment news
    To all bookworms and 'dog-earing' addicts out there: What do you think of having a TamBayan book club? My broad idea of a book club is members share their thoughts about a certain book.. Discuss..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    Best Website for Community & Portal at the 12th Philippine Web Awards.