HOME     ABOUT US     COMMUNITY     MY EMAIL     DIRECTORY     CONTACT US     HELP

  • Contributor account

    Contributor username


    Contributor password

    Remember me
     

    To login to the TAMBayan forum, click here or register

    Be a TAMBayan Contributor. Upload your essays, short stories, announcements, and other works here! To apply as a contributor, click here

  •   Show off your Tamaraw Spirit. Get our online freebies, ranging from PC desktop wallpapers, mobile phone themes, and more.   Relax and enjoy yourself with uploaded documentaries and other online flicks at the Tamaraw Bayan Screening Room.  
  • Home > Entertainment > Bitaw
  • Love ko Piyu 2012: Post Contest

    Site news
    Madali lang ang mga gagawin. Sagutin lamang ang katanungang ito (English, Tagalog, o Taglish basta maiintindihan ng karamihan): “Bakit mo mahal ang FEU?” Gamit ang iyong Facebook account.. Read more..
  • Paano yumaman (agad)?

    Featured essay
    Paano nga ba yumaman? Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman. Baguhin natin ang pangungusap. Marahil halos lahat yata ng Pilipino e gustong yumaman agad. Tama ba ako? Marahil halos lahat yata e gustong maging si Pacquiao o maging.. Read more..
  • FEU returns to NCC 2012, ranks 2nd in the qualifiers

    Sports news
    The FEU Cheering Squad ranked 2nd in the National Cheerleading Championship last February 5, 2012 at the SM Mall of Asia. Last time they joined at 2009, they ranked 6th.
  • Free email account at Tamaraw Bayan

  • Subscribe to our feeds through email. Enter your email address:


  • Entertainment Personals Poetry

    Bitaw

    October 6th, 2008 by

    Matagal-tagal na rin pala nang una kaming magkakilala ni Jon. Binigay ng isang malapit na kaibigan ang numero ng cellphone ko sa kanya at inutusan ako na mag-reply sa kanya kapag nagtext siya. Wala naman sa ‘kin ang magreply sa text ng isang taong hindi ko kilala. Mahilig din kasi akong magtext at lusungin ang mahiwaga at exciting na karagatan ng cyber world. Ang sabi kasi nila, sa mundong ito lumalabas ang totoong kulay ng mga tao – ang kulay na hindi nila maipakita sa totoong mundo dala marahil ng takot na baka hindi sila matanggap ng lipunan o ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Sa mundo ito, people are more honest but also, are more careful. Hindi sila madaling magtiwala sa kung sino. Marahil ay ganito ang reaction ko nang una kong matanggap ang kanyang mensahe. Hindi ako nagtiwala agad sa kanya. Kinailangan ko munang makipagkita sa kanya at kilalanin siya ng personal. Nang malaman kong halos magkatabi lang ang mga kalye ng magkaiba naming dormitories, hindi na ‘ko nagdalwang isip pa. Niyaya ko kaagad siyang magkita sa street nila na malapit sa UST (dun siya nag-aaral) dahil madalas naman akong pumunta doon. Kailangan ko lang tawirin ang Laon Laan para makarating dun. Nang magkita kami, hindi ko na-process kaagad sa utak ko ang magiging reaksyon ko. Ang alam ko lang, napangiti na lang ako nun habang dinig ko ang kabog sa aking dibdib. Ilang buwan na rin kasi ang nakakaraan nang huli akong makipag-eyeball. Pareho pa rin ang pakiramdam sa tuwing makikipag-meet ako – excited na kinakabahan. Excitement na dulot ng pag-asang baka siya na ang lalakeng hinahanap ko. Ang Prince Charming na matagal ko nang hinintay para iligtas ako mula sa napakatayog na tore kung saan ako nakakakulong ngayon. Ngunit kasabay ng excitement, kinakabahan din ako na i-reject ako. Ilang beses na rin kasi akong na-reject. Ngunit di tulad ng pakikipagbreak sa boyfriend, sandali lang ang sakit na dulot ng rejection mula sa isang estranghero. Anyway, naging maayos naman ang una naming pagkikita, pero hindi ko nasigurado kung nagustuhan niya ko. Para sa ‘kin naman, ok siya. Pero tulad ng iba kong na-meet dati, hindi ko pinapakita sa kanya na gusto ko siya. Kung meron mang contest ng pataasan ng pride sa Olympics, marahil ay atleta na ‘ko ng Pilipinas dahil sa taas ng pride ko. Hinding-hindi ko gagawin ang ipagpilitan ang sarili ko sa isang tao. Hinding-hindi ko rin gagawin ang ipakitang gusto ko siya. Hinahayaan kong siya ang gumawa ng first move. Kung hindi niya gagawin ang first move, ang ibig sabihin ‘nun para sa ‘kin ay hindi niya ‘ko gusto. Pwes hindi ko rin siya gusto. Isang pindot lang sa cellphone ko at burado na ang numero niya.

