Change of Hypothalamus: The First Act
December 7th, 2009 by John Harvey Perez“I don’t hate the fact that I am NOTHING to HER… But I hate the fact the SHE is EVERYTHING to ME!!!
…,…………………..,…
Chapter One:The Sudden Feeling that Made it Worse
Let’s call this girl, “The One”. Tinawag kami ng school namin para sa isang Seminar ng mga Scholars, mga 9 ata kaming scholars nun sa class namin. Maulan ang tinakdang araw na yun para sa aming seminar, Monday. Naghintayan kami ng mga kaklase ko, actually, hindi naman sa pagmamayabang, pero ako lang ang lalaking Scholar sa class namin, ahem… ahem… Back to the story, wala akong ine-expect nun, basta ang ine-expect ko lang sa seminar eh, yung libreng merienda. Maulan, makulimlim at sobrang lamig nung araw na iyon, gumising ako ng sobrang aga, dahil excited sa mga mangyayari. Hindi pa rin ako nakakakain nun kaya punta muna ako sa Tayuman! Ang Mahiwagang Kainan ng Tamaraws Habang Nakatayo! Tentenenen! Ang sarap ng pagkain dun, lalo na yung Pork Teriyaki! hmmmm!. Heaven!!! Para akong adik nung una kong natikman yun, hindi ko ma-describe yung feeling tapos….. Tapos na!
Then let’s back to the main story… And then suddenly, nakita ko itong girl na ito, na nagngangalang “The One”, itago mo muna natin ang name niya sapagkat isa siyang kriminal na ninakaw ang puso ko ng mga sandaling yun. Alam mo ba yung feeling na parang na-fast foreward lahat ng iniisip mo at napunta ka sa panahon na kung saan ay kayong dalawa na, at happy kayong magkasama?! Alam mo ba yung pakiramdam na parang natagpuan mo na yung matagal mo nang hinahanap na karayom sa isang sakong dahon ng mga palay?! Alam mo rin ba ang feeling ng may LBM? Yun ang feelings ko nung araw na yun! Just kidding, patawa lang yung huli, pero totoo yung dalawang nauna.
“Nakupo siya sa isang madilim na sulok. Ewan ko ba kung bakit sa libo-libong babaeng nandoon. Wala pang isang minuto, nahulog na ang loob ko sa iyo. woo-ooh!!!”
Kanta nga pala iyon ng 6 Cycle Mind, Prinsesa!,. Hindi ko exactly ma-describe ang mga pangyayaring yun, wala yata sa diksyunaryo ang mga salitang dapat sabihin ko dito, pero yung kantang yun ang pinaka-kaya kong masabi sa ngyarin nun. Nahihiya pa kong tumingin nun, ewan ko ba, basta nagustuhan ko na lang siya. At natapos ang Seminar eh, hindi ko man lang nakuha ang number at name niya, at mukha lang niya ang ala-alang naaalala ko.
Chapter 2: The Untamed Eleven Lucky Numbers
Pangalawang seminar na noon, sa taas ng bagong Technology buliding, 9th Floor ata nun pero hindi ko sure. Limot ko na si “The One”, wala akong ine-expect na makikita ko siya nun, ni hindi ko nga siya naiisip nung mga araw na yun, ewan ko kung bakit. Kakaunti pa lang kami nun, naghihintayan at nagkukwentuhan, dahil siguro sa kakagaling lang sa Star City yesterday. Pero umatend pa rin ako dahil may libreng merienda na naman, na galing sa KFC. Note: Yung merienda last seminar ay galing sa Jollibee. Kakaunti ang mga estudyanteng dumalo sa pagpupulong, mas nakilala ko si Sir Noel, ang aming speaker at mas madami akong naging kaibigan. Note (again): Madaldal daw po kasi ako. Pero dumating ang oras na dumating din siya, late nga lang, pero ayos lang dahil dumating siya kahit papano. Sabi ko sa sarili ko, “Kukunin ko number niya!” Ayun na nga, nag-seminar kami tungkol sa values tapos nag-break. Remember na isang classroom yung ginagamit namin, nasa isang side ko talking and eating my merienda with my friends last seminar, at nandoon siya sa kabilang side na kung saan ay katapat ko lang siya, as in, katapat ko lang siya. Siyempre, pasulyap-sulyap ng konti ang tsong ninyo. Pa-cute ng konti. Pinakilala ko sa friends ko yung crush ko at itunuro ko, sabi ko sa kanila eh kukunin ko ang number niya. Natapos ang break at may panibagong activity na naman, tungkol sa families. We are asked to draw a tree, basta un na yun. Nagulat ako, AYOS!, Friend pala ni “The One” tong katabi ko, ayun lumapit, hindi ako mapakali, nagsimula na silang mag-drawing. Ganito ang ngyari:
8 Steps to Get the Number of the Girl You LIke
Step 1. Siyempre, pasimple muna, wag magpapahalata.
