6: Ikatlong Kabanata – Ang Dagang Costa at Ang Ingliserong Estranghero
September 4th, 2010 by Jan SuingIkatlong Kabanata – Ang Dagang Costa at Ang Ingliserong Estranghero
Huminto kami sa isang maliit na carinderia hindi kalayuan sa bus station. Kaagad siyang pumasok sa loob at sumunod lang ako. Naghanap siya ng mauupuan namin samantalang nagmasid lang ako sa paligid. Lumapit ako sa may counter para tignan ang mga pagkain.Safe kayang kumain dito?
“Tara! ‘Wag kang mag-alala malinis ang pagkain dito. I should know. Suki na ‘ko dito at hindi pa naman ako nagkaka-cholera o tipus.”
Umupo ako sa bakanteng upuan habang kumukuha siya ng kutsara at dalawang basong tubig. Bumalik siya sa puwesto namin at ipinatong sa mesa ang mga kinuha niya.
“Hindi ka gentleman, ‘no? Hindi mo man lang ako tinulungan,” reklamo nitong babaeng may sky blue na buhok na may suot ng mga damit na si 50 Cent at Snoop Dog lang ang aakalain mong magsusuot. I mean, what are the odds of meeting a female gangster in a bus?
“E, hindi ka naman humingi ng tulong, e.”
“Exactly. Mukha man akong tomboy, babae pa rin ako.”
I scoffed. “Whatever.”
Lumapit ang serbedora at binigyan kami ng menu. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa menu.
“Adobong… kabayo? Literal na kabayo ba ‘to?”
“Ay, hinde, kuya. Baboy.” She was mocking me.
“Kalderetang aso? They serve dogs here?”
“Try mo ‘yun! Malinamnam!”
“Yeah, wait a second I want to puke.” Konti na lang, tatawag na ko sa PETA.
“Ate, isa nga pong piniritong dagang costa tsaka chopseuy,” umorder na siya.
‘”Yun lang po ba, Ma’am?” tanong ng serbedora habang nagsusulat ng order sa papel.
“Tsaka pala isang Coke sakto. ‘Yun lang. Salamat!”
“Kayo po, Sir?” Tanong sa ‘kin ng serbedora.
“A-ano ‘yung dagang costa?” Tanong ko kay Sky blue Girl.
“’Yung dagang puti,” sagot niya.
“Ate, isang Coke na lang, parang awa mo na.”
“’Yun lang po ba, Sir?”
“’Yun lang.”
Umalis na ang serbedora. Nakatitig sa ‘kin si Gagong Girl.
“What? Do I have dirt on my face? You’re the one who looks horrible here,” pang-iinis ko. Lahat yata ng kamalasan na pwedeng dumapo sa isang tao napunta na sa ‘kin.
Kumunat ang noo ni Sky blue girl.
“You’re very rude, aren’t you?” Sarkastikong tanong niya.
“I am, so?”
“Man, you have to learn how to respect others. Mayaman ka, ‘no? Taga-Manila ka, ‘no?”
“What do I being a Manileno have to do with this?”
“Figures.”
“Aha! Prejudice! Stereotyping!”
“Bakit ang tingin niyong mga taga-Manila, kayo ang may-ari ng Pilipinas? Kaya hindi umuunlad ‘tong bansang ‘to e. Imperial Manila.”
“Bakit ka galit?”
“Because you are rude!”
“No! I think I’ve been very kind enough to a stranger like you!”
“You’re equally a stranger to me!”
“Oh yeah? But I’m a kinder stranger, you have to admit that. I held your humongous bag for you for Christ’s sake!”
“I don’t think so. I shared you my earplug for an hour! That isn’t something a stranger would do to you.”
“So, magsusumbatan tayo? Anong point mo? Bakit mo pa ako dinala dito?”
“I just want you to be kinder! Gentler!”
“You don’t expect me to trust you completely, do you?”
“The very moment you let me bring you here makes you trust me completely. Let me guess, you’re a stowaway, am I right? And you hate your family, right?”
“None of your damn business,” I answered calmer.
“Bull’s eye.”
“You know what, you have been rude enough and I think I need to leave you now,” sinuot ko na ang bag ko at paalis na, “maraming salamat sa isang oras na pagse-share mo sa ‘kin ng earplug mo. And to tell you honestly, I hated your music. My Chemical Romance, eh? Sorry, I’m not a rock person. Bye.”
“You’re not going anywhere, Daniel.”
Natigilan ako. Napatingin ako sa kanya, more suspicious than ever.
“Pa’no mo nalaman ang pangalan ko?”
“I went through your bag while you were sleeping and I have your wallet with all your money and credit cards in it. I have your iPod, and your cellphone. Kapag umalis ka dito, magpapalimos ka sa Baguio.”
Lumakas ang tibok ng puso ko. Nanlamig ako. Mabilis na tumulo ang aking pawis. Putangina. Sabi ko na nga ba. Hindi dapat pagkatiwalaan itong taong ‘to.
“How… how dare you.” Nanlilisik ang aking mga mata.
Ngumiti siya, “so, aalis ka pa?”
Napaupo na lang ako habang galit na galit pa rin akong nakatitig sa kanya.
“Gotcha. How does it feel to be caught off guard?”
“You… betrayed…”
“I didn’t betray you. Ikaw na nga ang nagsabi, I’m just a stranger. We’re betrayed only by those who are close to us.”
The tables have turned.