    Pero iba ang nangyari sa ‘min ni Jon. Ang unang pagkikita namin ang nasundan ng ilan pang mga pagkikita. Ang iba nga’y tinuring kong ‘date’ namin. Naisip ko, “baka gusto niya rin ako”. Halos araw-araw, minu-minuto, segu-segundo kaming magkatext. Kahit may klase kami ang panakaw pa rin naming tinetext ang isa’t isa, kahit may takot na baka mahuli kami ng aming mga propesor. Madaming mga bagay akong nalaman tungkol sa kanya at ganun din siya sa ‘kin. Habang magkatext kami, napagtanto ko na halos pareho lahat ng mga interes namin. Mahilig siya sa literatura, sa mga pelikula lalo na sa mga indie films at halos pareho din ang hilig namin sa musika. Siya pa lang ang taong nakilala ko na may alam sa mga pelikulang ‘No Regret’, ‘The Love of Siam’, ‘Formula 17’, ‘Boys Love’ at kung anu-ano pang gay-themed films. Siya pa lang din ang alam kong taong nakabasa na ng Palanca award-winning play ni Juan Ekis na ’20 Questions’. Siya lang din ang kilala kong tao na alam ang ‘Somewhere Only We Know’ ng Keane. Sa dinami-dami ng mga pagkakatulad namin, naitanong ko sa sarili ko, “Baka siya na ang hinihintay ko?” Nang tinanong ko siya kung anong balak niya sa future niya, kung may balak ba siyang mag-asawa at magkaanak, nagulat ako sa sagot niya dahil iyon din mismo ang isasagot ko kapag sa ‘kin itinanong ang mga iyon: “Oo naman. Magpapakasal ako abroad tutal legal naman ‘dun ang same sex marriage. Anak? Surrogate mother siguro.” Tawang-tawa ako ng isinagot niya sa ‘kin ito. Parang narinig ko lang ang sarili kong sumagot sa mga tanong. Pareho din ang opinyon namin tungkol sa mga dumadaming populasyon ng mga bisexual sa Pilipinas: “Mga bakla na takot magladlad. Na ang akala ay kapag sinabi nilang ‘bi’ sila, ma-e-exempt sila sa diskrimasyon at marginalization sa same sexes dito sa Pilipinas.” Parehong-pareho din kami ng dahilan kung bakit masaya na kami sa mga hitsura namin ngayon bilang ‘discreet gays’. Tila may ‘smiling reflex’ ako tuwing kasama ko si Jon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nasabi ko sa sarili ko, “Nahanap ko na ang lalake, este, baklang ipapakilala ko sa pamilya ko at mga kaibigan. Ang taong pakakasalan ko at gugustuhin kong makasama habambuhay.”

    Ngunit tulad nga ng sinabi sa ‘kin ni Andi, “Soulmates can never be lovers.”

    At tama nga siya. Sa lahat ng mga nangyari sa ‘min, ang mga ilang beses na pagkikita, ang segu-segundong pagpapalitan ng mga mensahe sa cellphone, ang mga panunuod ng mga movies (gustung-gusto niyang panuorin ang ‘A Very Special Love’!), ‘yung mga pagkakataong pumupunta siya sa ‘min na may dalang pagkain, nakahiga kami sa kama, ang mga oras na minamasahe ko ang kanyang likod, mga oras na nag-cuddle lang maghapon habang tulog siya sa ‘king mga bisig, ang mga haplos ko sa kanyang mukha, ang banayad na pangangalaykay ko sa kanyang kulot na buhok, pagkatapos ng lahat ng mga iyon…

    Kahit kailan, ni isang segundo, hindi naging kami ni Jon. Hindi nagdampi ang aming mga labi. Patuloy kaming nabuhay na dalawang magkaibang organismo sa mundo. Matagal pa man ang sinabi na niya sa ‘kin na hindi niya makita ang sarili niya na kapiling ako, na ‘kami’. Akala ko nang mga oras na ‘yun ay mamamatay na ‘ko. Hindi pala. Sa dinami-dami na ng mga naging experience ko sa lovelife ko, ngayon pa ba ‘ko manghihina?

    At ngayon, nandirito ako, nakaupo sa isang fastfood malapit sa UST, naghihintay sa ‘kanila’ at sa tamang panahon upang tuluyan ko nang bitawan ang tali at ipaubaya na siya sa ‘kanya’.

