Buhay PEYUPS sa BISAYAS
September 7th, 2008 by guru_fita2hay.
since i was kicked out of State U, parang gumuho na ang mundo ko. ewan ko kung bakit, siguro, dahil na hurt and pride ko. masyado kasi akong bumilib sa sarili ko when i was still in UPV. syempre, UP yun eh. quota course pa yung kurso ko dun. i mean, sinala talaga. pero siguro nga, sa kadahilanang Diyos lang ang nakakaalam, kaya ako nasipa sa PEYUPS e para mamulat ang aking mga mata na may buhay pa sa labas ng UP.
at totoo nga. mas gumanda ang buhay ko sa labas ng UP. kahit nasira ang pride ko, di ko na inisip yun. basta ang importante, magsimula ulit. pinagbuti ang pag-aaral, nagkaroon ng napakaraming mababait at mapagkakatiwalaang mga kaibigan (PPS… Jaan… Jankat, Febe).
balik ulit sa topiko, OO, nakakamiss ang buhay sa UPV. dati, noong nagbo boarding house ako, malaki ang pasalamat ko kasi malapit sa dagat. lagi kaming naglalakad sa dalampasigan, mula sa boarding house, daan sa OWL (Ocean Weather Laboratory) ng CFOS (College of Fisheries and Ocean Sciences), tapos, lakad ulit hanggang sa lagpas na kami ng Brgy. Mambatad, na malapit na rin sa huling bayan ng Iloilo, ang bayan ng San Joaquin.
naaalala ko rin yung mga panahon na naliligo kami sa dagat kasama ang mga boardmates ko. sina manang ayen, abby, star, chinchin.. ruby… hay. tapos, yung pagluluto namin ng hapunan. mga overnight sa net cafes.
marami rami rin ang mga pangyayari sa PEYUPS na talaga namang hindi ko malilimutan. nandiyan ang lingguhang puyat sa paghahanda para sa LITMUS (literary-musical contest) aka PASUNDAYAG na sponsored naman ang ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY. ang praktis din para sa cheering ang yelling competition. naaala ko, ang grupo namin, tawag ay ELEKTRONS (MGA LAHING MANYAK), lagi na lang daw nasa lowest spot pag dating sa cheering and yelling. pero nung 3 taong pag aaral ko sa UPV, doon ko nakita kung paano umangat ang kalidad ng cheers and yells ng ELEKTRONS. nung 1st year ako, 5th kami, concept ng cheer namin ang phoenix. nung 2nd year, 3rd kami (ito ang first time na pumasok sa top 3 ang elektrons) sa concept na TUKO at napakalaking achievement nung 3rd year dahil naging 2nd na! concept naman nun si GOLLUM ng LOTR. napakasaya talaga ng buhay sa UP.
nandiyan din ang sportsfest na sobrang nakakapagod pero talagang ma-e-enjoy mo rin ng sobra. nung 1st year ako, lawn tennis ang nilaro ko, kasi yung ang sport ko nung high school. pagka 2nd year naman, nag change event ako sa badminton, doon ko lang kasi napagaling lalo ang laro ko sa badminton. sa kasamaang palad, 4th place lang kami out of 9 acad orgs. natalo kami ng REDBOLTS (PULA NGA LINTI) sa battle for 3rd. nung sumunod na taon, badminton ulit. ayun, sinuwerte. kami na ang naging 3rd! napakalaking achievement yun kasi ang top 2, puro alumni na ng PEYUPS na varsity nung panahon nila.
