Adiós a la Cordura
March 21st, 2010 by Edmundo LeeBumubulong ang hanging
Nagkukubli sa mga sanga
Nagpapahiwatig ng pagkalagas ng mga dahon
Mula sa mga sangang ito
Wari bang nagsasabing ang gabi
Ay magtatapos sa dilim
Hindi masisinagan ng kulay kahel
Na araw sa batang umaga
Madilim, masalimuot, malamig
Nababalot ng pighati ang hanging bumubulong
Sa aking nagsusumamong tainga,
Tama na, tama na
Paulit-ulit subalit hindi kumakalas
Sa pagyapos sa aking marurupok na mga balikat
Ang hanging tila nagsasabing
Ang gabi ay magtatapos sa dilim
At hindi kailanman
Masisinagan ng kulay kahel
Na araw sa batang umaga