    Makaraan lang ang ilang minuto kong paghihintay, dumating din sila. Katulad ng dati, nag-work kaagad ang smiling reflex ko nang masilayan ko si Jon, ngunit napalitan ito ng grimace nang makita ko ang lalakeng kasama niya. Naglakad sila patungo sa ‘kin, magkahawak-kamay. Habang papalapit sila, tila lumalapit na din ang katapusan ng mundo ko. Napakalakas ng pintig ng puso ‘ko. Para akong isang bulkan na malapit nang sumabog. Ang init sa loob ko. Sobrang init. Napapaso ang kaluluwa ko sa aking nakikita.


    “Hoy, Juan,” bati ni Jon.

    Pinilit kong ngumiti, “O? Maupo kayo.”

    Naupo sila sa aking harapan. Ipinatong nila ang mga kamay nilang magkahawak pa rin sa mesa. Hindi ko ba alam kung sinasadya ito Jon upang masaktan ako. Iniwasan ko na lang iyong tignan at itnuon ang aking mga mata sa napakasayang mukha ni Jon. Pinilit kong ngumiti.

    “Juan, this is Marco.”
    Napatingin ako sa lalaki, “Hi, Marco.”
    “Hi, Juan,” nginitian ako ng lalaki. Kaagad kong ibinaling ang tingin ko kay Jon.
    “Sa wakas nagkakilala na din kayo!” sabi ni Jon.
    “Lagi kang kinukwento sa ‘kin ni Jon,” sabi ni Marco.
    “Talaga?” sagot ko habang kay Jon pa rin nakatutok ang mga mata ‘ko, “Anu naman ang
    mga sinasabi sa ‘yo ng lalakeng ‘to?”
    “Ang dami e! Ang sabi niya soulmates daw kayo. Parehong-pareho daw kayo ng mga interest. Mahilig ka rin daw magbasa ng books lalo na kapag Paulo Coelho ang author. Mahilig ka rin daw sa indie films tulad niya. Mahilig ka daw sa – “
    “Tama na,” ang sabi ko habang patuloy sa pagdurugo ang aking puso, “t-tama na ‘yan, umorder na muna tayo. Nagugutom na ‘ko e,” palusot ko.
    “Oo nga pala,” sabi ni Jon, “i-ti-treat ka namin.”
    “Talaga? Himala!”

    Tumawa lang silang dalawa ni Marco habang tumayo na papuntang counter. Hindi ko alam kung bakit sa kanilang kamay pa rin ang mga mata ko nakatutok. Ang kamay niya ngayon, may iba nang hawak. Hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko, pinangarap kong mahawakan ang kamay ni Jon. Pero ngayon, mukhang malabo nang matupad ang munti kong pangarap na iyon sapagka’t pagmamay-ari na ito ng ibang tao. Sinabi ko naman kay Jon na basta masaya siya, masaya na din ako. Kahit na ang kaligayahan pa niya ang nagdudulot sa ‘kin ng kalungkutan. Kinuha ko na lang ang earset ko sa aking bulsa at nakinig muna ng mga kanta. Minamalas nga ata ako. Nevermind me ni Maria Mena ang tumutugtog:

    Nevermind me, nevermind me
    I’ll just cast shadows on your walls
    Nevermind me, nevermind me
    My God I feel so small
    Nevermind me, nevermind me
    I’ll just cast shadows on your walls
    Nevermind me, nevermind me
    I’ll just let myself out.

    Kumuha ako ng isang pirasong papel sa aking bag at nag-umpisang magsulat.

    Nakabalik na sila sa upuan nila kasama ang pagkain na inilapag nila sa table. Mali at ang angle ng pagkakalapag ng tray sa table kaya natumba ang isang baso ng softdrinks at tumapon ito sa pants ni Jon.

    “Shit,” sabi ni Jon.
    “Oh! Sorry, Beb,” sabi ni Marco, ‘Teka kukuha ako ng tissue.”
    “Hindi ako na lang. Pupunta lang ako sa CR sandali.”
    “Do you want me to help?” sabi ni Marco.
    “No, ako na lang. Hintayin niyo na lang ako.”
    “Ok, sige.”
    Naupo si Marco habang nakatingin ako sa kanya.
    “Kumusta naman kayo ni Jon?”
    “Ok naman. Bago pa lang kami so wala pa ‘kong masyadong alam sa kanya.”
    “Ah, hmmm. Mabait naman si Jon. Anu bang gusto mong malaman tungkol sa kanya?”

    Naglakad si Jon pabalik sa table nila. Nagulat siya nang makita niyang wala na si Juan.
    “Marco, nasaan si Juan?”
    “Umalis na siya. May kailangan ata siyang puntahan.”
    Dahan-dahang umupo si Jon habang inaayos ang buhok niya.
    “Pero bago siya umalis, may ilang reminders siyang sinabi sa ‘kin.”
    “Reminders?”