_________
sasabihin nilang mahirap doon. oo, mahirap doon kung hindi mo alam ang pinasukan mo tulad ko. akala ko, matatapos ko ang COMSCI (Computer Science) sa loob ng 4 na taon, napaka laking achievement na kasi kung matapos mo ang COMSCI sa UPV ng 4 years sakto! kaso, 3 taon ako dun, 2nd year na, irregular pa ang status ko. pamatay ang MATH SERIES. MATH 53, 54 AT 55 NA IISA LANG ANG LIBRONG GINAGAMIT. chinop chop ang libro sa 3 course. kamusta naman. hinding hindi ko makakalimutan ang INTEGRALS DAHIL YUNG ANG PINAKAPAHAMAK SA LAHAT NG MATH! doon ako nabobo sa math. pero keri lang din. masaya naman ang mga kaklase ko. wala pa doon ang mga major subjects naman sa COMSCI… CMSC 11, CMSC 55. CMSC 130… pinaka enjoy ko ang CMSC 11. kasi,parang eng-eng kami kung gumawa ng PROGRAMS. meron dati, gumawa kami ng “cashier” program. gumana naman, kasi basic functions niya maganda naman. nadale kami sa discount sequence ng program. dapat kasi magkaka discount siya pag nag enter ka na may discount ang item, ay putik, kung kelan presentation na, saka nagloko. pero keri lang din. pumasa naman ako.
sa CMSC 55 naman, ay naku. and course description nito ay DISCRETE MATHEMATICS IN COMPUTER SCIENCE. ayan, math na naman ulit. nakupo. puro nalang EULER CYCLE, DJISTRA’S PROBLEM, mga PERMUTATIONS AND COMBINATIONS na hindi ko alam kung saan nila kinuha pero iba sa permutations and combinations lecture ko noong high school.
________
kaya nga kung mag-aaral ka sa UPV, wag mo isipin ang kurso. isipin mo muna kung saan ka magaling. gawin mong puhunan iyon para malampasan mo ang buhay UP. hindi rin sapat na matalino ka eh, papetiks petiks ka na lang. walang ganun sa UP, kahit matalino ka, dapat mag aral ka pa nga ng doble dahil mas malaki ang expectations sa iyo ng mga prof at mga magulang mo. pero hindi ka rin dapat mabuhay sa expectations ng tao. basta gawin mo lang lahat ng makakaya mo. dun ka lang magiging proud sa sarili pag alam mong lahat ng efforts mo ay nagantimpalaan.
sa kaso ko naman, parang wala lang din. akala ko nga magaling ako, pero hindi rin pala. nabobo pa nga ako lalo. nakaka score ako ng 3/45, 7/100 8/50 sa mga exams. pero okey lang din. proud pa din ako kasi hindi ako na 0. meron nga akong kaklase ng galing PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL, pero 0 pa siya as in BOKYA. kaya nga tuwang tuwa ako nung malaman ko yun kasi akala ko, ako na yung pinakamababa, meron pa pala.
_______
ganito ang buhay PEYUPS. masaya, malungkot, nakakatakot para sa iba. pero kung naka aral ka na sa PEYUPS, hindi mo na iintindihin ang mga yan. ang importante, kung anu yung mga natutunan mo sa PEYUPS, i APPLY MO PAGKA GRADUATE MO O PAGLABAS MO MAN SA PEYUPS.
sa kaso ko, sa paglabas ko sa PEYUPS, natuto ako magpakumbaba. HUMILITY! sobrang HUMILITY!
dati, pag tinatanong ako ng mga classmates ko dito, saan daw ba ako skul galing, sabi ko, wag ko na sabhihin. pero mapilit sila, sabi ko UPV. grabe naman sila kung makapag react. sabi ko nga sa kanila, hindi porke galing UP matalino na. WALANG GANUN! sa katunayan, mas marami pa ngang HINDI DESERVING NA MAG ARAL SA UP kasi marami din ang mga bulakbol dun.
kaya nga sabi ko sa kanila, UP IS SOMETHING, BUT IT’S NOT EVERYTHING. hindi lang din naman UP ang paaralan sa Pilipinas. OO nga, iba talaga kung sa UP ka nag graduate, ganun pa man, hindi yun batayan para maliitin mo ang sarili mo o maliitin mo yung iba. kahit na pangalan pa ng skul mo yang bitbit mo, SARILI MO PA RIN ANG MAGDADALA SA IYO SA TAGUMPAY.
ito talaga ang namimiss ko sa UPV – MIAMI (slang namin ito sa MIAG-AO).