Step 2. Kunin mo ang numbers ng nasa paligid para hindi mahalata na crush mo ang isang tao.
Step 3. Matapos makuha ang numbers ng mga kalapit eh, aim for the target na!
Step 4. Kunin mo ang number ng kalapit bago ang nasa malayong lugar para hindi halata.
Step 5. Then, sabihin sa kalapit na ipasa yung cellphone mo dun sa kalapit pa niya para makuha rin yung number.
Step 6. Tapos maghintay ng ilang sandali, huwag magmadali.
Step 7. Ayon naibigay na nga sa kalapit na nagngangalang “The One”.
Step 8. Huwag gayahin ang mga steps na ito dahil palpak ang mga ito.
Sabi niya kasi eh mamaya na lang kasi nga nag-dodrawing pa. Oo nga naman, tanga talaga ang tsong ninyo. Pero dumaan ang panahon, bumagyo na at lahat, eh hindi ko pa rin nakuha ang number niya, hanggang sa matapos ang seminar.
Chapter 3: The Eleven Numbers between Two and Three
Lagi kong nakikita sa daan si “The One”, itinuro ko sa mga kaibigan ko hanggang sa maging sikat na siya sa classroom namin. Note: Sikat kasi ang tsong niyo sa Room niya. (Ahem… Ahem…) Tapos sakto, ka-dormate pala ng classmate ko na ka-scholar ko rin si “The One”. Na-gets niyo ba?? Uulitin nang tsong niyo, Ka-dormate ng ka-scholar ko, na kaklase ko rin, na kaibigan ko rin, ang crush ko na magiging friend ko rin na hindi ko tuluyang nakilala sa last seminar na si “The One!” Ayan, na-gets niyo na! Let’s continue… Sabi ko sa sarili ko, AYOS! Nakiusap ako na kunin yung number niya kapag nakasalubong sa dorm o kaya nakita sa dorm nila. Dami pang satsat ng kausap kong ito, ako na lang daw kumuha, dahil mas nararapat na ako daw ang kumuha, busy daw siya, madami daw gawa, tapos ako na lang daw kumuha, tapos na-singit pa yung love life niya. Ano ba to?! Pero nakiusap ako na kunin yung number niya, at yun nga, pumayag naman siya. Paghihintay nag pinakamatinding challenge sakin, haaaaay! Pero one day, lumapit itong classmate ko, sabay sabi, “Nakuha ko na nga pala number ni “The One”. My G********* **** *****!!!! Pinaghalo-halong emosyon ang nadarama ko, natatae, naiihi, masaya, malungkot, seryoso, kool, hindi dahil sa nakuha ko number niya pero dahil sa Low-Bat ako nung araw na yun! Haay, tapos kinabukasan eh, nakuha ko na number niya sa classmate ko. At laking tuwa ng mga tsong-go! Tsong Go! At nagpa-load din ako ng araw na iyon at tinext ko siya at si “The One” ay… … … … …
THE END of Volume 1