    “Okay. Makulit iyang si Jon. There was one time na nag-away kami dahil sa kakulitan niya. Kung magpe-play ka ng song para sa kanya, I recommend na Mariah Carey ang ipatugtog mo. Pwede ring Amy Winehouse. Sigurado matutuwa ‘yun. Kung movies naman, mahilig ‘yan sa indies at gay-themed movies. Pwede rin ‘yung Oscar-winning flicks. Gusto nga pala niyang manuod ng ‘A Very Special Love’ ni Sarah Geronimo pero ‘wag na ‘wag mo siyang piliting manuod ng movies and TV shows ni Kim Chiu. Irita ‘yun sa kanya. Atsaka virgo ‘yang si Jon. Bagay sa kanya kasi virgin pa yan. Never been kissed, never been touched, never been anything. Dapat mo ring matutunan kung paano maglaro nang In Between, at kapag marunong ka na, be prepared, mag-imbak ka ng 5 pesos sa bulsa mo dahil siguradong mauubos ‘yan. Please make him feel loved always. Cuddle him. Watch him while he sleeps. He’s as delicate as a baby. Make him feel safe always. Kapag pagod siya galing sa school, masahiin mo siya, gustung-gusto niya ‘yun. Hayaan mo siyang matulog habang kayakap ka. ‘Wag mo din siyang hahayaang magutom, halimaw ‘yan pag gutom. And lastly, Alagaan mo siya, Marco. Kasi alam kong hindi ko na magagawa lahat nang ‘yan para sa kanya.”

    Hindi napansin ni Jon ang pagtulo ng kanyang mga luha. Pinigilan niya ang kanyang sarili na tumakbo mula sa kanyang kinauupuan. Inabot sa kanya ni Marco ang isang pirasong papel:

    Jon, alam ko masaya ka na. Nandiyan na ang ‘Marco’ mo. Hindi ba’t paborito mo ang pangalan na ‘yan? c: Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa ‘yo dati: “Gawin mo na muna ang lahat ng gusto mo. Magpakasaya ka. Magkapakasawa ka. Hanapin mo ang Prince Charming mo para maging maligaya ka. Pero kapag dumating ang panahon na gusto mo na munang tumigil at magpahinga, nandito lang ako, naghihintay sa pagbabalik mo. Bumalik ka lang at magpahinga ulit sa tabi ko. At kung sa oras na ‘yun man ay hindi pa rin ako committed at pagod ka nang maghanap sa tamang tao, pakakasalan kita.”

    Ngunit ikinalulungkot ko, Jon. Nahanap mo na ang taong hinihintay mo. Ang taong magpapasaya sa’yo at mag-aalaga sa ‘yo. Nandiyan na siya sa tabi mo at sigurado akong aalagaan ka niya. Marahil ay dumating na ang tamang oras upang maging masaya tayong dalawa. Ito na ang tamang panahon, Jon. Angkinin mo na. Maging masaya ka. Nevermind me. I’ll be okay. Habang binabasa mo ito, siguro kasalukuyan ko nang pinapalitan ang sim card ng cellphone ko habang nililibot ang Morayta upang maghanap ng bagong dorm. Bagong dorm na malayo sa ‘yo. Kailangan nang bitawan ni Juan ang tali, Jon dahil may Marco na na sasalo sa ‘yo sa ilalim ng bangin. Sana’y maging masaya kayo. Magiging masaya din ako, ipinapangako ko. ‘Wag mo kong kalimutan, Jon. Hinding-hindi rin kita makakalimutan. Juan.


     
    October 6th, 2008 by  Jan Suing is a former editor-in-chief of The Lamp, the Official Student Publication of the Far Eastern University Institute of Nursing. He's a deist, a fan of Nietzsche, a movie buff and currently the epitome of quarter-life crisis. www.twitter.com/juansuing



  • Book Review: The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

    Entertainment news
    Though I usually begin with a general feel of the novel, this time, I opted not to. Because this book’s outstanding quality, which practically made it a classic, is its subjectivity. Read more..
  • TamBayan Poll: 54% expect DLSU to win the 74th UAAP women’s volleyball tournament

    From a total of 255 online votes at the Tamaraw Bayan community poll from site visitors (not necessarily registered users) initiated last December 1, 2011, a total of 97 votes were ast that they think.. Read more..
  • TAMBayan Book Club

    Entertainment news
    To all bookworms and 'dog-earing' addicts out there: What do you think of having a TamBayan book club? My broad idea of a book club is members share their thoughts about a certain book.. Discuss..
  • Subscribe to Twitter

    Follow the Tamaraw Bayan at Twitter for the latest online community updates.
    Be a fan on our Facebook account
    Be a Tamaraw Bayan fan at Facebook, also get the latest community news.
    Download community toolbar
    Download the Tamaraw Bayan Community Toolbar and add it on your browser.
    11th Philippine Web Awards Finalist
    Best Website for Community & Portal at the 12th Philippine Web Awards.