6: Unang Kabanata
August 20th, 2010 by Jan SuingUnang Kabanata: Ang Banggaan sa Highway
Alas-siyete ng gabi. Makalipas ang mahigit na limang oras, nasa isang highway pa rin kami patungong Baguio. Ayaw pa ring tumigil sa pag-ngawa ang sanggol sa likuran ng upuan ko. Kung bakit ba kasi ngayon pa na-lowbatt ang iPod ko. Wala tuloy akong maisuksok sa tenga. Walang musika. Wala akong marinig. Nabibingi na ata ako. O baka dahil lang ito sa pagtaas ng altitude. Chineck ko ang cellphone ko. Nakapatay pa rin ito na huli kong binuksan anim na oras na ang nakakaraan. Duda akong nag-aalala sila sa ‘kin. Kailan ba sila nag-alala sa ‘kin? I don’t matter to them at all. Actually, I even did them a favor when I stepped out of that house. Nararamdaman ko naman they just wanna get rid of me. ‘Yun naman ang tanging purposenila sa pagpapadala sa ‘kin sa London sa uncle ko para doon na lang ako mag-aral. But that isn’t what I want to do. They don’t care about what I want to do in life, so kaysa sa maging pabigat ako, umalis na lang ako.
Biglang tumigil ang bus sa gitna ng kadiliman. Law of inertia. Kamuntik na akong mauntog sa upuan sa aking harapan. Anu ba ‘yan. Pumasok ang isang babae. I noticed how disheveled her sky blue-dyed hair is, and her baggy clothes. Earphones are plugged in her ears. By how she looked, I can say this girl is total mess. Nahinto siya sa aking harapan. Limang segundo muna kaming nagtitigan bago makarating sa ‘kin ang signal na nais niyang iparating: “Get rid of your bag, you fucking bastard. I’m going to sit.” Dali-dali kong tinanggal ang bag sa seat sa tabi ko. Umupo siya at tinaggal ang malaking backpack sa kanyang likuran at ipinatong ‘yon sa kanyang mga binti. Punyeta, tinamaan pa ‘ko sa mukha at hindi siya nag-sorry. Bumuntong-hininga na lang ako at sumandal. Sana malapit na.
Lumapit ang kundoktor sa kanya para bigyan ng ticket. Bahagya siyang lumiyad, tila kukuha ng pamasahe sa kanyang bulsa. Nahihirapan siya sa pagkuha. Parang ‘sing lalim ng balon ang bulsa niya. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Punyeta.
“HOY, KUYA!” Putangina, nagulat ako sa lakas ng boses niya. Nauntog pa ‘ko sa bintana ng bus. Kung bakit ba naman kasi hindi muna tanggalin ‘yung punyetang earphone sa tenga ng gago, e. “Pahawak naman ng bag ko, o! ‘Di ako makakuha ng pera, e!”
Aba, ang yabang nito, a. Akala mo kung sino. Hindi ba niya napansin na may bag din akong dala?
“Sige na, Kuya!” Nakakabingi. Ilang milyong decibels kaya itong boses niya.
Nag-atubili kong hinila ang bag mula sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Nakakainis na ngiti. Nakakapikon.
Nang makapagbayad na siya, padabog kong ibinalik sa kanya ang bag. Sinuntok niya ko ng masakit sa balikat sabay sabi ng “Salamat!” Nakakagago. Hayop na babaeng ‘to.
Ilang minuto ding nanatili ang katahimikan sa bus nang bigla na namang ngumawa ang sanggol sa likuran. Nakakarindi. Masakit sa ulo. Buti pa ‘tong gagong katabi ko, napakasarap ng tulog niya dahil tapal sa mga tenga niya. Malapit na ngang tumulo ang laway niya. Konting pag-uga na lang ng bus. Ayan na, tutulo na. Napatingin ako sa bintana. Naisip kong bigla ang konsepto ngfavor bank na una kong nabasa sa libro ni Coelho na The Zahir. May bombilyang umilaw. Kulay yellow. Nasa ulo ko. Ngumiti ako sa aking sarili. Aha!
Tinapik ko ng malakas ang babae para gisingin. Bumukas ang kanyang mga mata. Namumula. May namumuong muta. Kulay yellow green. Inis na inis na tumingin sa ‘kin. Nais niya akong kainin. Lamunin.
“BAKIT!?” Napatingin ‘yung ibang pasahero sa kabilang banda sa sobrang lakas ng boses niya. Hinila ko ‘yung isang earphone sa tenga niya.
“’Di ba kanina ako ang naghawak ng bag mo? Pa-share naman ng earphone. Ang ingay ng bata sa likuran, e.”
Nagdalawang isip amputa, pero dahil may utang siya na favor sa ‘kin, wala siyang nagawa. Favor bank. Maraming salamat sa ‘yo, Paulo. Sinagip mo ang buhay kong muntik mo ng sinira dahil sa The Alchemist na libro mo.
Ilang minuto pa, pareho na kaming nakarating sa lupain ng mga panaginip. Siya, nasa Tír na nÓg. Ako, nasa kabundukan na ng Tralala.










